RIVO

"Huh? Anong sinabi mo?" Yan. Yan yung una nating pag-uusap na hindi mukhang pag-uusap dahil sayo.

Nagmumukha akong tanga sa harap mo habang nagsasalita yun pala hindi ka nakikinig.

Naalala ko pa noon. Kaya tayo nagkausap ay dahil may group project tayong gagawin. Tapos tayong dalawa ang partners.

Naalala ko pa noon. Nung transferee palang ako dito. Ikaw ang kauna-unahang nakita ko.

Mahaba ang buhok mo.
Maputi.
Maitim na maitim ang buhok mo.
Tapos may kulay yung gilid ng buhok mo ng Violet.
Kaya kitang-kita ang kaputian mo.
Mapipilantik na pilik-mata.
Doon kita nakilala.

Sobrang ganda mo. Yung tipong lahat ng lalaki ay hindi pwedeng hindi matitingin sa'yo.

Bago pa'ko makilala sa school na'to bilang isang tahimik na lalaki.
Tapos pagpasok ko pa noon sa classroom inaasar ako ng mga lalaking kaklase nating lalaki.

"Yots! Ba't may panget dito? HAHAHAHA!" Sigaw sa'kin nung kaklase nating lalaki.

Hindi ko sila pinansin kasi akala ko matatapos din ang pambu-bully nila sa'kin pero..

Binato nila ako ng mga papel. Kahit naiiyak ako hindi pa'rin ako sumasagot sa tawag nila. Kasi alam kong mauuwi din to sa bugbugan. Tapos tinawag nila ako ulit.

"HOY PANGET LUMINGON KA! Pag hindi ka lumingon babatuhin kita sa ulo ng bato!"

Takot ako. Pero hindi ako lumingon. Ayoko na kasing makick-out. Dahil ako nanaman ang magmumukhang masama.

Ako nanaman.
Ako ulit.
Ako naman lagi.

Tapos biglang sumigaw yung lalaki.

"SORRY!" Lumingon ako.

Nakita ko yung ulo mo.
Dumudugo.

Nagulat ako.Tapos tinignan ko yung lalaking bumati sa'yo.

Umiiyak at nanginginig. Tapos tinignan kita.

Nakakatakot ka.
Itim na itim ang mata mo. Katulad na katulad ng aura mo.
Sobrang nakakatakot.

"Hi-Hindi ko s-sinasadya! Siya!" Itinuro ako nung lalaki.

"S-Siya dapat yung babatuhin ko!"

"Stop your shitty excuses." Yun ang unang salitang narinig ko sa'yo.
Nilapitan mo siya at tsaka mo binasag ang mukha niya.

Tuloy-tuloy ang dugo sa mukha niya.
At ikaw. Punong-puno ng dugo ang kamao mo.
Umupo ka sa tabi ko.

"Anong pangalan mo?" Tanong mo.
Nanginginig ang mga labi ko.

"R-Rivo Sanchez."

"Sanchez ililibre mo ako mamaya ng lunch."

"B-Bakit po?"

"Walang libre sa mundo. Yung libre ko lang. Pasalamat ka ako ang pumunta sa pwesto mo para akuin yung bato na tumama sa ulo ko na dapat naman talagang sa'yo." Sabi mo tsaka bumalik sa pwesto mo.

Noong oras na'yon ang tingin ko sa'yo? Ewan. Basta ang alam ko lang ay ikaw ang unang babaeng tumulong sa akin.

Hanggang sa naging matalik tayong magkaibigan. 2 taon rin ang lumipas mula nung nakilala kita.

"Uy may itatanong ako sa'yo pero wag kang magagalit ha?" Sabi mo.

"Ona. Ano ba yun?" Tanong ko sa'yo.

"Sino bang nagugustuhan mo dito sa school?"Napa-ubo ako.

"U-Uy?! Ayos ka lang? Eto tubig oh!"
Inabot mo sa'kin yung tubig.

"W-Wala ah! Bata pa natin!"Nanginginig na sabi ko.

"Bata? Highschool na tayo. Pero parehas tayo. " Walang ganang sabi mo.

Hindi ko din maintindihan ang sarili ko dahil dito.

Gusto kita. Gustong gusto. Kaso alam kong kahit kailan hindi mo ako magugustuhan.

Hanggang sa lumipas ang panahon.
Limang taon ang lumipas ngunit hindi ka parin nagbago. Ikaw parin yung dating babaeng nakilala ko.

Hanggang sa kinumbinsi ko ang sarili ko. Para aminin ang nararamdaman ko sayo. Tinawagan kita.

"Pwede ba tayong magkita Jordan?"

"Sige ba! May sasabihin din ako sayo Rivo."

"Sa dating tambayan. Intayin kita mamaya after ng trabaho mo."

"Sige!"

Kahit na 1pm palang ng hapon ay nandoon na ko.

Kabang kaba ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo.

Hanggang sa dumating na ang oras.
Nakita na kita.

Mas lalo ka nang gumanda. Pina-ayos mo na rin ang buhok mo. Hindi na ombre kunti itim na itim na.
Binati mo ako.
Umupo ka at binigay mo ang napaka ganda mong ngiti.
Habang kumakain tayo at nagku-kwento ka.
Kinakabahan ako. Humahanap na ako ng timing para sabihin sayo.

"Gusto kita." Napakahinang sabi ko.

"Ha? Ano? Di kita narinig, Ano ulit sabi
mo?" Tanong niya.

"Sab--

"Nga pala! May sasabihin ako."

"A-Ano?"

"May papakilala ako sayo mamaya."

"Sino?" Tanong ko.

"Boyfriend ko."

My first love was always held back by the thing called timing.

But then, timing don't just happen. It is made by your own choices, making decisions without hesitation.

That's what makes timing.

He wanted her more than I did.

I should've been more courageous than he is.

But it was too late. It was not the timing's fault, but...

It was my many hesitations.

fin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anong sabi mo? (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon