SIGAW NG ISANG SIRENA

160 3 0
                                    

WANG WANG WANG WANG!!!!!!!!!!!

Ayan na ang mga SIRENA!!!!! tunog palang kabog ng lahat!!!!!!!oh diba san ka pa?? halika na!!

Ako nga pala si KLEIN pero pde niyo kong tawaging princess Dorothy hehehe 19 years old from sapang bato di matagpuan liko liko street baliwag city. Aminado ako na isa ako sa mga babaeng nakulong ang pagkatao sa katawan ng isang boylet,, in short isa akong SIRENA, at dahil sa pagiging third sex ko dito sa lipunan,ay hindi ako natanggap ng aking ama.Dito ko maisisiwalat ang boses ng isang sirenang nagmamakaawa at nanglilimos ng mahal sa sarili niyang ama!!!!!!!

Bata pa ako, aya alam ko na sa sarili kong BEKI / BAKLA / SIRENA ang pagkatao ko. Mahilig sa manika, chinesse garter, piko, luksong tinik at iba pang laro ng mga kaibigan kong mga babae. Noong akoy tumungtong ng 6 na taong gulang ay napansin na ng aking ina ang aking kasarian at dito narin magsisimula ang lungkot at paghihirap ng isang SIRENA sa kamay ng taong kanyang pinagmulan. Lumipas ang ilang taon hanggang sa naging dalaga na ako ay hindi parin batid ng aking ama ang tunay kong pagkatao at akala niya ay binata na ako, hanggang sa dumating ang isang araw na aking kinatatakutan..

Habang nag me make-up ako sa aking silid ay nakarinig ako ng yabag papasok sa aming bahay, sa aking pag aakala (haist marami talaga ang namamatay sa maling akala) ay si ina lamang iyon na galing lamang sa pamamalengke niya, ngunit laking gulat ko na lamang nang biglang pumasok ito sa kwarto at narinig ang malaking boses ni itay!!!!NAKU lagot!!! pano ko maitatago ang itsura kong puro make up.. THIS IS IT!!!!

pagbukas ni itay ng pinto ay sumambulat sa kanya ang aking fesung na puno ng make up....grabe ang mata niya<< nanlilisik na parang isang bampira,, Sinigawan ako ni itay  at hinila palabas ng bahay hanggang sa inilublub niya ako sa drum na punong puno ng tubig.. Habang tinatanong ako ni itay kung ako ba ay isang lalaki ay sinasagot ko namang babae po ako kaya patuloy ang paglublub niya sa akin sa drum at buti nlang ay dumating si inay at napigilan niya si itay.

Ilang araw ang lumipas ay matindi ang galit sakin ng aking itay hanggang dumating sa puntong nasasaktan niya na ako, hampas dito, paloa doon, sinturon sa inyo, tadyak hanggang Quiapo. Tiniis ko ang lahat  dahil mahal ko ang aking itay at sa pag aakalang matatanggap niya rin ako balang araw. Sa pagtira ko sa aming bahay ng ilang taon ay puro bugbog ang inaabot ko sa aking itay pag-uwi nito galing trabaho tuwing Sabado at sambit niya na pag hindi ako naging lalaki ay mapapatay niya ako!!! Dito ako naalarma, ayoko pang mamatay no hindi pa nga ako nakakatikim ng ano!! hahaha oh ano akala niyo!! nakakatikim ng pagmamahal ng isang ama!!! Dahil sa ginagawa ng aking itay ay alam kong kayang kaya niya akong patayin kaya pilit kong binabago ang aking sarili ngunit hindi ko talaga kaya...

Hanggang dumating ang isang araw na pinalayas niya ako dahil nalaman niyang sumali ako sa isang gay contest( oh wag ka!! nanalo ako don ng MS GAY)SAPOK, SIPA, HAMPAS, MURA at ibat iba pang pananakit at masasamang salita ang ginawa ng aking itay na parang isang krimen ang aking na gawa, walang ngawa aking ina kayat napalayas ako ng hapong iyon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang napadpad ako sa aking kapwa beki, kung saan natagpuan nila akong nakaupo sa isang waiting shed. Pinasama nila ako at pinatuloy sa kanilang apartment, napaka swerte ko naman at may mga tao pang marunong magmalasakit sa kapwa. Ilang linggo ang lumipas ay bumalik ako sa bahay ngunit sa kasamaang palad ay naabutan ako ng aking itay at syempre pananakit ulit ang nakuha ko sa kanya. Ganda ng welcome home sa akin db?? isang kamao na nagpakita sa akin ng mga alapaap at ibong lumilipad, kaya dali dali akong tumakbo pauwi ng apartment na may takot.

Dahil dito, kinakailangan kong magkaroon ng trabaho, upang matustusan ang mga pangangailangan ko, kakahiya na rin sa mga umampon sa akin kaya naghanap ako ng trabaho at sa halip na trabaho ay ligaya ang nahanap ko nang makilala ko si BENJIE ang taong nagpuno ng pagmamahal sa aking puso. Sinuyo at nilagawan niya ako, oh dba anh haba ng hair ko!! kabog kayong lahat ^_^. In short naging kami, mabait naman si Benjie at siya rin ang nakatulong sa akin upang magkaroon ng trabaho bilang isang cashier sa isang market at dahil dito ay niyakag niya akong mag live in para makabawas na rin ako sa gastusin sa apartment at pumayag ako.

Habang nagtatrabaho ay pinanadalhan ko ang aking ina ng pera upang iyon ang gawin nilang pangtustos sa araw araw at hindi iyon alam ni itay. Ako na rin ang nag paarl sa aking dalawang kapatid na parehong nasa college na. Napag isip isip ko na bumalik na sa aming bahay at baka doon ay matanggap na ako ni itay, ngunit!! mas lalo pa pala siyang nagalit sa akin kaya hindi parin ako nito natanggap kahit alam niya na ako na halos ang nagpapalamon sa kanila.

Hanggang ngayon, ay hindi parin ako tanggap ni itay ngunit sa kabila ng kanyang nagawa ay tinutulungan ko parin sila dahil sa puso ko mahal na mahal ko sila at nainiwala ako na balang araw ay matututunan din akong mahalin ng aking itay. Sa ngayon, ay matiwasay parin kami ni Benjie na nagsasama sa aming mumunting bahay kasama ng aming anak na si Hollie at Karl Adrian.

### sa mundong ito lahat tayo ay pantay pantay lalaki, babae, beki o tomboy ka man at hanngang wala kang tinatapakan na ibang tao masasabi mo sa sarili mo at sa buong universe na ikaw ay isang mabuting nilalang na gawa ng ating PANGINOON.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SIGAW NG ISANG SIRENATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon