Wendy's P.O.V.
Naglalakad ako ngayon papuntang coffee shop. Galing ako sa school ko. Lagi akong dumidiretso sa coffee shop kapag tapos na ang klase. Doon kasi ako tumatambay. Hindi naman ako pinapagalitan do'n eh. Mabait nga yung manager nila.
Nang nasa coffee shop na ako, dumiretso agad ako sa counter. Aray! Kainis! Sino ba 'tong sumingit saakin? Ako nauna eh.
"Ehem... Sorry sir, pero ako yung nauna sa pila eh," sungit kong sabi dun sa lalaki. Tumingin siya saakin bigla.
"Ano ngayon? Ako na nagyon ang nauna eh, wala ka nang magagawa, miss," suplado niyang sabi saakin. Nakakainis na nga yung ginawa niya, nakakainis pa yung mukha. Kapal din nitong lalaking 'to.
Matagal bago ako nakaorder, ang dami kasing inorder nung nakakainis na lalaki eh, mukhang nanadiya. Umupo na ako sa table ko, kung saan ako laging umuupo. Dito talaga ako komportable umupo.
"Renzo, grabe naman yata yung ginawa mo do'n sa babae," narinig kong sabi ng isang lalaki. Hinanap ko kung sino 'yon. Kasama pala nung nakakainis na lalaki.
"Hayaan mo 'yon. It's just only a girl," ang sakit niya namang magsalita. Kainis talaga! Umalis nalang ako para hindi ko na makita yung lalaking 'yon. Nakakasira ng araw.
Kinabukasan, maaga akong gumising para pumasok sa eskwelahan. Tiningnan ko ang phone ko. May message. Inopen ko 'yon. Si Krisha lang pala.
Krisha: Good morning Wendy! Uy, pasok kang maaga, bilisan mo kilos mo ha :)
Hay nako talaga, nagtext lang para lang do'n. Lagi naman akong maaga eh.
Nang nasa school na ako, nakita ko si Krisha, nasa isang bench. Pinuntahan ko siya.
"Good morning Krisha!" bati ko sa kaniya. Nagulat siya.
"Andito ka na pala," sabi niya.
"Ay, wala, wala. Kausap mo hangin," pilosopo kong sabi. Hindi naman siya nagalit. Mukhang medyo natawa pa nga eh.
"Wendy, mamaya, may ipapakilala ako sayo. Nako, parehong-pareho kayo nung ugaling 'yon," nakangiting niyang sabi. Parang medyo nainis ako. Kasi may kapareho pa pala ako ng ugali na kilala ni Krisha. Gusto ko kasi I'm the only one who can make her bad mood.
Maya-maya, tapos na ang klase namin. Dumiretso kami ni Krisha sa coffee shop na lagi kong tinatambayan. First time ko lang siya makasama sa coffee shop. Ayaw na ayaw niya kasing tumambay do'n eh. Nag-away pa nga kami dahil lang do'n. Pero ngayon, siya pa ang nag-yaya na pumunta sa coffee shop. Aba, weird.
Nang nasa coffee shop na kami, hindi kami dumiretso sa counter, dumiretso lang kami sa table.
"Hindi ba tayo o-order?" tanong ko sa kaniya. Ngiting ngiti lang siyang tumingin saakin.
"Hindi. May ime-meet lang tayo dito," sagot niya at kinuha ang cp niya sa bag.
"Aba Krisha, hindi ito ang dapat na lugar para lang makipagmeet tayo sa iba," sabi ko sa kaniya. Napatigin siya saakin.
"Bakit? Tama bang tumambay ka dito?" parang pilosopo niya saakin. Weird talaga siya ngayon. Bakit yung mga hindi niya ginagawa dati ginagawa niya ngayon?
Maya-maya, may umupong lalaki sa harap namin. Nagulat nalang ako sa nakita ko.
"Renzo, bakit ba ang tagal mo?" medyo galit na sabi ni Krisha. Siya yung lalaking ayaw ko na makita kahit kailan. Magkakilala sila?!
"Bakit ba? Importante ba 'to para dumating ako ng maaga?" parang pilosopo niya pa sa kaibigan ko.
"Hoy! 'Wag mo ngang pilosopohin ang kaibigan ko," pagtatanggol ko kay Krisha. Napatingin naman saakin si pilosopo.
"Ikaw? Ikaw si Sungit diba," sabi niya saakin. Aba, tanda niya pa pala ako.
"At ikaw naman si Pilosopo diba. Ang umagaw sa pila ko," tanggol ko sa sarili ko.
"Alam mo, ikaw lang ang nakita kong pangit na masungit," aba! Grabe na talaga 'to ha. Ayaw magpatalo.
"Wait guys. Magkakilala kayo?" medyo naguguluhang tanong ni Krisha.
"Ay hinde, kaya nga gan'to nalang kami mag-usap eh," sabay naming sabi ni Pilosopo. Nagkatinginan kami.
"Alam niyo, bagay kayo. Pareho kayong pilosopo," asar saamin ni Krisha.
"Hindi kami bagay, tao kami," sabay nanamang sabi namin kay Krisha. That time, tumayo na ako.
"Makaalis na nga, gaya-gaya kasi yung isa diyan," sabi ko sabay alis.
"Sandali lang Wendy, hintayin mo ako. Sige, bye na Renzo, pasensiya ka na kaibigan ko ha. Gano'n lang talag 'yon," sabi pa ni Krisha kay Pilosopo habang hinihintay ko siya.
Habang naglalakad kami ni Krisha, inis na inis talaga ako. Sana pala hindi na ako pumayag na sumama kay Krisha. Ito ang second day na nainis ako galing sa coffee shop na 'yon. Grabe talaga yung lalaking 'yon. Ang sarap sampalin!
BINABASA MO ANG
Teasing Each Other
FanfictionMapagbiro si Wendy pero si Renzo ay galit na galit sa mga biro ni Wendy kaya dinadaan niya ito sa kapilosopohan niya. Inis na inis naman si Wendy sa kapilosopohan ni Renzo kaya pinipilosopo na din niya si Renzo. Sa tuwing nagkikita sila, lagi nalang...