Nananawa na ako. Isipin mo kasi, what are the odds na makilala mo ang taong para sa 'yo? Maybe you'll answer something like, "basta makikita mo rin 'yan" o kaya naman "hintayin mo kasi darating 'yan ng hindi mo inaakala. Pero sa dami ata nang dinate ko, mas mauuna pa 'yon na umabot sa isang daan keysa sa possibility na mahanap ko ang para sa 'kin. It's not that they are lacking at lalong lalo naman na hindi AKO ang nagkulang, sadyang laging 'di lang compatible. Walang spark or anything.
Bumuntong hininga ako at humigop nalang ng mainit na kape. Stressed na stressed na nga ako sa buhay pag-ibig ko mukhang 'di pa ako sisiputin ngayon ng kikitain ko. Wala namang bago, it just another fail attempt to fin–
"Hi," kalabit nito sa 'kin. Pagkalingon ko'y bumungad ang isang matangkad na babae. 'Di ko mapigilang titigan siya agad—diretso sa mata. Agaw pansin kasi ang mahahabang pilik-mata niya, kumaway kaway pa nga ito sa kanyang bawat pagpikit.
She extended her hand to me, "I'm Elise."
Inabot ko ito at taas-kilay siyang tinanong, "Oh, are you..?"
"Ay, unfortunately, no." Bumitaw siya sa pagkakahawak at umupo sa tapat ng inuupuan ko.
"It's my brother you're meeting with, nag-park lang siya." Tumango na lang ako sa kanya, kahit hindi ako sigurado sa narinig ko. Tama ba ang pagkakaintindi ko... hindi siya ang dapat na kikitain ko?
Bakit?
"Are you uncomfortable?"
Muli–diresto sa mata.
"Ha?" Taka kong tanong.
"You asked me why."
"Ah," narinig niya pala ako.
"Medyo weird pero tolerable." nginitian ko siya pero napatitig lang siya sa 'kin. Tingin niya siguro ang kapal ng mukha ko para maging pranka. Pero sino bang hindi ma-wi-weird-an sa setup na 'to?
"You know what?"
Umiwas ako ng tingin at uminom muli ng kape, masyado kasi siyang titig na titig, 'di ko alam ang tumatakbo sa isip niya, sa lahat kasi ng nakilala ko siya yung tipo na unang kita mo pa lang, alam mo nang mahirap siyang basahin.
"I like you already." sabay tawa niya.
Biglang umakyat ang iniinom ko, naubo-ubo pa ako pero tawa lang siya ng tawa. I take it back, madali lang siyang basahin—sadista siya.
"Here," At siya? He looks...perfect. Dumiretso siya sa tabi ni Elise matapos niyang iabot sa 'kin ang kanyang panyo, nahihiyang ngumiti. Parang nabuhayan ako ulit dahil this time, mukhang matino ang inirekomenda ni Mir.
"Guess I'll go and buy a drink, yeah?" ani ni Elise sa katabi niya. Inikot ikot pa nito ang mga daliri't bago tumango sa kapatid. At talaga namang 'di paawat si Elise, nakuha pang kumindat bago tuluyang umalis para umorder.
Lumingon ako sa kanya na siyang sinuklian niya ng tingin na 'di nakakatunaw, 'di nakakakaba. Kung ikukumpara sa presensya ni Elise, kalmado lang ang lahat. Is this it?
"Hi.." panimula niya. "Pasensya ka na kay Elise, she can really be a handful."
"Normally bobolahin kita, pero mukhang ibubuking din ako ng kapatid mo mamaya pag-uwi niyo."
Tumawa siya, may dimples.
"Nga pala, I'm Kiko." inilahad niya ang kamay niya.
Inabot ko ito. "I'm Clara-"
"And I'm poor, sorry to interrupt your moment but I forgot to bring money with me." Balik ni Elise sa lamesa namin. Tinago ko ang ngiti ko, kasi naman, ang lakas ng dating biglang wala pa lang dalang pera. Mukhang 'di lang ata siya sadista, makakalimutin din.

BINABASA MO ANG
Baka Sakaling Siya
Lãng mạnKahit na sawang-sawa, sumubok pa rin si Clara na hanapin ang taong para sa kanya. Hiling niya? "Sana wala nang susunod." An entry for RomancePH's Remembering November Love.