Chapter 4

129 17 23
                                    

Tulad ng nakagawian, maaga ang naging simula ng araw ko. Bago pa tuluyang umaliwalas ang buong kalangitan, narating ko na ang paaralan.

Ang kinaibahan lang ay hindi ako pinapapasok ng gwardya. Sabi niya ay saka na raw ako pumasok kapag dumami na ang mga estudyante at kapag may kaklase o kaibigan na akong kasama.

Late na dumarating sina Pao at Eris. Anong gagawin ko dito sa labas ng campus? Magbibilang ng poste?

At dahil kahit anong pilit ay hindi talaga ako makalusot, tumayo na lang ako sa ilalim ng malaking puno na malapit sa gate. Mayabong 'yon at dito kami madalas sumisilong kapag masyadong tirik ang araw sa tuwing tatawid ng pedestrian lane para pumunta sa kabilang banda.

''Sino 'to?''

Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni at pagmamasid sa paligid, dumapo ang malamig na kamay sa aking mga mata. Nagsilbi itong piring at boses pa lang, kilala ko na kung sino.

''Engkanto siguro,'' kunwari ay walang laman kong sagot.

 Bumitaw kaagad si Pao at bumunghalit sa tawa si Eris. Inirapan ako ng kaibigan at umakto pang nagmamaktol.

''Umagang umaga nambabadtrip ka ah. Tulak kita d'yan e,'' siya at nauna na sa paglalakad. Tumaas ang kilay nito at umaktong nagtatampo.

''Joke lang,'' pang-aalu ko at sumama na sa kanila.

Dumami na nga ang mga estudyante at malapit na mag bell.

''Good morning Kuya Guard!'' si Pao. Tumango ang guard at nadaanan niya ang tingin ko. Napahinto pa siya saglit na animo'y may biglang naisip at saka may kinuhang paper bag sa loob ng guard house.

''Ne, may nagpapabigay pala. Iabot ko raw sa'yo.''

''Bakit daw po?'' ako at litong tinanggap ang supot.

''Walang sinabi e. Pero sa'yo raw 'yan, buksan mo na lang.''

Nagpasalamat ako at sinama sa paglalakad patungong room ang paper bag. Pasimple ko pang sinilip ang loob pero sa huli ay hinayaan na lang at hinintay na makapasok sa classroom bago busisihin.

''Uy anong meron? Secret admirer 'yan?'' si Eris at mukhang mas atat pa sa'kin kung anong meron sa loob ng papel na bag.

''Malay. Bomba siguro, boogsh!'' ako at inilapit pa ang hawak sa mukha niya habang papaupo sa bangko.

''Uy si Nini nagdadalaga na. Hindi na siya nene!''

Pabiro kong sinamaan ng tingin si Pao dahil masyadong malakas ang boses, agaw pansin tuloy sa klase.

''Chariz lang beh ito naman 'di mabiro. Anong meron sa loob? Ginto?''

Naupo ako at pinalibutan naman ako ng dalawa. Pagkabukas ng paper bag, tumambad sa'kin ang kulay puting lunch box at sa takip nito, nakadikit ang isang sticky note.

'Good morning. Breakfast, ig? :)'

Napa-O ang bibig ng dalawa at nanatili namang blangko ang itsura ko. Kanino naman kaya 'to galing at bakit ako binigyan?

''Gutom ka? Tikman mo nga,'' sabi ko nang makabawi.

Inabot ni Pao ang lalagyan at binuksan ang loob. May pancake at hiniwang prutas sa gilid na tinikman naman ni Eris.

Pinanood at hinayaan ko lang sila dahil baka mamaya may lason pala. Kung ganoon ay sila ang madededs at hindi naman ako.

Charot, user yarn?

''Anong lasa?'' ako at nakihati na rin.

''Lasang walking green flag! Sinasabi ko sa'yo kung sino man nagbigay nito aba sagutin mo na! Kung hindi ako na kukuha d'yan sa manliligaw mo!''

Field of Carnations (Solace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon