"Tara punta na tayo dun kila Jeoffrey. Tignan mo nagkakasiyahan na sila dun oh." Pagaaya ni Prince.
"Uy! Teka lang. Ano ba yung kumakalukos na yun? Ituloy mo na yung kuwento." Pagpigil ni Michael.
"Tsaka ko na itutuloy ang kuwento. Dapat nga ienjoy natin tong bakasyon natin eh. Tara na, magswimming na muna tayo." Pag-iwas ni Prince.
"Nambitin pa to eh. Kainis ka naman tol eh!." Tugon ni Michael.
"Tara na! Pumunta na tayo dun at nag-eenjoy na ang mga mokong o. Tapos tayo nandito nagkukuwentuhan. Tsaka ko na lang itutuloy ang kuwento. Medyo mahaba pa naman ang araw. Mag-enjoy na muna tayo. Tsaka ko na lang ikukuwento sa inyo. Magsaya na muna tayo." Tugon ni Prince.
"Isa pa, ito ang unang araw natin dito. Kaya dapat lang na mag-enjoy tayo." Dagdag pa nito.
"Ay naman 'to o. Sige na nga. (sabay karipas ng takbo papunta sa pool) O ano pang hinihintay nyo dyan? Tara na!" sigaw ni Michael.
Nang makarating sila sa pool, ay manghang mangha ang mga ito sa kagandahan na kanilang nakikita.
"WOOOHHHH!!!" sigawan ng magbabarkada habang nagtatampisaw sa tubig. Ang iba naman ay masayang lumalangoy at nagtatalunan sa tubig.
Lumapit sila sa kinaroroonan ng iba pa nilang kabarkada upang makisali sa mga ito.
"Grabe Prince, ang sarap pala dito sa lugar nyo. Parang ayoko ng umuwi sa manila." Manghang-manghang tugon ni Jeoffrey.
"Maganda talaga dito tol. Marami pa kayong di nakikita sa lugar na 'to. Kaya bukas ipapasyal ko kayo." sagot ni Prince.
Halos wala kang ibang maririnig kundi ang mga nagkakasiyahang kaibigan ni Prince at ang malalakas na alon na malapit lang sa resthouse nila Prince. Mararamdaman mo ang lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa iyong balat. Maaamoy mo rin ang amoy ng dagat. Malayong malayo sa nararanasan at nakikita mo sa Maynila.
Samantala....
Habang nagkakasiyahan ang karamihan ay nagsosolo naman si Cassandra. Napansin ito ni Prince na nag-iisa at nakatanaw lang sa karagatan at pinagmamasdan ang kagandahan nito na lalong gumanda dahil sa liwanag ng kabilugan ng buwan. Nagkikislapang na tila mo'y may diamanteng isinabog ang buwan sa karagatan.
"Hey! What are you doing here alone?" tanong ni Prince.
"Nothing. Just watching the fullmoon. Isn't it Beautiful? " sagot naman ni Cassandra.
"Yeah, So beautiful. Just like you." banat ni Prince. Sabay hangin ng malakas, dahilan para di marinig Cassandra ang huli nitong sinabi.
"What?" tanong ni Cassandra.
"Oh Nothing." sagot naman ni Prine.
"Why don't you come with me? I'll show you something you will like." dagdag ni Prince.
"Hmmp. Saan naman tayo pupunta? Baka hanapin nila tayo?" pagtataka ni Cassandra.
"Basta. I'm taking you somewhere I know you will like. Kaya huwag ka nang magtanong." sagot ni Prince.
Well saan naman kaya nya dadalhin si Cass? Ano naman kaya 'tong ipapakita ni Prince sa kanya? MMMMM....well abangan na lang natin...hehe...Medyo sleepy aq...kulang pa tulog q...kagagaling lang ng Night Swimming eh...hehe...
CASSANDRA'S POV
"Saan naman kaya ako dadalhin nitong mokong na to?" bulong ko na may pagtataka.
"Teka nga Prince, saan ba tayo pupunta? tanong ko sa kanya.
Aba naman. Nabingi na ata itong taong to ayaw akong sagutin. Niyaya ako dito tapos iniwan din ako. Kaya yun hinabol ko sya at hinablot ko yung kamay nya para huminto sya. Ang bilis kasi nyang maglakad eh.
BINABASA MO ANG
Bakasyon (UPDATING)
Misteri / ThrillerIsang grupo ng mga kabataan ang masayang nagbabakasyon sa isang liblib na probinsya sa antique. Ngunit ang kasiyahang ito ay napalitan ng takot ng mapadpad sila sa isang lugar na walang sinuman ang nangahas na magpunta. Ano ang mangyayari sa kanila...