Chapter 23

360 19 17
                                    


Y/N POV

Nagising akong nasa ibang lugar na

Saan ba to? Hospital?

Nang sinbukan kong gumalaw, naramdaman kong may nakahawak sa aking kamay. Nasa gilid ng aking hinihigaan at tila natutulog

Ulit kong ginalaw ang kamay ko at ito'y nagising

"Y/N.." panimula ni Paco

Sinubukan kong tumayo pero bigla akong nahilo at sumakit yung tagiliran ko

Pinigilan ako ni Paco

"Huwag kang bumangon"

Ano ba kasing nangyayari? Ba't ako nandito? Ang rami kong tanong

Natulala ako ng ilang minute habang inaalam paano ba ako umabot dito

Ang huli kong naalala ay isang malaking puting ilaw

"Nadisgrasya ka Y/N. Yung nakabangga sayo, dead on arrival" takang-taka ako't di makapaniwala sa sinabi ni Paco

"Andito rin pala si Ferdinand. Tinawagan ko siya kagabi" dagdag nito

"Asan siya?" tanong ko

"Nasa nursing counter, nakigamit ng telepono" sagot naman nito

Ilang saglit ay pumasok na si Ferdinand

"Y/N.." bati niya nang nakangiti at nilapitan ako

"Okay ka lang ba? May kailangan ka? Gusto mo pa ng unan? May gusto ka bang kainin?" ang rami niyang tanong

"Hindi, okay lang ako Andy. Thank you" pasalamat ko nalang sa kanya

Ferdinand POV

Andy..

Ang tagal ko nang hindi narinig yan galing sa kaniya ah? Siya pa naman nagpasimuno niyang angga na yan nung kabataan namin

Galing ako sa labas para tumawag sa aming bahay at ipaalam kay Imelda kung saan ako

"Sure ka? I can get anything for you if you want" sabi ko ulit. Naninigurado lang kung may kailangan

"Okay na Ferdinand, ako na bahala dito. Umuwi ka muna at baka sobrang nag aalala na si Imelda sa iyo" sabi ni Paco. Tumango ako't lumabas na ng kwarto

Habang naglalakad ay hinabol ako ni Paco, "Tatawagan nalang kita kung ano man, madidischarge na rin ata siya sa susunod na araw"

"Hindi mo ba siya tatanungin tungkol sa bata?" dagdag rin nitong tanong

"Hindi nga siguro muna, pahinga muna siya" sabi ko't umalis na rin

-

Pag uwi ko sa bahay ay nandun rin si Imelda sa aming sala tila ba'y hinihintay ako magdamag

Nagising siya nung pagpasok ko

"Sweetheart... pinagpaalala mo pa ako" yakap niya sa akin at hinalikan ko siya sa noo

"Nadisgrasya si Y/N, sweetheart" tapat kong sinabi sa kanya

Akala ko ay magseselos siya't magagalit pero mukhang nag-alala rin

"Bakit? Paano?" tanong nito

"Nabangga kagabi. Kaya pasensya ka na sweetheart, dun na rin kami nagpalipas ng gabi ni Paco"

"Okay lang, ano ka ba? Ikaw? Mukhang pagod ka sweetheart. Magpahinga ka kaya muna?" anyaya nito sa akin at pumasok na rin ako sa kwarto, naligo at natulog na. Mabuti at hindi rin ako pinatawag sa trabaho ngayon

-

Paggising ko ay lumabas na din ako

Nagulat ako nang may mga bulaklak sa lamesa sa aming kusina

"Sweetheart? What's this? Saan mo ito ilalagay? Sa sala?" tanong ko

"Sweetheart..." lambing nitong paglapit sa akin

"Bumili ako ng flowers at tsaka prutas para kay Y/N. Kung okay lang sana ay bisitahin natin siya kasama yung mga bata" dagdag ni Imelda

"Oh sige sweetheart maya maya. Para na din ay makauwi si Paco saglit para kumuha ng gamit" sabi ko sa kaniya


--

A/N: mag uupdate ako ulit maya maya :) 

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon