Chapter 25: Who Is Crazier?

77 12 0
                                    

Sumalampak ako sa mismong harap ng krus sa burol at pinagmasdan ang mga bundok sa aming harapan. Nagkakagulo pa rin sila, bukod sa amin ay may mga bikers na narito kaya nagkaroon ako ng litrato na kasama sila kanina.

"Malamig."

Napatingin ako kay Yandiel na nakasalampak sa aking tabi. "Akala ko ba, favorite mo yung bundok?"

Ngumuso lang siya at nagkibit-balikat na parang nahihiya at namumula pa ang pisngi. Para siyang ewan. "Hindi ko alam. Wala akong masabi," utas niya, natawa naman ako dahil nabighani na siya nang tuluyan sa mga bundok.

"Ganda pala ng bundok, ano? Nito ko lang rin na-appreciate noong sinabi mo."

"Bakit? Hindi ka ba nagagandahan?"

I shrugged. "Siguro dahil araw-araw ko siyang nakikita, nasa likod lang ng bahay namin at tanaw ko lang sa bintana ng kwarto ko. Parang normal lang, ganun," sabi ko. "Ang galing pala ni God, ano? Wala sino man ang kaya gumawa ng ganyan, tanging Siya lang."

Tumingin ako pabalik kay Yandiel nang lingunin niya ako. Ganoon pa rin ang mga mata niya, neutral, namumula ang sulok at parang pagod. Those eyes, they look tantalizing.

Binalik niya ang tingin sa mga bundok. "Mmm. Ang galing Niya nga. Magbi-bless ako sa Kanya next time."

I laughed because of his silly joke. "Kapag namatay ka na, makikita mo na Siya," sabi ko. "Mark your calendar, you were saved this January 25. You fully accepted Jesus Christ in your life and that's what saved you. Kahit nangungupit ka noon, kahit mamamatay tao ka noon."

"Pero hindi ibig sabihin na save ka na, magpapatuloy ka sa pagiging mamamatay tao, ah?" biro ko, natawa siya nang mahina. "Kung tayo kasi magliligtas sa sarili natin, kahit gaano ka pa kabait, hindi 'yon sapat. That is why Jesus Christ died on the cross because none of us are qualified. Hindi ikaw, hindi ako, hindi natin kayang iligtas ang ating sarili."

Nanatili kaming tahimik nang ilang segundo, nakatingala lang ako sa langit habang siya at tulala pa rin sa bundok. Oo nga, 'no? We should humble ourselves and accept that none of us could save ourselves in the lake of fire. Only Jesus, only Him.

"All of these clouds and mountains, they should bow to the One who made them," Yandiel whispered.

I stopped for a second because of the feeling of heat inside my chest. I felt the warmth burning inside me. As I heard those words, I knew that it was the Holy Spirit speaking to me.

He hasn't read the Word yet God made this man realize how great He is. Parang pinipiga ang puso ko sa pahayag niya. Yes, creations should bow to the only living God who created them. Kung sino pa ang akala ko na hindi nakakakilala, siya pa ang magpapakilala sa akin.

It was this simple day, with gloomy yet lively weather. With the two of us gazing at the green mountains filled with clouds. My heart was filled with His greatness and I'm more than grateful.

.

.

Nanatili ang aking blankong emosyon kahit masama na ang tingin ni Ryker sa akin. Siguro ay dahil nagpunta ako rito sa kalagitnaan ng gabi, hindi ko alam kung narinig niya ba yung nangyari noong nakaraang linggo.

"Akala ko ba, ayaw mo na?"

Sinimangutan ko si Ryker. "Joke lang... po."

Napahilamos siya sa mukha at napatulala pa sa mga papel na nasa kanyang harapan. Those were his school papers. I don't know. "Tumakbo ka pa raw sa gitna ng daan. Kapag naaksidente ka, kargo ka pa namin. Lahat ng nakikihamon, kami ang titirahin at si Yandiel 'yang kasama mo," pagalit na sabi niya.

Covenant in the WildernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon