Chapter VIII: Diary ng Panget (Diary ni Belle) FanFic- Entry #8
"Belle..."
Bakit ganun. Nanlalambot ang puso ko kapag tinatawag niya yung pangalan ko.
"Can we talk?" Napatingin ako kay Kai na ngayon ay nakatingin din sakin.
Ewan ko pero hindi ko mabasa ang iniisip nito. Kung natutuwa ba ito o nalulungkot.
"T-tungkol saan na yun Chad?"
"Just the two of us." Muli akong tumingin kay Kai, tango lang ang sagot niya. