Para sa mga single (NBSB/NGSB) (at para na rin sa double)

239 3 0
                                    

Minsan ko nang narinig ang nakakainsultong salita nang mga taken na wagas daw magbigay nang payo ang mga single eh wala namang love life. Walang experience. Kaya minsan hindi pinaniniwalaan ang mga payo. Dedma kumbaga.

Madalas kung sino pa yung nagdededma nang payo ng nga single, sila pa yung taken na hindi nagtatagal ang relasyon. Gusto kasi nila nang madalian. Nandiyan kasi ang taong magte-text sa kanila na sabay na silang kakain. Sabay silang mamasyal. May maghahatid sa kanya. May magsusundo. May mag-aalaga sa kanya kung magkakasakit siya. Nandiyan palagi. Nandiyan ang kilig. Ito ang masarap sa relationship. Pero kapag dumating ang puntong wala nang kasabay kumain. Wala nang sasabay mamasyal. Wala nang maghahatid. Wala nang magsusundo. Wala nang mag-aalaga. Ang nakakatakot kapag dumating ang puntong wala nang kilig. Sabog ang relasyon. Wasak ang puso. Tapos iiyak. Maghihinayang. Tapos dito na tatagos ang payo.

Ito naman kasi ang karaniwang experience nang mga taong brokenhearted. Kung kelan sira na ang relationship doon pa siya pupukawin nang kanyang konsensya. Na sana sinunod na lang niya ang payo. Minsan pa, ipagyayabang niya na single siya ulit. Tapos doon niya ma-realize kung gaano kaimportante ang payong binibigay nang mga single.

Kaya nga hanga ako sa ma single eh. Hanga ako sa malawak na pag-unawa nila sa totoong pag-ibig. Hanga ako sa level ng kanilang paghihintay sa taong 'meant to be' nila.

Ito rin naman kasi ang rason kung bakit kakaiba sila magpayo eh. Wala nga silang experience sa pagkakaroon nang boyfriend/girlfriend pero yung experience na hintayin yung taong para talaga sa kanila ay hindi biro. Kasi kung gaano katagal dumating si Mr/Ms. Right, yun din katagal nilang inunawa ang pag-ibig. Naniniwala kasi ang mga single na kung gaano katagal dumating yung taong para sa kanila, ganun din kasarap ang magiging love story nila. Hindi biro ang maghintay pero kapag dumating na yung hinihintay nila, ipagpasalamat nilang naghintay sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para sa mga single (NBSB/NGSB) (at para na rin sa double)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon