CM Oneshot

46 8 4
                                    

“Akala mo kinaguwapo mo na ang pagtu-two time saken ganun? hoy Aljohn ito ang tandaan mo. DYOSA AKO. LAMANG LUPA KA LANG!!!!” nanggagalaiti ako sa galit. Wala na kong pakelam kung nakakuha na ko ng atensyon sa restaurant na yun kung saan ako nakipagkita sa hayop na lamang lupa kong boyfriend, oh no! EX BOYFRIEND!

Ang kapal ng mukhang idahilan ang pagkakaiba namen ng University kaya niya ko nagawang lokohin. At ang tukmol hindi man lang ako binigyan ng warning na niloloko na pala ko. Kung hindi ko pa nakita sa Facebook ang larawan ng babaeng mukhang patatas na yun habang nakikipag'laplapan sa tukmol na to hindi ko pa malalaman. The nerve of him.

Kuyom ang kamao kong lumabas ng restaurant na yun at nagmaneho sa pinakamalapit na bar kung saan madaming alak.

Maingay, malakas na music, madilim, nagkalat ang mga tao, mausok, at malikot na ibat' ibang kulay ng ilaw ang bumubuo ng lugar na pinuntahan ko but I didn't care. Ang tanging kausap ko lang ang bote ng alak na nasa harap ko. Aminin ko man o hindi except to my ego nasaktan talaga ako sa ginawa ni Aljohn. Im just a girl who dream to have a boyfriend to be last. And I thought si Aljohn na yun but I was wrong.

We shared One year relationship akala ko sapat na yun para masabing magiging kame na sa huli but again I was wrong. Hindi tagal ng panahon ang basehan para maging matatag ang relasyon minsan kahit na gaano pa ito katagal nasa isa pa din sa inyo kung paano ito magiging matibay.

It is like a shoe lace. Dalawang tali ang kaylangan para mabuhol pero isa lang ang kaylangan para makalas ito. Damn!!

Sabay ng pag tulo ng luha ko ang pag tungga ko sa alak sa mesa ko hoping that every liquor poured into my throat can take the pain away.

Nang makaramdam ako ng hilo. I decided to go home. Maaring nasaktan ako sa ginawa ni Aljohn pero I am not insane to suicide.

Ilang tao pa ang nabangga ko para lang makalabas sa bar na yun and then when I came in to parking area saglit akong napasandal sa kotse ko. Tumingala sa langit at pumikit. Lord please ease this pain.

After that dumilat ako at hindi sinasadyang mahagip ng mata ko ang katabing kotse ko. Maaring medyo nahihilo na ko. Pero pamilyar ang pulang Ferrari na to. Ganitong ganitong ang model nun eh. Nagtagis ang mga bagang ko ng maalala ko ang ginawa ni Aljohn.

Hindi ko na hinayaang makapag isip pa ko ng mabuti at kumuha ako ng bato na siyang pinang'gasgas ko, pinangbato, at pinang massacre. Oh poor car. For the last touch buong pwersa kong binato ang salamin nito.

“WHAT THE FUCK ARE YOU DOING TO MY CAR?” muntik na kong mapatalon ng marinig ko ang galit na boses na yun. Dahan dahan akong lumingon. Yvo Plama?

I narrowed my forehead. “What the hell you care Mr. Playboy?”

“The hell I care to my OWN car?" sigaw nito at lumapit sa kotse NIYA? Teka baket niya inaangkin ang kotse ni Aljohn?

“Kotse mo? ang alin?”

“The one you ruined.” Damang dama ko ang pag tagis ng mga bagang niya. Naningkit ang mata kong sinilip ang plate number ng sasakyan para masiguro ko kung ano ang pinagsasabi niya. Then napakagat labi ako ng makumpirma kong hindi iyon ang kotse ni Aljohn. Kamukha lang. The crap!! How clumsy I am para hindi man lang tingnan ang plate number nito. Damn my clumsiness at nagtagpo kame ng Notorious playboy ng Campus namen.

“Shit!! do you have an idea how much is that?” gigil na sabi nito at parang mag aapoy ang mga matang tumingin saken matapos tingnan kung gaano kagrabe ang naging damage ng sasakyan niya.

Hindi naman grabe ah! Gasgas lang naman ang gilid non sabihin na nateng medyo malalim mga half inches, yupi ang unahan, basag ang windshield at ang binatana, yupi din ang bubong. Hindi naman ganun kalala ah. Hindi naman ganun kalala para sumabog. XD!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clumsy Meeting (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon