CHAPTER 6

1.1K 44 0
                                    

Chapter 6: Teases and Gossips



THE next morning that I've woke up, mugto ang mga mata ko at walang maayos na tulog dahil sa kaiiyak sa away namin ni Shydeen.

Paglabas na paglabas ko sa k'warto para sana magluto ay bunungad sa akin ang amoy ng pagkaing nakahain sa mesa. Hinanap ko si Shydeen but she have no where to be found on our house.

Tiningnan ko rin ang kuwarto nito at napansing wala na ang bag saka school uniform niya.

Bumalik ako sa kitchen at napabaling sa orasan. It was 6:23 in the morning tapos wala na siya rito sa bahay.

I stared on the scrambled egg and hotdog na nakasalansan sa plato. May sunog ng kaunti ang itlog pero makakain naman iyon. Okay lang din ang pagkakaluto ng hotdog. May fried rice ring nakahanda pero hindi ganoong ka maayos ang pagkakaluto pero okay na iyon.

Shydeen was never a fan of cooking but I appreciate what she did. Kinuha ko ang pinggang nakahanda sa mesa at sinumulang kainin ang friend rice na gawa ni Shydeen.

Nangiligid ang luha ko dahil ito yata ang unang pagkakataong nagluto siya para sa akin. Medyo maalat ng kaunti iyong friend rice pero okay na iyon at puwede pang makain.

Naubos ko lahat ng niluto niya at hinugasan ang pinagkainan. Naggayak na ako para pumuntang eskwelahan at naging mabilis lang ang biyahe.

Bandang alas-siyete ng umaga ay narating ko ang Leehinton. Hindi muna ako dumiretso sa classroom at nanatili sa mini forest ng Leehinton.

May mga makukulay na upuan ang nakapalibot sa bawat puno at buhay na buhay ang paligid sa mga estudyanteng nakatambay rito tuwing umaga o kapag walang mga klase.

Maaliwalas ang paligid at nakare-relax kapag sobrang stressed na sa pag-aaral. This place was perfect for every student of Leehinton.

Tinigil ko na ang pagtingin sa paligid at nang makahanap na ako ng mauupuan ay agad akong pumunta roon.

Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang ay ramdam ko na ang pagtitig ng mga estudyante sa akin. Kanina pa iyan. Parang may laman ang bawat titig nila sa akin. Hindi ko rinig ang mga pinagsasabi nila kaya pinasak ko na lang ang earpods sa tainga.

Because of the music, I created my own little world here. Parang nawala lahat ng tao sa paligid. I mind my own business at hindi na pinansin ang mga taong nang-uusig.

I opened my facebook account at hindi ko mapigilang magtipa ng pangalan ni Liam sa search bar nito. Ito talaga ang sadya kong pag-open ngayon ng socmed.

When I'm done typing his name, muntik na akong mapamura sa nakita. Halos malula ako sa dami ng mga dummy account niya. Ilang ulit akong nang-stalk para mahanap lang ang official account nito.

After a series of attempts on searching him, bigla kong naalala na nagcha-chat pala ito sa akin. Ang bobo ko sa part na iyon, ha? Kanina pa ako nahihirapan sa pag-si-search. Kung nagsasalita lang siguro itong facebook ay ilang ulit niya na akong sinabihang bobo.

I opened our conversation at sunod-sunod na sorry ang nakita ko. I ignored it at pinindot ang picture nito.

Doon bumungad ang profile niyang nakaupo sa soccer field wearing the Leehinton's uniform. He was smiling from ear to ear on the picture at may hawak na bola.

He was quite handsome. I can't deny that fact. He have this look na kapag nagkasalubong kayo sa daan ay mapapatigil ka talaga at mapapalingon sa kaniya.

Bukod kasi sa kaputian nito, ay mapapansin mo agad ang kabanyagaang taglay ng kaniyang mukha. Hindi naman kasi mapagkakailang Scott ang surname nito, kaya walang dudang may halong ibang rasa si Liam.

Falling to the Campus Playboy (Leehinton Boys #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon