Chapter 13.1 :)

73 19 3
                                    

Andreison's POV

Same day... Nandito ako sa kwarto ko. May dala akong madaming beer at isang boteng wine. Naka-uniform pa din ako. Tatlong oras na ang lumipas matapos ang uwian.

Naiinis lang ako. Hindi sakanya kundi sa sarili ko.

Makakayanan ko pang umiwas pero yung mga sinabi niya. Ganun ba ako kahina? Yun ba ang nakikita niya? Akala ko ba matalino siya? Bakit di niya ako kilala? Bakit parang naging slow siya?

Isa pa sa kina-iinis ko e... Yung umamin ako sakanya sa maling oras. Malamang makakalimutan niya din yun! Yung pag-amin ko? Wala lang yun sakanya! Walang-wala!

Isang baso pa ng beer ang ininom ko pero nagulat ako ng may tumulong likido mula sa mga mata ko. Luha.

Ang sabi niya, para lang sa loosers ang umiyak. Sa tingin ko, looser talaga ako. Natalo ko ang sarili ko sa larong ako mismo ang gumawa. Pero yung larong to, parang naging buhay ko na. Parang hindi na laro ang tingin ko sa pag-ibig, kundi, isang-buhay. Way of life kumbaga.

Uminom pa ako ng isang basong beer. Naubos ko na yung wine e. Tatlong oras ka ba naman? Hayy...

Hindi ako pwedeng mahilo ng lubusan. Papasok pa ako sa school bukas.

Huminto na ako at nag-palit ng damit. Naghilamos at ayos na. Pumunta na ako sa kama ko at humiga.

Kinuha ko ang cellphone ko at pumunta ako sa gallery. Naalala ko nung natulog kami sa isang motel. May picture kami dito. Kaso naka-pikit siya at ako todo ngiti pa. Sobrang saya ko kasi nun e.

Napa-ngiti ako. Para akong baliw dito pero ok lang para sakin.

Ginawa kong wallpaper yun ng cellphone ko para kapag namimiss ko siya, nakikita ko pa din siya. Hahahaha!!!! Ang cute...

...ang cute namin...

Kapag kami naging mag-boyfriend at girlfriend. Susuyuin ko siya araw-araw. Hindi ko sasaktan. Pasasayahin ko siya. Lahat ng hiling niya gagawin ko. Kahit pa makipag-bati sa papa ko gagawin ko. Mamahalin ko siya ng buong puso. Ipagmamalaki ko siya. Palagi kaming mag-sasama. Di ko siya pababayaan. Kahit anong mangyari, di ko siya pakakawalan kasi akin siya at bihag niya ako.

Hayyy... Ang dami kong pangarap para saming dalawa. Pero sa tingin ko, di na mangyayari yun. Ayaw niya sa mga taga-section 10. Siya kaya ang dahilan kung bakit tumaas ang mga scores ko. Siya ang dahilan kung bakit gumagawa ako ng assignments. Siya ang dahilan kung bakit nagrereview ako sa mga quiz (magkikita kasi kami tapos magpapatulong ako sakanya.) Nakaka-inis. Dapat pala umpisa pa lang ginalingan ko na. Natalo ako. Sobrang talo. Kasi ayaw niya na ako. Kasi di niya ako tanggap. Masaya pa din ako kasi di siya nakipag-kilala sakin dahil mayaman ako. Hindi siya tulad ng iba...

Matutulog na nga ako. Magkikita pa kami bukas... Kahit di man kami makapag-usap. Ok lang, nakita ko naman siya.

Gagawa ako ng paraan para mabago ang ayaw niya sakin. Mag-sesection 1 din ako... Magiging seatmate din kita.

Mamahalin....mo...din...ako.... Zzzzzzzzzzz...

Heishael Chrisheffe Advinosa's POV

Nandito ako sa... sa bahay. Naglilinis ng konte. Hindi naman kasi ako burara tulad ng iba. Maliit na nga ang bahay madumi pa? Nako... Di ko bet yun.

Pumunta na ako sa kwarto at kumuha ng isang libro.

Love and Pride

Ayos tong libro na to ah. Binili ko to nung first year ako. It was December. Regalo ko to sa sarili ko nung Christmas. Mahirap mag-Christmas ng mag-isa. Naghahanda ako ng mga foods para naman may kinakain ako kapag Christmas kahit paano.

The Wise Girl and the Naughty BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon