HINDI PA RIN ako mapakali sa iansta ni Theo kagabi. I sighed when I received his message.
Messages
From: ❤️
Hey, baby. I'm really busy today, I'm so sorry about my late replies. Dinner later?Hindi na ako nagreply sa kaniya at mabilis na sumakay sa sasakyan. Nagpasundo na lamang ako sa driver kaya mapapaaga ako ng uwi ngayon.
Pagkauwi ko sa bahay ay nakita ko si mommy na busy sa pagkain ng strawberry cake. She saw me and gave me a small smile.
Ngumiti rin ako at lumapit sa kaniya. I kissed her cheeks and sat beside her. "Hey, Mommy. How was your day?" tanong ko sa kaniya. Hinaplos ko ang tiyan niya at ngumiti ng bahagya. "Kumusta ang kapatid ko?"
Tumawa ng mahina si mommy at sa ganitong pagkakataon ay nakikita ko ang pagkakahawig namin. I smiled because of that. She looked so beautiful. . . and I really look like her.
"Good. Yours?" tanong niya. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa tiyan niya. "Ayos lang ang kapatid mo, Alex. Excited na excited ka na ba?" tanong niya sa akin.
Tumango lang ako at kumain na rin ng cake na inabot niya. Bigla kong naalala si Theo kaya naman kinagat ko ang labi ko bago ko tinignan si Mommy.
"Mommy, may tatanungin ako tungkol kay daddy Theo," saad ko. Kinakabahan ako dahil pakiramdam ko ay may malisya na ang lahat ng ginagawa o sinasabi ko kapag si Theo na ang usapan.
Kailangan kong malaman ang isang parte sa buhay niya. Yes, I trusted him, but I wanted to know him better. To understand his actions, for me to be able to give him the love that he deserved.
"What about your daddy Theo?" tanong sa akin ni mommy. "Huwag mong pinasasakit ang ulo ng daddy Theo mo kako."
Tumawa ako dahil doon at umiling. "Hindi naman po, ah!" pagdedepensa ko. Umayos ako ng upo at tinignan si mommy sa kaniyang mga mata. "Bakit hindi na siya nag-asawa?" tanong ko.
Pakiramdam ko ay may sumipa sa dibdib ko dahil doon. Imagining him waiting another woman at the aisle made my heart jump in pain. I couldn't even imagine it without hurting myself.
Hindi ko rin alam kung anong mangyayari sa akin kung sakaling nag-asawa na nga siya noon.
Hindi ko ma-imagine ang sarili kong nagmamahal ng iba. Hindi na pumapasok sa isipan ko ang ibang lalaki. Siya lamang ang gusto at mahal ko. . . siya lang ang mamahalin ko.
I may be young, but I knew what my heart wanted—him. I may be young, but my love for him was strong enough for me to fight for it.
Sumubo si mommy ng cake at tsaka nag-isip. "Hmm. . . hindi ko rin alam. Kapag tinatanong namin siya, kung gusto na ba niyang mag-asawa at magka-anak din, sinasabi niyang masaya na siyang mayroon ka." Nakangiti na saad niya sa akin.
My heart skipped a beat because of that. My boyfriend was too sweet. I smiled lovingly and chuckled.
Hindi kalaunan ay naging seryoso ang mukha ni mommy na tila ba nag-iisip. "Pero. . . ang alam ko, may gustong-gusto siya noong highschool kami. Iyon ang sabi sa akin ng daddy mo. Hindi niya lang napakasalan dahil kasal at nay anak na."
I stopped eating because of that. Pakiramdam ko ay nawala ang saya sa sistema ko at umasim ang kinakain ko. Tila ba may bumabara sa lalamunan ko dahil sa sinabi mommy.
I just faked a nod and smiled weakly. "Kung hindi kinasal iyon, baka sila nagkatuluyan ni daddy Theo?" mahinang tanong ko. Narinig ko rin ang pagkabasag ng boses ko pero hindi ko na ininda iyon.
"Hindi ko alam, Alex. Hindi naman pala-kwento si Theo. Pero parang ganoon na nga. Baka hindi maka-move on," natatawang saad ni mommy sa akin pero hindi ako tumawa dahil doon. Mas lalo akong nasasaktan dahil doon.
BINABASA MO ANG
Lost Without You
RomansaAlessandra Xander Sebastian's heart has been beating for Theodore Caleb Zaguirre since she was a child. He was her savior, her light, and she spent her whole life with him by her side. Without him, life isn't complete. So she showed him love and did...