"... 1997... closed.""Ano?! Totoo ba 'yan?" Rohanna's friend, Lynn, exclaimed.
Tumango ang namumulang si Rohanna, kagat-kagat ang pang-ilalim na labi. She couldn't form any word dahil okupado na masyado ang pag-iisip. Nasa kanyang mga kamay ang isang piraso ng papel na siyang tanging dahilan kung bakit tila wala siya sakanyang katinuan. Hindi na rin niya nagawang inumin ang inaalok na kape sakanya ni Lynn dahil sa labis na pagkakahisterikal.
"Patingin nga." Zasha, her other friend, snatched the paper off her hand. "Sino nagbigay?"
"Si Liu," She answered, pertaining to Chake's friend.
Sabay na napadungaw ang dalawa sa papel at sabay ring nalaglag ang mga panga. Totoo nga! Iyon nga ang nakatala sa papel! Hindi nila masisisi ang kaibigan sa naging reaksyon nito.
can we meet at 5:00 inside the horror house? may importante lang sana akong gustong sabihin sa'yo – C.
"Hep, hep, hep! Sigurado ka bang galing kay Chake 'yan?" Duda pa rin si Lynn.
"Oo naman! Kanyang sulat ito, oh!" Dipensa ni Rohanna.
"Oh, well, I don't doubt it. Kabisado na kaya halos ni Roh ang lahat kay Chake... including his hand writing." Si Zasha.
"Yeah, right." Lynn, later on, was convinced.
If there's only one thing na pinakasigurado si Rohanna sa buong buhay niya, iyon ay ang espesyal na nararamdaman nito para kay Chake. Papaano naman niya ito hindi magugustuhan kung halos nasa binata ang hinahanap niyang katangian sa isang lalaki? Good-looking, maginoo, sporty, at matalino. Katunayan ay hindi lang ito ang babaeng humahanga rito. Maraming-marami sila.
But unlike them, Rohanna's the only girl closest to Chake. They were friends until she felt something towards him. Kung normal lang kay Chake ang pag-patong nito ng ulo sa balikat sa dalaga, kay Rohanna ay hindi. His sweetness could kill her softly.
"Kinakabahan ako..." Mula sa pamumula ay bahagya na itong namutla.
"Bakit naman? Mag-uusap lang naman kayo. Just like the old times..."
"Iyon nga. Mag-uusap lang naman kami just like the usual, pero bakit kailangan mamaya pa? Bakit may papel pang dapat na i-abot? We don't talk like this before... kahit pa importanteng bagay pa iyan."
"So, umaasa ka na may ibig sabihin na ito?"
Hindi agad nakakibo si Rohanna. What if hindi pala tugma sa iniisip niya ang mangyayari? What if kabaligtaran?
"Hindi ko alam..."
Gustung-gusto niya si Chake for only God knows how much, ngunit kailanman hindi niya magawang umamin. Siguro ay natatakot siya na once she spoke her heart, magbago ang lahat. It took a while for her to compose herself sa tuwing lalapit ito sakanya, ngingiti, maaamoy ang pabango, hahawakan ang kamay, at yayakap tapos just because of her stupid confession, mawawala lang lahat? What if kamuhian na siya nito kalaunan? Hindi niya kaya.
"May ibig sabihin man o hindi, confess." Lynn said with her usual serious tone.
"Huh? H-Hindi ko kaya. Natatakot ako. I couldn't afford to lose our friendship."
"Friendship ba ka'mo? If he's a true friend of yours, kahit hindi niya masuklian ang nararamdaman mo, he won't let that thing lose as you do."
"P-Paano kung hindi iyon ang mangyari?" Guhit na sa boses ni Rohanna ang kaba.
"Then, he's a jerk... for putting glitch at your friendship and for ignoring your gorgeous heart..."
Rohanna couldn't hide her smile because of what Lynn said. It somehow lightened her feelings bagaman naroon pa rin ang doubt niya. Does she have enough strength para gawin ang sinabi ng kaibigan?