Dalawang buwan na ang lumipas simula nung umalis si Tita Lira ang daming nagbago sa bahay hindi na ito yung dating maingay,Sa tuwing sasapit ang kainan dahil dito kami nakakapag sama-sama.At nakakapag kwentuhan.Si Chester ayun ganun parin ang lagi nyang ginagawa,Mukang tinupad naman ni Astrid ang pangako nya dahil lagi na syang umuuwi ng maaga kaya masaya ako para sakanya dahil malaki na talaga ang bunso namin.
Today is March 1,Astrid 16th Birthday.Hindi muna ako pumasok sa trabaho ko dahil mag bo-bonding muna kami ni Astrid at pumayag naman si Tita Bea.
Kaso nag bida-bida na naman si Chester na sya na daw ang mag mamaneho para samin ni Astrid,Hindi naman sya pinayagan ni Tita Bea dahil bonding naming magkapatid eto.Niloko pa nga sya ni Tita Bea ng gusto lang ako makasama kahit araw-araw namang nasa shop.
Sa bawat sahod na natatangap ko kay Tita Bea ay agad ko itong itinatabi para sa amin ni Astrid,Nakabuo nadin ako ng 30k para sa pang bayad namin sa kapit bahay namin.Buti nalang at malaki ang sweldo na ibinibigay ni Tita Bea.
"Ate nung pumunta kaming park parang nakita kitang kasama si Kuya Chester dun.." Bigla naman akong natigilan sa sinabi ni Astrid,Andito kami ngayon sa lamesa upang kumain muna bago kami umalis.Hindi ko naman inaasahan na mag tatanong pala sya ng ganun.
"P-pano naman ako mapupunta dun?e nakina Jasmine ako." I lied again.
"Aahh..Pero Ate pansin ko lang diba hapon ang uwi ng mga student sa University?Bakit laging gabi kana umuuwi?" Tanong ulit ng kapatid ko.
"Umm..Dumadaan din kase ako kina Jasmine,Para dun nalang namin tapusin ang mga project at Assignment namin." Pagsisinungaling ko ulit,Tumango-tango naman sya mukang nag iisip ulit sya ng kung anong itatanong sakin.
"Kumain nalang tayo Astrid." Ngumiti muna sya sakin bago kami nag patuloy sa pagkain.
Matapos namin kumain ay liligpitin na sana ni Astrid ang pinagkainan namin pero pinigilan ko sya.
"Mag bihis kana lang Astrid ako na ang bahala dito." I smiled to her.
"Sigee Ate!" Masiglang saad nya,Hinalikan muna nya ako sa pisngi bago umakyat sa kwarto nya.
Matapos kong mag hugas ng pinggan,at mag punas ng lamesa ay lumabas muna ako para pumunta sa kapit bahay kung saan nangutang si Mama ng 30k.
"Tao po!" Sigaw ko,Agad naman lumabas yung pumunta samin noon na nakataas ang kilay.
"Oh siguro naman mag babayad na kayo?" Mataray nyang saad,Hindi ko nalang pinansin iyon at iniabot sakanya ang pera ng buo.
"Thank you po." Sambit ko bago umalis.
Pag uwi ko ay agad na akong pumasok sa banyo para maligo na at magbihis,Hindi ko alam kung ano ang susuotin ko dahil mga pang sexy na ang nakalagay dito sa kabinet ko. Si Tita Lira ang pumili ng mga yan,Para naman daw mag muka akong babae kahit babae naman ako.
Pinili kona lang ang pulang off shoulder,at pantalon,Pagkatapos ko itong suotin ay naiilang ako dahil kita ang balikat ko dahil sa inis ko ay tinaas kona lang ito kahit na lalag-lag.
Pagbaba ko ay nakita kong nag susuot na ng sandals si Astrid,Dalagang dalaga na si Astrid sa suot nyang pulang dress na binili rin ni Tita Lira para saamin,Nang mag angat sya tingin sakin ay bigla syang tumawa ng malakas na ikinapagtaka ko.
"Why?" Naguguluhan kong tanong.
"Yung...yung off shoulder mo Ate hahahahaha!"Takang tumingin ako sa kapatid ko dahil wala namang mali sa suot ko.
"Ano naman?Off shoulder parin naman sya ah..?" Tinapos muna nya ang pag tawa nya bago sya lumapit sakin.
Agad nyang ibinaba ang off shoulder ko na ikinainis ko ng konti.
"Ayaw kong ibaba di ako komportable Astrid." Singhal ko sakanya.Hindi nya ako pinakinggan kaya hinayaan kona lang.
"Done!" Sagot nya,Bigla naman naging komportable ako sa suot ko.
"Anong ginawa mo?"
