•13•

33 3 0
                                    

Chapter 13

Pinipilit kong ipikit ang mga mata ko pero sadya yatang ayaw nitong pumikit. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Tsk.

Ginawa kong kumplikado ang lahat. Ang tenge ko! Ang tenge tenge mo Dennise! Ngayon nawalan ka pa ng bestfriend! Hays!

Dali daling nagmaneho pabalik si Zyron kahit na bawal mag U-turn eh ginawa pa rin niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. I didn't know that it'll make it worst. Pinunasan ko ang luha ko. Hindi ko na napigilan. I felt a tons of guilt and.. hurt. Sana pala di nako nakialam, di sana hindi ko mararamdaman 'tong sakit nato. I just heard it right from him. I should'nt have let myself push this too far. Sana pala pinigilan ko na nung una palang.

Akala ko nga kanina ibababa niya ko at iiwan sa highway pero di niya ginawa. Sana ginawa niya na lang yun kesa makasama ko pa ulit siya ng 20 min. Nakokonsensya ako at nasasaktan! Bigtime! Napakapakielamera ko grabe!

Pagbalik namin ng Resto eh agad na humarap sakin si Thea. Blangko niya kong tinignan at napalunok naman ako. Kagad niya kong tinalikuran at niyakap niya si Zyron. Nakita kong may kumintab sa mga mata ni Thea. At hindi ako tanga para hindi malaman kung ano iyon, umiiyak siya.

I saw Zyron glaring at me. Alam kong galit siya sakin, galit sila sakin.

Napabangon ako sa kama at hinawakan ang ulo ko. Hindi ko maintindihan ang lahat. Alam kong mahal ni Zyron si Thea at hindi naman ako bulag para di makita 'yon. But he waited too long para mahalin siya pabalik ni Thea? Is it involved the time when i first saw him dun sa 6th floor ng engineering building? Hinintay niya ang paghihiwalay ni Patrick at Thea? Kaya ngayon ay ayaw na niyang magkausap pa ang dalawa. Because Thea still inlove with Patrick, tinutulungan siya ni Zyron para makamove on.

Okay gets ko na. Lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa kusina para uminom ng tubig. Sumandal muna ako sa sink habang hawak hawak ko ang isang baso ng tubig.

Mali ba talaga yung ginawa ko? Well, sa lagay kong 'to ano pa nga ba? Pero gusto ko lang namang maayos silang dalawa tutal aalis na din naman si Patrick.

Buhay talaga napaka komplikado. Ang mga tao may sari sariling rason sa mga bagay bagay na nangyayari. Hay nako! Sumasakit na ulo ko sa kakaisip.

Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa taas ng ref. Ala una na ng madaling araw, hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok. Naman!

Goodluck na lang sakin bukas. At Lord, sana patawarin nako ni Thea.

KINABUKASAN

As usual kahit namumugto ang mga mata ko dahil sa puyat eh pumasok pa rin ako. Mygod! Napapadalas na yata 'to, or tuwing involve lang si Zyron? Ah! Erase! Erase! I need to apologize to Thea. Alam kong mali ako, i should've let consult her first.

Hindi nako pumunta sa locker at dumeretso nako sa classroom, mejo kinakabahan ako.

Pagdating ko sa classroom eh kagad akong yumuko. Hindi ako late. Salamat naman! Pero di ako nakaligtas sa matalim na titig ni Zyron sakin habang si Thea naman ay di makatingin sakin.

Hindi ko alam kung uupo pa ba ako dun sa pwesto ko o hindi na. Idagdag na pati 'tong pawis na tumatagaktak sa noo ko, di kasi ako nakapagligo, half bath lang, baka naman kasi mamatay ako ng maaga pag pinilit kong maligo eh akalain niyong alas kuwatro nako nakatulog kagabi kakaisip.

Napalunok ako ng dalawang beses bago lumapit sa kanila. Kahit na nahihiya at nakokonsensya ako eh umupo pa rin ako dun sa dating pinepwestuhan ko. Sa tabi ni Thea.

Hinanap ko kagad ang phone ko pagupo ko sa upuan. Asan yung phone ko? Hala! Naiwan sa kwarto ko. Naku naman! Pero mabuti na rin siguro yun. Baka kasi pag nakipagtitigan ulit ako kay Dylan O'brein eh may mangyari na namang di maganda. Hayy!

Buong klase akong di pinansin ni Thea at talagang nababaliw nako dito dahil sa kaba at konsensya. Ba't kasi pinanganak akong pakielamera. Tsk tsk.

Palabas na sana sila ng classroom ng masambit ko ang pangalan ni Thea. She looked at me.

"Thea, i'm sorry." I said sincerely. Really, i can't make this day normal without her forgiveness. Ayoko ng matulog na kinokonsensya mamayang gabi.

Parang nahagip ko naman ang atensyon ng iba naming classmate. Opps! Hindi pala parang kasi nasa akin na ang atensyon nilang lahat. I hate this!

Lumapit sakin si Thea at hinawakan niya ang pulso ko. Tumitig siya sakin ng ilang segundo bago siya ngumiti. Ngumiti siya! God! Ngumiti siya! Ohmy! Ibig sabihin ba nun-- hinila niya ko palabas ng classroom at dumeretso kami sa C.R. ni lock niya ito saka siya bumaling sakin.

"Dennise!" Sambit niya. Kinabahan ulit ako, is she going to forgive me na? Nagulat na lang ako ng bigla niya kong niyakap.

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko." Pumiyok siya.

Mejo natulala ako saglit bago ko siya niyakap.

"It's ok Thea.. kung.. ano man yan." Sabi ko sabay tapik ng mahina sa balikat niya. Anyway, ano nga bang problema niya? Hindi ba ako yun? But why am i here? Why did she dragged me here? Hindi kaya.. yung paguusap nila ni Patrick?

Narinig kong humagulgol siya ng iyak.

"Thea, may gusto ka bang sabihin?" I asked while gently tapping her shoulder. Hindi ko alam kung pano ko papagaanin ang loob niya, kasi kahit noon pa man ni minsan di ko pa siya nakitang nagkaganito.

Kumalas siya sa pagkakayakap at tumambad sakin ang basa niyang mukha. Kumirot ang puso ko, parang naiiyak na din ako. Hindi ako umimik.

"I still love him Dennise!" She uttered and burst into tears again. Naku! Patay na!

"P-pero pano si Zyron?" Mejo naiiyak kong tanong. Sobra sobrang nahahawa na talaga ako sa pagiyak ni Thea. Pati sa mga sinasabi niya.

Bahagya siyang umiling at napatakip ng bibig bago nagsalita. "Hindi ko alam." Sambit niya.

Napatitig ako sa kanya at hinintay na magsink-in lahat lahat ng sinabi niya. She's not kidding right? Bigla na lang nagflashback sa isip ko yung mga sinabi ni Zyron kahapon.

I felt something. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko, kung bakit ko nararamdaman 'to pero nagagalit ako sa bestfriend ko.

I'll Fall for You (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon