Meeting my Jack Daniels

35 5 2
                                    

"Hayyy bwiset!" Pabalikwas akong bumangon ng kama. "Shet na pills yan mas malakas pa tama sa drugs hindi ako makatulog!" galit ngunit mahina kong saad sapagkat asa kabilang kama lang si Mama at tita na humihilik pa habang mahimbing na natutulog kaya lalo akong nairita. "Kung maka hilik kala mo mga lalake."

"Kung hindi lang talaga ako high risk magka Ovarian cancer hindi ko gugustuhing uminum nun! Kiber ko kung ireg ako!"

Ako nga pala si Maria Leonora Santiago Civil Status: Single Age: Secret Sex: once in a blue moon (echos!) syempre Female kita naman sa pangalan, babaing babae. Pure Pinay din at wala ni gapatak ng foreign blood ang na nanalaytay sa mga blood vessel ko. Sa aming kompanya rin ako employed. Bunso sa apat na magkakapatid at ako nalang ang single. No boyfriend and no prospect, kainis!

Tuluyan na akong bumangon sa kama at umalis sa kwarto para mag pahangin sa labas. Asa Boracay kami ngayon para i-celebrate ang aking birthday! Nag rent nalang ako ng isang malaking town hause dahil mas mapapamahal pako pag sa hotel kami tumuloy. Maliban kasi kay Mommy at aking mga sisterakas, sinama rin nila ang kaning mga asawa, idagdag pa ang isang extra baggage na si tita Dora, ang Dora Dora the explorer ng pinas.

Isang malamig na night ocean breeze ang sumalubong sa akin sa labas ng townhouse. Since hindi naman ako makatulog kahit 12am na (Oh sakto! Happy birthday to me!) at take note 8pm pa ko naka higa sa kama at nagpapa antok pero wala talaga, kaya heto magba bar hopping nalang ako kahit mag isa lang at wala talaga sa mood uminom.

Ilang metro lang naman ang layo ng mga bar sa aming townhouse pano unahan lang naman ito ng Henann Garden kaya hindi nakakatamad maglakad kahit hating gabi na, bukod kasi sa maraming nightwalkers na kagaya ko sobrang ganda at lively talaga ng paligid.

Isa-isa kong dinaanan ang mga bars malapit sa pangpang. May nadaanan akong onti lang ang mga tao, meron ding naman sobrang dami. Yung iba puro foreigners ang costumers at super iingay! Meron din naman na tahimik nga pero panget naman ang ambiance. Papasok na sana ako sa loob ng napili kong bar ng biglang may humarang sakin. Isang lasing na Negga na naka suot ng hawaiin shorts, yumuko pa talaga ito sakin kasi mala NBA ang tangkat nito at niyaya akong pumasok sa loob. Badtrip naman oh!

Tinaas ko lang ang aking kamay at kunwa'y ayaw kong pumasok, well ayoko na talagang pumasok lalo't andito itong si Michael Jordan!

Pumasok ako sa disco bar ng isa sa magagandang hotels malapit sa shore, marami ang tao pero moderate lang naman ang ingay. Feeling ko majority ng mga costumer dito ay magka kakilala, parang may company event pero open parin naman sa ibang costumer kaya dito ko nalang napiling ibuhus ang aking frustration. Umupo ako sa may bar counter para di awkward. Mag-isa lang kasi ako.

"Kuya isang summer rain nga." sabi ko sa bartender. Syempre hindi ko alam kung anung type ng inumin yung inorder ko, basta maganda yung name siguro naman maganda din yung lasa.

Habang hinihintay ko ang aking inumin di sadjang napatingin ako sa aking katabi. Isang lalaking solong iniinom ang isang bote ng Jack Daniels. Wow ah! wala naman siyang balak magpakalasing noh?

Dahil feeling ko wala naman siyang pakelam sa paligid niya ay kinilatis ko na ito. Inferness, ang gwapo ni Mr. Jack Daniels! Naka white polo at jeans lang ito pero mukhang mayaman! Teka nga, visible yung brandname ng Polo niya mabasa nga... aba Dolce&Gabbana ang tatak, mayaman nga!

"Here's your order maam."

Isang basong mukhang orange juice na may slices ng ibat ibang prutas ang nilapag sakin ni kuya bartender. "Thanks." sabi ko dito. Ok naman ang itsura, Ok naman ang amoy siguro naman ok din ang lasa... sabay ininum ko ng onti.

"Shet anung lasa toh? Ang pagka!" napakunot nuo nalang ako, gusto ko sanang mang hingi ng tubig para mawala ang ma paklang lasa sa dila ko kaya lang malayo si kuya Bartender.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Jack DanielsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon