Chapter 3

2.4K 72 8
                                    

Chapter 3: Start

Sa sobrang sakit ay kailangan pang pahiran ng maligamgam na tubig ang braso ko dahil pakiramdam ko ay pinapaso ito. Nakabantay lang si Davis sa 'kin kahit na may kailangan pa siyang gawin.

Ayaw ko ng matulog dahil baka iba na naman ang mapanaginipan ko. Pakiramdam ko, lahat na lang ng panaginip ko ay totoo. Ang bawat sakit na nararamdaman noon ng dating ako ay nararamdaman ko tuwing nananaginip ako.

Hating gabi ng maramdaman kong umalis sa tabi ko si Davis. Nagkunwari akong natutulog hanggang makalabas siya ng pinto.

Saan siya pupunta? Sa ganitong oras? It's already 11:40 in the evening.

Pagsarado niya ng pinto ay mabilis akong tumayo at sumilip sa bintana. Kumalabog ng mabilis ang puso ko ng makitang maraming nakakulay itim sa ibaba. Lahat sila ay nakayuko Kay Davis na ngayon ay naka itim na cloak at maskara na pula.

Muntik na akong makita ng Isang tauhan niya kaya mabilis akong nagtago sa likod ng kurtina.

Anong nangyayari? Anong ginagawa nila? Bakit kasama si Zaxton at... Gevina?

Napaatras ako ng makita silang isa-isang nag alisan na parang mga ibon na mabilis mawala. Hindi ko na sila maaninag sa dilim kaya kumuha ako ng jacket sa closet ni Davis at sinubukang lumabas. Naka lock ang pinto.

"May bampira pa ba riyan?! Buksan niyo 'to!" Sigaw ko dahil gusto kong lumabas. I confirmed they're not human.

Walang sumagot sa akin kaya naghanap ako ng pwedeng ipamukpok sa door knob. Lumapit ako sa bintana at tiningnan ang babagsakan ko. Yes, susubukan kong bumaba sa bintana gamit ang mga kumot.

Nasa third-floor ako at mataas, titingnan ko pa lang ay nalulula na ako. Sinubukan ko ulit na galawin ang door knob ng hindi mabuksan ay ginawa na ang plano.

Matapos kong matagpi-tagpi ang kumot ay hinagis ko pababa mula sa third-floor hanggang first floor. Kahit na kinakabahan ay gusto kong malaman ang ginagawa nila. Nagsimula akong bumaba at mukha akong unggoy sa ginagawa ko.

Nasa tapat na ako ng second floor ng muntik na akong malaglag ng daretsyo kung hindi ko pa nabawi ang kamay ko. May narinig akong bumukas sa kwarto namin ni Davis kaya mabilis akong gumalaw pababa.

"Lady Viana!" rinig kong boses ni Gracia kaya lalo kong binilisan.

Nasa first floor na ako at natapat ako sa isang kwarto na hula ko ay Gracia ng biglang may kumuha sa akin sa likod. Napapikit ako sa kaba at naramdaman ko na lang na bumagsak na kami sa lapag.

Pagmulat ko ng mga mata ko ay pulang mata ni Davis ang sumalubong sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya pati ang tungki ng ilong niya ay dumikit na sa ilong ko. Ang galit na mata niya ay nakatingin sa akin at ang pangil niyang nanggigigil.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" mariin ang kaniyang boses kaya natikom ko ang bibig ko. Nakasuporta ang kamay niya sa likod ko at ngayon ay nasa damuhan kami.

Ginilid ko ang ulo ko para hindi kami magkatitigan. Ang hininga niya ay nararamdaman ko sa leeg ko at ang simoy ng hangin na malamig ay nagdagdag sa kaba ko.

"N-nakita ko k-kayo..." Iyon lang ang nasabi ko ay nagtayuan ang balahibo ko ng tumusok ang Isang pangil niya sa leeg ko. Narinig ko siyang nagmura at binuhat ako patayo.

Nakahawak lang ako sa leeg niya at nakapikit dahil parang lalabas ang kaluluwa ko sa bilis niyang kumilos. Nakabalik kami sa kwarto at nagtiim ang bagang niya ng makita ang mga kumot na ginamit ko. Nilapag niya ako sa kama at wala na ang suot niyang cloak.

"You're not allowed to go outside without my permission, Viana." Malamig niyang sabi habang tinutupi ang itim niyang long sleeve hanggang siko bago nakapamaywang na tumingin sa akin.

A Vampire's Bite  [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon