Prologue
"Maraming salamat ho, Miss Yoon." Hinawakan ng matanda ang kamay ko, "Dahil po sa inyo, nakamit namin ang hustisya. Alam ko na kahit ganoon ang kinahantungan ng anak ko, malaya at masaya na siya dahil nakulong na ang hayop na iyon at wala nang matutulad pa sa kanya."
I held her hand back, "Ginawa ko lang po ang trabaho ko."
Namatay ang anak niyang babae matapos mapagsamantalahan ng isang matanda na nasa upper class, someone who owned a huge company in the country. We discovered how many women he harassed because of this case, karamihan sa kanila ay hindi makalaban at makapagsalita dahil sa takot.
I'll remember her name forever. Bianca. If her parents did not step up, his atrocities will continue. Madami pang mabibiktima. Because of them, we were able to give justice not just for their daughter but for every victim.
I went straight to the comfort room to remove my court dress. Itinali ko ang buhok ko habang tinitignan ang sarili sa salamin.
When I went out of the comfort room, I stopped walking. Sabay kaming lumabas ng kalaban ko sa korte.
Havriel Diaz stopped his tracks too. Niluwagan niya ang neck tie, kala mo ay nasasakal. Agad akong umiwas ng tingin upang makalampas na sa kanya but he held my arm to stop me.
Kumunot ang noo ko.
"Hands off." I said.
Havriel looked at me. He looks tired and exhausted. He must be. Dahil sobrang dami niyang tinatrabaho para sa mga kliyente niyang hindi pa patay, may pwesto na sa impyerno.
"Let's talk." Havriel said.
"Wala akong sasabihin sayo." I answered. Dahil iyon naman ang totoo. I don't have anything to say to him.
"Sierra, please?" He sighed, "Saglit lang."
"I don't want to hear you and your stupid excuses." Sabi ko, "Seeing you defend fucking criminals disgust me."
"Sierra naman..." Havriel called, I pushed his hand away from me, "What do you want me to do? Sabihin mo sa akin."
"Wala." Umiling ako sa kanya, "Just live your life the way you want. Even if you have to stoop so low and defend other people like you're their dog."
"You'll never forgive me, huh?" Mahina niyang tanong.
"All of you." I corrected him, I looked straight to his eyes, "All of you, Hav."
"God, Sierra..."
"Lahat kayo." Ulit ko. Wala nang lugar ang pagpapatawad sa puso ko. Wala nang lugar ang pagmamahal. Kahit na gusto kong tumakbo pabalik sayo, kahit na gusto kong kakampi kita, imposible na, Havriel.
There's only one thing I want right now. Freedom. To break free.
Ang umalpas sa madayang kadena ng mundo na pilit akong hinila pababa. Ang umalpas sa pagmamahal na inakala ko'y totoo. Ang umalpas mula sayo at kahit... sa sarili ko.