Chapter 12

1.8K 115 6
                                    

Yvienne sat at the edge of the bed. The Chewa traditional gown sprawling before her is like an art made of spider's web. Simple ang tabas. May disenyong mga bituing gawa sa pilak na sutla. Walang manggas at bawat hibla ay tila ba humihinga at tumitibok.

Hindi siya pinilit ni Makki na isuot ang damit pangkasal na iyon. Hindi rin siya pinilit ng binatang pumunta sa kapilyang pagdadausan ng kasal.
Getting married was not even included in her bucket list, besides when her father told her about the arranged negotiation with the Andromidas she did everything she could to disappoint her Dad.

It was not just because she values her freedom more than anything but because she is aware of the emotion she kept deep within for a man she always admire. Mikael Andromida. A man who is more than the toughness of life but was not meant for her as norms in this world decide.

But now he is out there waiting for her, determined to make her his bride today. He is willing to defy the tradition of his family through another form of social custom which he thought is irrevocable. Nasasabik siya na hindi niya maintindihan. Thinking of him waiting below the altar, what she felt in each turn of second is beyond explaining.

Nalipat ang atensiyon niya sa mahihinang mga katok mula sa pinto. Hindi naman siguro siya pinapasundo ng binata. May oras pa bago mag-umpisa ang seremonya. Tumayo siya at tinunton ang pintuan. Hindi siya nakahuma nang mapagbuksan si Zuey. Suot nito ang kaparehas na wedding gown. Nalukot ang mukha niya habang ang babae ay ngumiti.

"Oh, you're not yet ready?" tanong nitong hinagod siya ng nanunuring tingin at hindi na nagpaimbita pa. Tumuloy ito sa loob ng kuwarto.

May umusbong na inis sa sulok ng puso niya. Isinara niya ang pinto at sumunod sa babae. "The gown looks good on you? sarcastic niyang komento. "Ikakasal ka rin ba? Double wedding ba ang magaganap ngayong araw na ito? Pasensya ka na, walang sinabi sa akin si Makki tungkol sa mga detalye."

Sinipat nito ang sarili na para bang noon lang nito napansing nakadamit pangkasal din ito. "You find this dress too plain for your taste, right? Otherwise you should've tried putting it on even if you don't want to marry him." Wala itong preno kung magsalita at sa tono ay nahimigan niya ang bahid ng pang-iinsulto.

"Where did you get that notion about me not wanting to marry him?" She squared her shoulders and gave Zuey a fake smile.

"You don't have to lie. I can understand-"

"And you don't have to be so assuming as if you knew everything about me and Makki." Supalpal niya rito at hinablot ang damit na nakalatag sa kama. Sa harap ng babae ay isinuot niya iyon.

"Are you sure Makki will choose you?" Umarangkada pa ito.

Nahinto siya sa paglalapat ng damit sa kanyang katawan. "What do you mean?" alsa ang mga kilay na tanong niya sa iritadong tono.

"This is a traditional Chewa wedding," Zuey trailed off after tucking a few locks of hair behind her ear. "You don't know a thing or two about our tradition. Don't tell me I did not warn you. Once you're there, no stepping back..." pinal nitong sabi at iniwan siya roon na nag-iisip.

Gusto niyang maniwalang pinapahina lamang ng babaeng iyon ang loob niya, pero may punto ito sa isang banda, wala siyang kaalam-alam tungkol sa tradisyon ng Chewa. Subalit, kung hindi siya sisipot doon sa kapilya para na rin niyang inamin na tama lahat ng sinabi nito. At si Makki, hinihintay siya ng lalaki. Hindi niya ito ipapahiya sa harap ng mga katutubo.

Naupo siya sa sofa sa harap ng tokador at pumili sa mga pampagandang nakalatag sa mesa. Nagsimula siyang mag-ayos ng sarili. Walang head dress ang gown kaya naglagay siya ng mga mumunting batong palamuti sa buhok. Patapos na siya nang silipin doon ng dalawang kasambahay. Hindi naman siya inapura pero indikasyon marahil iyon na sisimulan na ang seremonya.

NS 18: ROMANCING THE ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon