Sa paglipas ng mga araw,
Sa mga buwan na nagdaan,
Sa mga panahon na aking nasasayang,
Sa mga oras na akin ng pinagsisisihan
Ika'y gusto ko sanang makita
Ika'y gusto ko sanang mahawakan
Ika'y gusto ko sanang mlapitan
Ngunit hindi ko magawa, sa laki siguro ng hiya
Sanay hawak ko na lamang ang oras
ng maibalik ang mga araw na ika'y aking gustong malapitan
masakit sa akin ang magpapaalam,
ngunit mas masakit sa akin ang mawalay sa minamahal
na wala pang kasiguraduhan, kung nais akong maging kaibigan
Masakit para sa akin ngunit kailangan kong tanggapin
Masakit para sa akin ngunit kailangan kong pilitin
Ambigat bigat sa pakiramdam
Mabigat sa aking kalooban, mahirap tanggapin
Sobrang hirap hanapin
Ang sagot sa mga tanong na gumugulo sa akin.
Nagsimulang umikot ang mundo ko
ng ikay aking nakilala
nagsimulang tumibok ang puso ko
ng ikay una kong nakita
At nagsimulang mumulat ang aking mga mata
Na ang ngiti mong hinahalintulad sa tuwina ay akin ng nakita
Ang pagindayog mo sa musika,
Ang pumupukaw sa aking mga mata
Namumulaklak ang tinig mo, sinta
Ang sarap pakinggan sa aking mga tenga
Na sana'y patuloy ko pang marinig at maalala
Hanggang saking panaginip ay pumasok ka sana
Pagibig ba itong aking nadarama?
Sayo'y inalay ang lubos na pagsinta
Pagibig na kaya mismo ang dumikta?
Sa puso ko na di muling iibig pa
Hinding hindi ko pinagsisisihan na ika'y naging bahagi ng aking buhay
Hindi ko lalo pinagsisisihan na ikaw ay aking minahal ng lubusan
Nagpapasalamat pa ako kay kupido
Na ang nadaramang ito'y sa akin pala'y magpapabago.
"Ang pagsintang labis na makapangyarihan, pag ikaw ay pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang."
BINABASA MO ANG
Tinig ng Puso ko'y Ikaw
PoetryTulang inaalay ko sa mga torpe, sa mga kinulong na lang ang naramdaman sa kanilang sarili at hindi nasabi ito sa kanilang minamahal. Itong tulang ito ay sa aking crush dati na di ko nasabi kung ano yung nilalaman ng loob ko. Ang pinagtakahan ko nga...