CHAPTER 7

1.1K 42 0
                                    

Chapter 7: Rooftop



PUMUNTA muna akong library para tumambay roon dahil wala pa namang klase. Alas-dose pa lang at kalimitan ay nagla-luch pa ang mga teachers. Maaga kasing na-dismiss ang panghuling klase namin sa umaga kaya matagal-tagal ang free time namin ngayon.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay binati agad ako ng librarian. Mukhang namumukhaan niya na akong palagi narito.

Naghanap ako ng mababasa at naupo sa pinakadulong mesa. Time past by at nabagot ako sa kaharap na libro. Pinagpasyahan ko na lang na ibalik iyon at pumuntang rooftop.

Nang makalabas ay mga tingin ng mga kababaihan ang sumalubong sa akin. Naghanap na lang ako ng daang walang masyadong tao para iwas sa mga tinging nanghuhusga.

Sawa na ako riyan pero minsan kasi nakakasakit ng damdamin ang mga ganoong tao. There are times that I don't care for what they are saying, may mga pagkakataon namang nasasaktan ako sa mga masasakit nilang salita kahit na hindi naman masaydong marahas.

Minsan, mahirap din kasing balewalain ang mga hindi kagandahang komento sa paligid. Kahit na gaano ko pa sanayin ang sarili, maaapektuhan at maaapektuhan pa rin ako. Tao lang naman kasi ako, nakakaintindi, nasasaktan.

Hindi naman kasi gawa sa bato ang puso't isipan ko. I am just an ordinary person like those normal teenage girl. Like them, nabubuhay ako sa mundong ito, may isip, gumagalaw. Ang kaibahan nga lang ay nararamdaman kong hindi ako malaya—hindi malaya sa mata ng tao.

Malapit na ako sa rooftop at biglang mag-flash sa utak ko si Liam, ang itsura nito kanina ng tinaboy ko ito.

Nakonsenya ako sa ginawa kong iyon. He was hurt by my words. Do I need to say sorry to him?

Napailing ako. No, kasalanan niya iyon, e. He pushed my patience on the edge kaya ko nagawa iyon. Hindi ko iyon kasalanan.

Hanggang sa marating ang rooftop ay si Liam ang laman ng isip ko. Muntikan pa akong matapilok sa hagdan dahil kaiisip sa lalaking iyon.

Pinihit ko ang door knob ng rooftop at tuluyan nang mabuksan iyon. Makulimlim ngayon kaya okay lang tumambay rito sa rooftop. Sumalubong sa akin ang sariwang hangin kaya napapikit ako.

Nature never failed to relax my system. Kahit sa simpleng ihip lang nito ay nawawala ang mga isipin ko. I smiled with the thought at unti-unting napamulat ulit ng mata.

Ngunit ng maimulat ko ang mga mata ko ay ganoong naman ang panlalaki no'n sa nakita.

There's someone standing on the edge of this rooftop. Pinanliit ko ang mata dahil medyo blurry iyon. Shit! Bakit ko ba nakalimutan ang pagsuot ng contacts ngayon? How inconvenient!

Kinilala ko ang taong iyon. I know that back! Hindi ako nagkakamaling siya iyon.

Nilukob ng kaba ang sistema ko sa naiisip niyang gawin. Bakit niya ginagawa ito? Ganoon ba siya nasaktan sa sinabi ko?

Dang it!  Bakit ganiyan ang gagawin niya? P'wede naman siyang umiyak o hindi kaya magpakalasing. Bakit niya naisipan ang bagay na iyan?

Takip ang bibig akong naglakad papalapit sa kaniya. Hindi ako gumawa ng ingay dahil baka kapag nakita niya ako ay basta na lang siyang tumalon diyan sa puwesto niya.

Nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga pagtataboy at pinagsasabi ko sa kaniya. Mas lalo akong kinain ng konsensya. I was so rude to Liam! This was all my fault!

Nagtagumpay akong makalapit sa kaniya ng hindi niya alam. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at hinila siya sa kamay para makababa roon.

Because of what I did, nakita ko pang nagulat siya sa ginawa ko nang makita ko ang mukha nito. I can see confusion on his face as well as admiration.

Falling to the Campus Playboy (Leehinton Boys #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon