Ferdinand POV
Pinag-uusapan namin ang agos ng pelikula nang biglang may pumasok sa silid na kasama ni Luis
Si Y/N at si Paco
Anong ginagawa nila dito
"Oh, halika pasok kayo. Ito pala si doktora, ang ganda ganda. Galing mong pumili Luis ah?" bati nung direktor at pumasok sila't umupo na rin sa gilid
Nilapitan ako ni Paco at binati na rin kami ni Imelda.
"Ito ikakapanalo niyo, tiyak ako dyan" sabi ni Paco sa amin at ngumiti lang kami
Pagkatapos ay ulit kaming nag usap sa mga pangyayaring magaganap sa pelikula
-
Tapos na at nagsimula na silang mag shoot. Hinahanap ko kung saan si Imelda at nang lumingon ako sa likod ay nag-uusap pala sila ni Y/N
Ano kaya ang pinag-uusapan nila?
"Sige Y/N, salamat" sabi ni Imelda at lumapit na din sa akin
"Sweetheart, may good news ako" dagdag nito
"Ano yun sweetheart?" tanong ko naman
"Tutulungan tayo ni Y/N na mangampanya"
"Paano yun? Sasama siya sa atin?"
"Bakit? Gusto mo ba?" galit nitong tanong
"Hindi naman sweetheart.... Kasi nagtataka lang papano ba" sabi ko nang hinahaplos ko ang kanyang likod
"Talaga lang Ferdinand" banta nito sa akin
"Kasi malakas pala ang pamilya nila sa Mindanao. Nag-uusap kami kanina at nagkakamustahay at sinabi naman niyang baka may maitutulog siya sa pangangampanya natin. Kuha naman natin ang Luzon at Visayas, Mindanao nalang yug kulang" paliwanag ni Imelda.
Siguro nga naman baka makatulong siya kaya sige
"Okay sweetheart" sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi
Imelda POV
Alam kong dapat ay galit parin ako sa lahat na nangyari sa aking asawa at Y/N pero kailangan ko nang ipagpalipas ang lahat ng ito para sa pagtagumpay ni Ferdinand sa susunod na halalan. Alam ko kung gaano niya ito ka gusto ay pinaghandaan kay susuporta ako kung saan ang ikasasaya niya
Mabuti na rin ang mga pangyayari ngayon. Masaya kami ni Ferdinand at may kasintahan na rin si Y/N
Nag iisip na rin ako kung ano ang maaari kong maitulong kay Ferdinand kung sakali mang pagpalain at mananalo talaga siya. Balak ko sanang ikumbinse si Andy na magtayo kami ng maraming ospital
Habang nag-aaral ako sa mga kailangang gawin para mamalakad ng isang ospital kahit hindi doktor, nilapitan ko ang kilala kong isang magaling doktor at maaaring makatulong sa akin. Si Y/N at si Paco
Nag-usap kami at napagtanto kong gusto kong makatrabaho si Y/N sa mga maaaring maging pangarap ko na magpatayo ng mga ospital
"Sige, punta lang kayo sa bahay. Libre naman ako any time kasi check-ups lang ang trabaho ko ngayon kay pagbibisita lang sa mga tahanan at ospital ang mga lakad ko" sabi ni Y/N
"Sige salamat, pupunta lang kami ni Ferdinand" at nagpaalam na ako sa kanya
Lumapit ako kay Ferdinand at sinabihan siya sa lahat naming pag-uusap
"That's good sweetheart. Bukas ba agad?" tanong nito
"The whole week sweetheart kung maaari lalo nang sa susunod pa din na linggo ang pangangampanya natin ulit" sabi ko
"Okay sweetheart"