Chapter 11

37 3 0
                                    

Chapter 11


Cortes



"Miss, 'wag ka munang sumakay. Hintayin mo ako."


But I am Calla Calista Villanueva, a stubborn girl in Caledonia. Sa halip na hintayin siya at sundin ay mas pinalakas ko pa ang pagpapatakbo ng kabayo. Ngumingiti ako habang lumulundag sa matulin na takbo ni Amora. I touched her nose, saying that she was doing good. Lumingon pa ako sa likod na mukhang hinahabol na rin ang lakas ng kabayo ko. Niliko ko ito hanggang sa nakikita ko ang exit.


I smiled more when I heard the birds chirping. Mga ibon na lumilipad na iilan patungo sa himpapawid. A strong wind blew my wet hair away while I was wearing a white maxi dress and black flat ankle boots. Sa mainit na sikat na araw na tumama sa akin, pumikit ako dahil sa pag ihip na naman ng hangin galing sa kaliwa ko. I put my reins in the proper place. I relaxed and shifted my gaze towards my back. One move and one warm hand touched my waist. Napaawang naman ang aking bibig doon.


Kunot-noo ko siyang tiningnan nang tinawanan ako. Tiningnan ko ang paraan ng pagkahawak niya sa akin. Magkatabi na ang mga kabayo namin habang tinitingnan niya ang hawak niya, mabilis siyang lumayo at nilagay ang tingin sa lubid na hawak ko.


"Miss, sabi ko ay hintayin mo ako. Baka mapagalitan ako ni Madam G," aniya.


Tinaasan ko siya ng kilay sa pabirong paraan.


Yumuko ako at hinigpitan ang kapit sa renda. The wind is always passing us. Tumingala ako sa langit na dumadaan ang mga ulap sa kanya. Hinawi ko ang kamay niya at alegrong lumisan sa kanyang pwesto. Ilang tawag ang narinig ko. Pagkakabig ko ay naririnig ko ang sapatos ng kabayo na tumatapak sa lupa. Ang mga hardinero na tinitingnan lang ako habang may ngiti sa labi. Pinalakad ko na lang ang aking kabayo.


"Good girl," bulong ko sa kanya. Pinikit ko ang aking mga mata pagkatapos ay hinawakan ang kanyang ulo.


"Miss, saan ka po pupunta? Baka hindi na naman mapakali si Madam G n'yan," natatawang sabi ng hardinero.


Nagmulat ako ng mga mata. Ngumiti ako bilang tugon sa kanya.


"'Di naman, kuya. Besides, she knows I'm just here in the Hacienda Villanueva," maligaya kong sabi.


Umiling lang siya.


"Hay nako, Miss. Paul, magtrabaho ka nga," utos niya rito.


Nanlaki ang mga mata ko. Tumingin ako sa likod ko, hawak na ni Paul ang tali ng kanyang kabayo at dahan-dahang lumakad palapit sa akin habang nakasuot ng puting t-shirt at pantalon.


"Opo, kuya. Mamaya na po pagtapos na sila sa pag-ani roon," sabay turo niya sa mga gulayan.


Agaran kong tiningnan ito at nakita ko ang mga taong naghahakutan ng basket sa dulo. Hula ko ay mga ampalaya 'yon.


Home of Hopes (Caledonia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon