Ara's POV
Pagkababa ko ng taxi, dali-dali akong sumakay sa elevator.
2..
3..
4..
5..
6..
7..
8..
9..
Jusko ang tagal bago ako nakarating sa floor ng dorm namin. Tumakbo na ako papunta sa dorm namin. Kumatok ako at binuksan naman agad ito ni Kim. Pagkabukas niya agad na akong pumasok.
"Nasan si Mika?" Tanong ko at tumakbo na ako papunta sa kwarto ni Mika. Nakita ko siyang natutulog at lamig na lamig. At nang hawakan ko siya, sobrang init niya.
"Mika, ayos ka lang?" Tanong ko habang pinupunasan ng towel ang pawis niya sa mukha.
"A-ara.. nandito ka na." Utal-utal niyang sabi.
"Oo, nandito na ako."
"Ang tagal mo Ara. Hinintay kita sabi mo kasi babalik ka agad." Nanghihina niyang sabi.
"Sorry Mika, pero 'wag kang mag-alala nandito na ako. Babantayan kita."
"Wag mo kong iwan ha?"
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Hindi kita iiwan Mika."
Pagkasabi ko nun ay pinikit na niya ang mga mata niya at natulog na. Umalis muna ako sa kwarto niya para makapagpalit ako ng damit.
Nandito pa nga pala si Kim, nanunood ng TV.
"Ano palang nangyari kanina?" Tanong ko at umupo ako sa tabi niya.
"Kanina kasi pagbalik ko sa dorm namin kanina, si Carol inutusan akong ibigay yung notebook niya kay Mika. So ayun, kumatok ako dito tapos walang sumasagot. Inisip ko baka di naman nakalock yung pinto niyo kaya pinihit ko yung doorknob at yun bumukas nga, tapos nakita ko na lang si Mika na nakahilata dyan sa pinto. May dala pa nga siyang gamot eh. Baka bumili kanina."
"Ah, bakit kaya hindi siya nagsabi sakin kanina?"
"Baka nahihiya lang."
"Grabe naman. Binatukan pa nga ako niyan kanina eh."
"Malay ko ba? Ako talaga si Mika para tanungin mo ng ganyan eh."
Sabay simangot niya.
"Tss. Bumalik ka na nga sa dorm niyo." Pagtataboy ko sa kanya.
"Pero wait, kamusta pala yung dinner mo with Bang?" Tanong niya at itinaas baba pa niya kilay niya. Itsura talaga neto eh.
"Hay nako. Hindi mo man lang sinabi sakin na may boyfriend yun?!"
"Malay ko ba? Tsaka akala ko single yun eh. Lakas nga magpapansin sayo."
"Nagmukha tuloy akong ewan kanina. Biglang dumating yung boyfriend niya akala ko kung sino eh."
"Sayang naman. Kung kelan nakakamove on ka na biglang ganun?"
"Pinaglalaruan yata ako ng tadhana." Sabi ko at yumuko ako.
"Eto tatandaan mo kaibigan, hindi naman lahat ng gusto natin, mapupunta satin eh. May tamang time para diyan." Seryoso niyang sabi. "Tsaka di ba ang plano lang naman makamove on. Hindi ligawan si Bang."
Oo nga noh. Bakit ba nalulungkot ako? Peste talaga.
"Huwag mong sabihin sakin, nafall ka na?"
"Lol, hindi ah. Ewan? Ugh, di ko alam. Sayang kasi alam mo yung papunta na ko run, naunahan pa ako."
"Ano ba sabi ko pre? Hindi nga lahat ng bagay, bagay sayo. Meaning, hindi kayo para sa isa't-isa nun."
Lakas talaga magpayo neto ni Kim. Akala mo dami ng naging GF eh. Pero grabe naman, so meaning hindi talaga kami bagay ni Mika? Grabe ha, cute kaya namin.
"Ano na? Natahimik ka dyan? Sige alis na ko. Baka di na ako patulugin ni Carol sa dorm namin. Bye Ara!" Paalam niya.
"Sige pre. Salamat ha!" At sinara ko na ang pinto.
Binalikan ko si Mika sa kwarto niya, mataas pa rin lagnat niya pero bumababa naman ito.
Bumalik ulit ako sa kwarto ko at kinuha ko ang laptop ko at binuksan ko ulit ang Skype ko. Online si Kiefer! Kinontak ko siya at ayun, waiting. At least waiting ngayon, kanina wala talaga eh.
At sinagot na niya.
"Anak ng tupa Kief bakit ngayon ka lang nagparamdam?!" Medyo malakas kong sabi.
Nakikita ko na umiiyak siya sa screen. Sorry Kief, pero kahit na bestfriend pa kita hindi ako maaawa sayo.
"Ara, I'm sorry."
"Sa lahat ng ginawa mo, sorry lang masasabi mo? Kief, nahihirapan ako. Una, umalis ka at iniwan mo sakin si Mika. Pangalawa, ang tagal mong hindi sumasagot sa mga chats namin ni Mika sayo tapos pangatlo, nikoko mo pa si Mika. So, ano pa Kief? Kung ako nahihirapan, paano pa si Mika? Alam mo ba kung gaano ka niya kamahal? Sa totoo lang Kief, sawang-sawa na kong marining yung pangalan mo kay Mika eh. Yung halos ikaw lagi napag-uusapan namin. Wala siyang tigil sa pagcontact sayo. Tapos lolokohin mo lang? Grabe ka Kief."
"Sorry talaga Ara."
Yan lang ang nasasabi niya. Sorry. Nakakasawa. Ganun pala pagniloko ka, sobrang sakit talaga.
"Nasan si Mika? Gusto ko siyang makausap Ara."
"Tu--"
"Let me talk to him Ara." Bigla sumulpot si Mika sa may pinto.
"Pero Mi--"
"Okay lang ako Ara. Kakausapin ko siya." Blanko niyang sabi.
Binigay ko sa kanya ang laptop ko at dinala niya yun sa kwarto niya. Hinayaan ko silang mag-usap.
Sumandal lang ako sa pader ng kwarto niya. Naririnig ko ang pag-iyak niya. Pati ako naiiyak. Nasasaktan ako ng sobra para kay Mika.
-
"Ara? Gising na."
"Ara, may practice tayo ngayon."
Bigla naman akong nagising dahil may practice na nga pala kami ngayon.
"Goodmorning Ara, buti nagising ka na. Tara kain na tayo."
Wow. Panaginip lang ba yung kagabi?
Bumangon na ako sa sofa at naghilamos ako.
"Ye, yung laptop pala?" Tanong ko at umupo na ako para kumain.
"Chinarge ko pala yun sa kwarto mo. Baka malimutan ko." Sabay subo niya ng tinapay.
"Yung kagabi pala kamusta?"
"Ah okay na."
"Huh?"
"Cool off muna kami."
Wait, ano daw?
Cool Off?!
"Lang?!" Sigaw ko. "I mean, alam mo naman na niloko ka ng bestfriend ko."
"Ayaw niya kasing makipagbreak. Tsaka sabi niya bigyan ko daw siya ng chance. Hindi naman daw niya sinasadya yun." Tapos uminom naman siya ng milk.
Wow. Ganun ba talaga kabait si Mika? Mabilis magpatawad?
"Pero okay ka na ba talaga?" Muli kong tanong at uminom ng vitamins ko
"Maybe. Syempre masakit pa rin yun. Kahit hindi kami nagbreak, cool off naman."
"So, pag may pumorma sayo ibang guy, pwede na?"
"Pero wag muna ngayon, I will fix myself first before I start to see someone."
"Ah, pag kailangan mo ko, nandito lang ako ha? Just one call, I'll be right away at your side."
"Sabi mo yan ha?"
"Ako pa?" Sabi ko at nginitian ko siya.
BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
FanfictionDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...