Tatlong taon na rin ang lumipas noong bumalik si Evan sa pagiging seaman niya at bago pa siya umalis ay nagpropose na siya sa akin. Ang kaso hindi namin naasikaso ang kasal dahil binigyan siya agad ng schedule kung kailan siya aalis kaya ito naghihintay ako sa pagbalik niya. Sa video call nga lang niya nakita ang bunso niya, eh.
Nagtataka ako noong may nagdoorbell dahil wala naman akong inaasahan bisita ngayon ah.
"Ma'am..." Napalingon ako sa maid. Hindi ko pa nga pala nababanggit pinapalipat na ako ni Evan sa bahay niya. "Nandiyan ho si ma'am Althea."
"Hi, Eve..."
"Hello po, tita Thea."
Lumapit na ako sa kanila. "Napabisita ka yata ngayon, Thea."
"Hello, ate Jas. Kaya ako nandito ngayon para yayain ka."
"Saan?" Taka kong tanong.
"Mamasyal. Anywhere you want to go. Ang sabi kasi ni kuya Evan mahilig ka daw mamasyal kaya binilin niya sa akin."
"Naabala ka pa tuloy."
"Ano ka ba. Hindi ka iba dahil fiancee ka ni kuya Evan at kaibigan rin kita. Bihis ka na."
"Pero... Kahit gusto kong mamasyal hindi ko pwedeng iwan ang mga bata lalo na si Errol."
"Nandiyan naman si ate Mindy para bantayan ang mga anak niyo."
"Baka kapag nagising na si Errol ay hanapin ako."
"Mommy, ako na po ang bahala kay Errol at tutulungan ko si ate Mindy sa pagalaga. Enjoy po kayo ni tita Thea."
"Oh, nagvolunteer na ang panganay niyo ni kuya Evan. I'm sure you don't have any excuse na para hindi matuloy ang pasyal natin."
"Sige na nga. Hintay mo lang ako dito at magpapalit muna ng damit."
Ang unang pinuntahan namin ay salon. Hindi ko nga alam kung bakit pa kami pumunta sa salon. Ang akala ko pupunta lang kami sa mall at mamasyal tapos may salon pa nalalaman si Althea.
"Ano ang gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya.
"Baka biglang umuwi si kuya Evan at para mas lalong maganda ka sa paningin niya."
Kunot noo akong tumingin kay Althea. "Huh? Hindi mo naman kailangan gawin 'to."
"Maganda ka naman kahit walang make-up kaya nagkagusto sayo si kuya Evan pero gusto ko talagang gawin ito."
Ang sunod na pinuntahan namin ay mall at pumunta kami sa department store para bumili daw ng damit. Hindi ako makatanggi dahil kinukulit ako ni Althea kahit hindi na niya ako kailangan bilihan ng bagong damit. Pero napapansin ko pumunta kami sa section ng wedding gown.
Kumunot ang noo ko habang abala siya tumingin sa mga wedding gown. "Ikakasal ka na ba, Thea? Alam na ba ng mga kapatid mo?"
"As if naman, ate Jas. Paano ako magpapakasal kung wala akong boyfriend?"
"Ano ang ginagawa natin dito?"
Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay kinuha niya ang dalawang wedding gown at pinakita sa akin. Inaamin ko parehong maganda ang dalawang wedding gown. "What do you think is pretty about these two?"
"Two of them are pretty. Ugh, ang hirap kaya pumili sa dalawa."
"I know, right? Kahit nga rin ako nahihirapan pumili sa dalawa."
"Sino ba kasi ang ikakasal?" Tanong ko.
"Walang ikakasal."
"Eh, bakit tayo nandito?"
"Wala lang. Trip ko lang tumingin dito. Malay natin in the future ikakasal na rin ako. At least may ideya na ko kung anong wedding gown ang kukunin ko. Pero kung ikaw ang ikakasal, ano ang gusto mong wedding gown?"
Tumingin ako sa mga nakadisplay na wedding gown at kinuha ko ang umagaw sa atensyon ko. "Heto. Kahit simple lang siya pero maganda rin."
"You're right. Maganda nga rin iyan."
Binalik ko na kung saan ko kinuha yung wedding gown. "Wait lang. Kailangan ko pala pumunta sa grocery dahil baka makalimutan ko ang bumili ng gatas ni Errol."
"Okay. Susunod na ako sayo mamaya sa grocery."
Nandito na rin naman ako sa mall kaya bibili na rin ako ng gatas ni Errol. Hindi ko pwedeng utusan si Mindy dahil walang kasama ang mga bata sa bahay.
"Nagtext sa akin yung driver kanina na naghihintay na siya sa labas. Let's go!" Rinig kong sambit ni Althea.
"Huh? Bakit hindi mo sinabi sa akin agad nandiyan na pala yung driver."
"Hindi pa tayo uuwi."
"Saan pa tayo pupunta?"
Basta. Magtiwala ka na lamang sa akin. Hindi naman kita ipapahamak dahil lagot ako kay kuya Evan kapag ginawa ko iyon at kilala ko rin naman ako."
Pumunta kami ngayon sa isang beach. Ang dami ngang tao ngayon at napapansin ko sa hindi kalayuan ay sobrang dami ng tao. Ano kaya meron doon?
Nagpapasama si Althea sa comfort room kaya sinamahan ko na siya pero may inabot siya sa akin isang malaking box.
"Ano 'to?" Nagtataka ako habang nakatingin sa malaking box.
"Buksan mo at suotin mo na rin ah. Bawal ka tumanggi."
Binukan ko na ang malaking box at laking gulat ko ng makita ang laman noon. "Ano ang gagawin ko sa wedding gown?"
"Suotin mo iyan."
Lumabas na ako sa comfort room pero hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Althea. Ang daming tao tapos yung iba nakatingin pa sa akin. Ano ba kasi ang pakulo ni Althea at pinasusuot ako ng wedding gown.
"Excuse me po." Lumingon ako sa babae. "Kayo ho ba si ms. Jasmine Sarmiento?"
"Ako nga iyon."
"Sumunod po kayo sa akin."
Sumunod pa rin ako doon sa babae kahit hindi ko alan kung saan ba niya ako dadalhin. Huminto siya sa paglalakad at pinuwesto niya ako sa harap ng altar.
"You really have no idea what's going on right now."
Lumingon ako at laking gulat ko malaman kung sino iyon. "E-E-Evan?!"
"Surprise, Jas."
"Kailan ka pa bumalik ng Pilipinas?"
"Kanina lang ako bumalik."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na babalik ka na pala ng Pilipinas."
"Mamaya ko ng sasagutin ang mga katanungan mo dahil naghihintay na ang mga tao."
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at ngayon ko lang napansin nandito rin pala ang mga magulang at mga kapatid niya. Nakita ko rin nandito si Eve habang kumakaway ito sa amin at siyempre hindi rin mawawala si Errol. Buhat naman siya ni Mindy.
"Maybe you have an idea of what's going on."
Lumingon ulit ako kay Evan. "Kasal natin?"
Hindi ako pwedeng magkamali dahil pinasuot ako ng wedding gown tapos nakasuot ng white tuxedo si Evan at nandito kami ngayon sa dream wedding ko. Kakalungkot lang hindi na inabutan ng mga magulang ko ang kasal ko sa lalaking mahal ko.
"Yes, it's our wedding. Matagal ko ng inaasikaso ang kasal natin pero inaayos ko rin ang ang pagalis ko noong mga panahon na iyon. Kaya ngayong araw ay gaganapin ang kasal natin."
THE END
---------
Gawa na yung Prologue ng Till He Met Her at siyempre ilalagay ko na iyon pero next year ko na sisimulan.
Link 👇👇👇
https://www.wattpad.com/1171326065-till-he-met-her-prologue
BINABASA MO ANG
My Secret Romance
RomanceChase Sequel #2 : Evan Chase Ang akala nga ng mga kasamahan ni Evan sa trabaho ay isang bakla dahil niisa wala siyang pinapatulan na babae. Pero ang totoo niyan may isang babae siyang gusto makasama habang buhay - iyon ay walang iba kung 'di si Jasm...