Ferdinand POV
1965
Ilang taon na din nakalipas simula noong nangyari kay Y/N. Sa simula ay lagi akong natutulala dahil hindi parin ako makapaniwala. Kada linggo ay pinupuntahan ko siya sa kanila para bisitahin.
Simula din noon ay lumipat na siya ng Maynila at nagpatayo doon ng bahay
Ang clinic ay isinabilin na lang niya kay Paco
Nakakasama ko sila paminsan minsan kapag umuuwi kami nila Imelda at ang mga bata para mag bakasyon sa Sarrat o di kaya ay kapag may mga handaan o okasyon. Hindi na rin kami masyadong nag-uusap pero nagkakamustahay kami kapag nagkikita.
Hindi ako tatanggi, paminsan-minsan ay namimiss ko siya
"Sweetheart, are you ready?" tanong ni Imelda sa akin. Tumalikod ako't sumagot
"Ang ganda naman ng aking magiging first lady" sabi ko't hinalikan ko siya sa pisngi
Lalabas kami ngayon ng aking asawa para mangampanya. Plano kong tumakbo bilang pangulo sa susunod na halalan
Isang malaking hakbang para sa buhay ko at sa pamilya ko
Ang mga bata ay isasabilin ko muna kay inay
"You'll get late Ferdinand. Imelda. Get out now. The children and I will be just fine" sabi ni inay at umalis na din kami at baka nga ay mahuli
Malaki laki na din ang mga bata kaya maiwan-iwan na namin siya kay mama
Imelda POV
Tinutulungan at sinasamahan ko si Ferdinand sa kaniyang pangungumpanya
Kung saan-saan kami umaabot
Minsan nga ay namimiss ko na ang mga bata kasi madalas kaming wala sa bahay
Hindi ako sanay sa maraming tao dahil nahihiya ako pero paano ba? Ganito talaga ata ang itinadhana sa akin lalo nang nagkaasawa ako ng nasa politika
Si Ferdinand pala ay may planong tumakbo bilang presidente. Halo-halo ang emosyon ko tungkol dito kasi sa ngayo'y senador pa siya ay hindi ko na siya masyadong mahagilap dahil sa marami nitong inaabalahan. Paano na kaya na siyay magiging pangulos na? Gayunpaman ay proud na proud ako sa kanya
"Senador!!" sigaw nung isang lalaki papunta sa amin
"Governor!!" bati rin ni Ferdinand
"Asawa ko pala" dagdag ni Ferdinand at ako'y ngumiti lang
"Nako, napakaganda naman niyan Senador. Lugi na ibang kandidto jan palang ah" at nagtawanan sila
"Senador, mukhang magkapantay na kayo Macapagal sa survey" dagdag ni Governor
"Talaga ba? Ano pa ang pwede pa nating gawin para mauna na tayo?" tanong ni Ferdinand
"Since wala pa naman sa inyo ang nangangampanya sa Visayas, suhestiyon ko lamang ay mauna na kayo. Siguro sa susunod na linggo kung maari"
"Naku papaano iyan eh ibang lugar pa ang aming pupuntahan sa susunod na Linggo. Mukhang sa susunod na buwan pa nga kami makakapunta doon"
"May isa pa naman ding suhestiyon ang maipapayo ko sa inyo, Senador"
"Oh? Ano iyon?" tanong ni Ferdinand
"Lumalaki na ang mundo ng pelikula. Baka lang, baka lang naman ay magustuhan mong gumawa ng pelikula tungkol sa buhay mo o di kaya ay pelikula tungkol sa love story ninyo ni misis lalo na't mukhang patok na ang mga romantikong palabas ngayong mga panahon ngayon"
At dahil sa sinabi ng Governor ay mukhang napaisip rin si Ferdinand. Hindi kaya mukhang lalaki ang magagasto ni Ferdie nitong pelikulang ito?
"Huwag kang mag alala Senador. Kung gugustuhin mo man at makakapag decide ka na eh meron na agad akong makukuhang artista para sa iyo. Sakto at sikat ito silang tambalan ngayon" dagdag ni Governor
"Sino?" tanong ko
"Si Luis Gonzales at Gloria Romero"
--
A/N: balik nanaman natin si Luis hahahah rawr