Chapter 17 - school drive part 2

34 2 0
                                    

"Ica, ayan wag mo masyadong idiim dapat mild lang" sagot ni Kyle sya yung instructor ko.

"Nasasayo kung gaano kabilis ang gusto mong takbo" dagdag nya pa, dinadrive ko lang ang kotse paikot ikot sa malaking compound.

"Okay park na natin Tapos na yang class mo." Hay nanakapagod today.

"Alam mo Ica, para kang Tubig tapos ako yung isda!" Sabi ni kyle sa akin.

"Huh? Bakit naman ?"

"Kase mamamatay ako pag wala ka!" Seryoso nyang sabi sa akin at biglang sumigaw ng ...

"BOOOOOOOM" ngumiti nalang ako.

"Ikaw talaga puro ka kalokohan!"

"HAHAHAHAHAHA, nakuha ko lang yan sa Twitter "

"Maiba nga tayo hanggang kelan ba pasok ko?" Tanong ko sa kanya.

"Uhm. Forever na ang pasok mo dito, para lagi kitang nakikita."

"Ewan ko sayo bahala ka dyan. "Iniwan ko na sya dahil honestly napapangiti ako sa sinasabi nya.

"Hoy wait lang oyyyy." Naririnig ko pang sigaw nya,

Nakita ko na sila Trixie at Charmaine

"Ica, ano na natuto ka na ba?" Tanong ni Trixie

"Medyo, madali lang naman pala eh"sagot ko.

"Well, it was a long day what if magbar ulit tayo? V I P Room ulit!" Suggest ni charmaine

"Sure" sigaw naman ng lahat.

"Isama natin si Jacob" sabi ni Charmaine

"si Jacob? Hindi ba sya Busy! Drew? Kasama mo syang nag shoot diba last day?" sabi ni Trixie

"Ah, oo pero Malay nyo. Well, magbibihis lang kami. Mauna na kayo! Kami nalang ang susundo sa kanya."Sabi naman ni Drew

Tumango nalang si Trixie at naglakad na kami papunta ng Parking lot.

"Ay, wait. I forgot something mauna na kayo intayin nyo nalang ako." Tumakbo si trixie pabalik at nauna na kami ni Charmaine.

Nang makarating na kami ay sumakay kami pareho sa likod binuksan nya agad ang bag nya at may kinuhang gamot at dali dali nyang ininom.

"May sakit ka ba? Baka napagod ka sana--"

"Okay lang ako. Wag mo kong intindihin. Ang mahalaga ngayon? Makakasama natin si Jacob" sabi nya. Sino ba talaga yung jacob na Yon? Na cucurious na din ako eh.

"Sinong jacob?" Tanong ko na punong puno ng curiosity.

"Basta, makikilala mo na sya." Sabi nya at dali daling hinunad ang damit nyang suot sa harapan ko.

" Ica, ano mas maganda sa dalawa na to?" Ipinakita nya sakin ang NAPAKA SEXYNG DAMIT. Na halos wala ng matatakpan sa kanya. "Itong yellow or green?" Tinuro ko nalang yun green "sure ka, itong yellow!?" At sinuot na nya.

Nagpaganda sya ng nagpaganda. Sino ba kasi yung jacob na yon?

"Oh ano tara na? Wow charmaine Nag ayos pa talaga ah." Dating namna ni Trixie

"Syempre ako lang dapat ang mapansin ni Jacob sagot namna ni charmaine."

Died 11:11 pmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon