my side of the story

14 0 0
                                    

letter to someone:

hi poh.. i don't really know how to say this.. i'm not totally writing just because i want an advise, well partly true.. pero may mas malalim poh akong dahilan.. anyway i'm net from bicol.. kung tutuusin ordinaryong tao lang ako.. gusto ko lang ishare yung mga naranasan ko this past few months kasi wala talaga akong mapagsabihan.. sabi kasi nila kung hindi mo kayang ilabas yung nararamdaman mo isulat mo na lang, kaso puno na yung notebook ko sa dami ng mga naisulat ko.. then naisip kong magsulat sayo.. i'm your fan.. isa lang ako sa mga taong humahanga sa mga gawa mo.. maaari ko rin sigurong isulat dito yung "kwento ko" kahit hindi happy ending.. 

last october, yun yung pinakamasayang buwan sakin ngayong taon.. ang dami kong naexperience mostly "first time" kasi yun yung unang beses na nainlove ako sa guy.. yung todo-todo.. sa simula laro-laro lang yun kasi sa txt lang naman kami nagkakilala.. sa clan kumbaga.. atsaka malayo siya, nasa manila siya nag-aaral naandito naman ako sa bicol.. October 17, semestral break.. hindi ko alam na tototohanin niya yung pag-uwi.. kasi kung dito lang talaga siya sa bicol nakatira.. magkatabi lang yung town namin.. unang araw niya pa lang dito sa bicol nagkita na kami.. hindi ako maganda alam ko yun.. kaya nga naka'set na yung utak ko na kung sakaling magbago siya ng trato sakin puputulin ko na agad yung commitment na meron kami tutal laro lang namn yun eh.. pero hindi nangyari yung inaasahan ko.. pagnag-uusap kami.. parang kami lang yung tao sa mundo.. kahit unang beses pa lang kaming nagkita parang ang tagal-tagal ko na siyang kakilala.. ang alam ko uuwi rin lang siya nang november kaya kung kinakaya namin parati kaming nagkikita kasi sinusulit namin yung araw na nandito siya sa bicol.. 

alam ko nun mahal ko na talaga siya.. kahit gusto kong itanggi hindi ko kaya kasi yun talaga yung nararamdaman ko.. tapos dumating yun birthday ko October 27, frustrated ako mastado kasi dito sa bahay parang wala lang.. parang hindi ko birthday.. nagkulong ako maghapon nun sa kwarto hoping na matatapos na yung araw na yun.. hindi ko inexpect na worst pa pala yung mangyayari kinabukasan.. humingi siya ng "space" bakit?? kasi inamin niya sakin na mahal niya pa raw yung ex niya.. alam kong naging honest lang siya sakin.. ang sabi ko putulin muna namin yung communication namin.. hindi ko maintindihan kung sign ba yung horoscope ko nang araw na yun o nagkataon lang.. ang sabi sa horoscope ko "something unexpected will come, may hihilingin sayo ang partner mo na maaaring mahirap mong maibigay" pero binigay ko yung gusto niya.. yun yung unang beses na iniyakan ko ang isang guy.. akala ko nun sobrang kaya kong ihandle ang sitwasyong ganito..ang sakit-sakit pa kasi kakatapos lang ng birthday ko.. iniyakan ko siya, kasi kapag naaalala ko yung mga araw na magkasama kami.. bigla na lang tumutulo yung luha ko. ayokong panghawakan yung pangako niya, ang sabi niya sakin babalik siya tatanggalin niya lang sa sistema niya yung ex niya.. ayoko kasing umasa.. alam ko sa sarili ko na kapag bumalik siya buong-buo ko pa rin siyang tatanggapin.. :( 

October 30, nagkita kami.. hindi ko alam kung pano magrereact, ngayon lang ako nakipag-cool off sa isang guy, dati break-up na agad wala nang cool off.. ayoko kasi nun pero sa kanya nagawa ko. nang araw na yun bumalik siya sakin.. sa totoo lang natatakot na ko kasi baka maulit, at kapag nangyari baka hindi ko na kayanin.. pero tinanggap ko pa rin siya.. mahal ko kasi talaga,.. malapit na mag'november 7 aalis na siya..october 6, nalaman ko na lang ni hindi na raw siya aalis,hindi na raw siya aalis kasi gusto niyang dito na magpatuloy sa pag-aaral, nanghihinyang nga ako sa first sem. na ginugol niya sa college sa manila.. kung tutuusin dapat pa nga akong maging masaya kasi ibigsabihin nun mas marami pa kaming oras na magkakasama..pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.. october 7, one week before our first monthsary.. :( it was the worst day ever.. nagbreak kami.. inamin niya sakin na hindi lang ako ang gf niya.. na marami kami.. feeling ko ako na ang pinakatangang babae sa mundo!! iniisip ko kung bakit niya ginawa sakin yun pero hindi ko talaga makuha'kuha yung sagot.. siguro kung naging tanga man ako ako rin naman yung may kasalanan hinayaan ko kasing mangyari yun, mas pinakinggan ko kasi yung puso ko kesa sa idinidikta ng isip ko.. sana hindi ko na lang siya nakilala.. sana una pa lang napigilan ko na yung puso ko na mahalin siya.. sana yung laro na sinimulan ko, hindi ko na sineryoso.. baka sakaling hindi ako natalo.

ngayon december na.. pinipilit ko pa rin siyang kalimutan.. araw-araw kong sinusubukan, pero ang hirap-hirap.. kahit hindi ko nasiya nakikita parati ko pa rin siyang naaalala.. ang hirap kasi hindi kami nagkaron ng closure.. hindi ko pa rin maisara yung pahinang yun sa buhay ko..

salamat.. maraming salamat sa page mu.. hihingi ako nang advice, may isang tao na gusto akong tulungan na kalimutan siya, pero hindi ko alam kung tama bang tanggapin ko siya.. kasi sa ngayon hindi ko alam kung kaya ko pa ulit ibigay ng buo yung sarili ko..

sumulat ako sayo hindi lang dahil gusto ko ng advice.. i'm really hoping that through this letter mababawasan yung dinadamdam ko, na matutulungan ako nitong magsimula ulit sa simula, na hindi ko na mamasamain na nagmahal ako.. 

kung sino man makakabasa nito.. i'm letting my heart go free :) thank you

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

my side of the storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon