Twinary POV
KASALUKUYAN akong nagpupunas ng window glass nang may marinig akong halinghing mula sa opisina ng boss ko.
Itinabi ko ang hawak na spray tyaka basahan, at maingat ang bawat hakbang ko patungo sa opisina ng boss ko.
Habang papalapit ako sa pinto ay mas lalong lumakas ang halinghing niyon. Kaya mas lalo akong tinupok ng koryusidad.
Nang makalapit ako sa mismong pinto ay...
Napalundag ako sa gulat ng hinila ni Jeassy ang kuwelyo ng suot kung uniform. "Twi, may tumawag sa cellphone ni Cris kanina at pinapasabi na may isang lalaking dinukot daw sa loob ng bahay niyo."
Lumundag ang kaba sa puso ko at napatakbo ako papasok sa loob ng dressing room. Dinukot ko ang dalang bag at walang pagdadalawang isip na tumakbo ako palabas ng restaurant para pumara ng taxi.
Pagkarating ko sa bahay ay sobrang kalat ang bumungad sa'kin.
"Hijo, kanina habang nagwawalis ako sa labas ng bahay. May nakita akong dalawang van na kulay itim, huminto 'yun sa mismong tapat ng bahay mo. Akala ko lang magtatanong sila pero bigla na lamang silang pumasok sa loob ng bahay mo at pag labas nila. May kasama na silang isang estranghero." mahabang paliwanag ni Aling Suli.
"Aling Suli, namukhaan niyo po ba ang mga taong kumuha sa kanya?" Nanginginig na tanong ko.
Umiling-iling si Aling Suli, "Patawad Hijo, pero hindi ko talaga mamukhaan iyung mga dumukot sa kanya. Pero iyung dinukot na estranghero ay mahaba ang kanyang buhok at kulay Lila. Ka ano-ano mo ba siya Twi?" Naguguluhang tanong ni Aling Suli.
"Katrabaho ko lang po, anak kasi iyun ng mayaman. Baka inutusan lang ng Dad niya iyung mga taong dumukot sa kanya." Pagsisinungaling ko.
Tumango-tango naman si Aling Suli, "O'siya, tulungan na lang kitang linisin ang bahay." puna nito.
Tumango ako, "Sige po."
Lumabas sandali ng bahay si Aling Suli para kumuha ng paglalagyan namin ng kalat. Habang nilibot ng mata ko ang kabuoan ng bahay ay may nahagilap ng mata ko.
Isang maliit na papel ang nakapatong sa ibabaw ng maliit na mesa. Kinuha ko 'yun at binasa ang nakasulat.
"Salamat sa tulong at pag-aalaga mo sa'kin, utang na loob ko sayo ang mga 'yun. Pero sa tingin ko ay ito na ang pang huli, Hindi ko alam kung magkatagpo pa ba ulit ang mga landas natin. Pero sana ay payagan tayo ng tadhana para magkita ulit. At isa pa, hindi ko rin makakalimutan ang nangyari sa gabing 'yun. Sana hindi mo rin makalimutan ang gabing'yun.
Hanggang sa muli Twinary Herrerachy.
- Sarquael Onkword
Pinilit kong ngumiti kahit malungkot ako, Nanghihinang umupo ako sa maliit na upuan.
"Ito na Hijo, nakahanap na ako ng paglalagyan natin ng mga kalat mo." Ana'ng Aling Suli at sinimulan ng maglinis.
Kanina pa ako hindi makatulog kaya lumabas na lang ako ng kuwarto. Pero bago 'yun ay sinisiguro ko mo nang tulog na si Mama.
Mahimbing naman ang tulog nito kaya tuluyan na ako lumabas. Tinungo ko ang daan patungo sa rooftop ng hospital. Kailangan kong lumanghap ng hangin kasi hindi na kakayanin ng puso ko ang sobrang kalungkutan.
Pagkarating ko sa rooftop ay sumalubong sa'kin ang malamig na hangin. Ilang beses akong nag inhale, exhale hanggang sa maramdaman kong may nakatingin sa'kin.
Si Mr. Broken.
Nakaupo ito sa semento, "We meet again." Bulalas nito matapos lagukin ang hawak nitong canned beer.
YOU ARE READING
KTS #1: Rekindled Debauchery (COMPLETED) [BxB]
Storie d'amoreA man who had dreams about his mother's health. A man with a golden spoon in his mouth is looking for a person whom can gave him kindness that day. ¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶ I am his assistant He is my boss His the one whom cannot control nor stop th...