"Inayos ko lang..." Nakangiting sambit nya,Inakbayan ko nalang si Astrid at sabay kaming lumabas.Ready na papuntang sky ranch sa tagaytay at hindi alam ni Astrid iyon.
"Ate malayo paba?" Tanong sakin ni Astrid,Nakayakap na sya sakin ngayon habang bumabyahe kami.
"Malapit na." Sagot ko at hinalikan ang noo nya.
Gagawin kong memorable ang Birthday ni Astrid,Kahit dalawa lang kami.Gusto kong iparamdam sakanya na kahit kaming dalawa lang ngayon ay parang kompleto parin kami sa puso nya.
Matapos ng ilang oras na byahe namin ay dumating nadin kami sa wakas,Mahimbing pa ang tulog sakin ni Astrid kaya dahan-dahan kong tinapik ang pisngi nya.
"Love...Andito na tayoo.." Bulong ko,Agad naman syang tumingin sa labas na papikit pikit parin ang mata.Bigla namang nag form ng "o" ang bibig nya ng makitang naglalakihang rides."Ate tell me hindi toh panaginip!" Hindi makapaniwalang saad nya,Natawa naman ako sa reaksyon ng kapatid ko.
"That's not a dream Astrid.."
"Kyahhhh!!!" Napatili naman si Astrid sa sobrang saya,Agad kaming bumaba para tingnan at pag masdan ang kabuoan ng Sky Ranch.
"Ate!Thank you!Ang saya ko sobra!Hindi ko alam pero sobrang saya ko at swerte ko sayo Ate..Sorry kung pasaway ako but i promise magiging mabait na ako." Niyakap ako ni Astrid ng mahigpit at ganun din ang ginawa ko.
"Basta para sayo..gagawin ko ang lahat kahit buhay kopa ang kapalit."
Isa-isa naming sinubukan ni Astrid ang rides bawat ngiti at tawa na nakikita ko kay Astrid parang gusto ko nang lagi syang ganun dahil nakakagaan ng loob na masaya ang kapatid ko,Kahit alam nyang kulang kami masaya parin sya.
"Kain muna tayo Ate.." Sabay himas ng tyan nya.Buti naman at nakaramdam na ng gutom si Astrid dahil kanina pa akong gutom,Inabot na kami ng gabi dito mukang hindi parin pagod si Astrid buti nalang at nag yaya syang ngayon kumain.
Humanap kami ng magandang pwesto kung saan makikita mo ang mga naglalakihang rides,Habang kumakain kami ay kita mo parin ang saya sa mga mata ni Astrid.
"Masaya kaba?" Kahit alam kona ang sagot tinanong kopa rin sya.
"Opo,Sobra." Sagot nya.
"Dyan ka muna ha?" Tumango naman sya at dali-dali akong tumayo para maghanap kung saan pwedeng bumili nang slice ng cake.
Nang makakita ako ay napangiti ako dahil ang cute ng iba,pinili ko ang chocolate slice cake dahil alam kong paborito ito ni Astrid.
"Magkano po ito?" Tanong ko kay Kuya.
"100 po." Sagot ni Kuya.
"Isa nga po.." Matapos kong magbayad ay ngumiti muna ako sakanila bago umalis,Nang makalapit na ako kay Astrid ay sinindihan kona ang kandila.
"Happy Birthday to you..Happy Birthday to you..Happy Birthday..Happy Birthday...Happy Birthday Astrid..." Agad namang napaluha si Astrid sa nakita nya at agad akong niyakap.
"Babawi ako Ate..Thank you kase pinasaya moko ng sobra..Ang saya ng araw na toh hinding-hindi ko ito malilimutan pangako yan." Umiiyak nyang sambit kaya pati ako kay napaluha na din.
"Hipan muna ang kandila mo.." Bumitaw naman sya sa pagkakayakap sakin at pumikit para humiling.
"Sana sa susunod kong Birthday ay maging kompleto kami.."
Nadurog naman ang puso ko sa hiling ni Astrid,Sana nga Astrid...
Agad nyang hinipan ang kandila at tumingin sakin na maiiyak na naman.
"Ate wag kang mapagod alagaan ako okay?Mahal na mahal kita Ate Vien ikaw na ang naging Mama at Papa ko.." Sunod-sunod namang tumulo ang luha ko sa sinabi ni Astrid,Agad nya itong pinunasan gamit ang mga daliri nya.
"I love you too Astrid..My one and only Astrid."
BINABASA MO ANG
That Night(That Series #1)
RomanceThat Series #1 COMPLETED Vien,Isang matapang,mabait,masipag at mapagmahal na kapatid ngunit kailangan nyang gampanan ang mga pagsubok sa buhay.Sa dami ng iniisip nya ay nagawa parin nyang mag mahal..Pero pa'no kung hindi lang pala sya ang nag mamaha...