Tagahatid ng sulat sa'yo
gawa ng kaibigan ko
may gusto kasi siya sa'yo
kya pinakiusapan nya ako
Nilalakad ko sya
Malapit kasi tayo sa isa't isa
di ko naman inaasahan na
magugustuhan mo din sya
Ngayon di na nagkikita
Ngayon kayo laging magkasama
Bakit ba? Sa lahat ng nilikha
sya na! kaibigan ko pa
Nagselos ako ng sobra
tila mahal niyo ang isa't isa
samantalang ako, nagiisa
at hamak na Saling pusa
Ngunit ako ay nabigla
Noon tayo ay nagkita
Bigla mo akong hinila
Niyakap, Natulala
Sinabi mo sa akin na
" Mahal kita, gumising ka nga!"
Mata ko'y biglang napaluha
"Mahal din kita, matagal na"
Puso'y may naramdaman
lungkot at kasiyahan
paano ang aking kaibigan
magdurusa't masasaktan
Ah! wala na akong pakielam
Sa kanya o kanino pa man
basta masaya akong malaman
Iisa pala ang nararamdaman
Ngayon masaya tayo
Lagi tayong magkasalo
Mahal kita, Mahal mo ko
Tayong dalawa magmahalan ng buo.
------------------------------------------------------------------------------------
Credits to: Mr. Edson Karl :)) Haha, ang kyot ng poem noh? XDD
©COPYRIGHTS . ALL RIGHTS RESERVED
BINABASA MO ANG
❣ Saling Pusa ❣
PoetryMahal ka nya .. Mahal mo sya .. Pano ako ?? Saling pusa nga lang b? <//3 -- Okay Korni ng description bsta , Basahin nyo na lang xDD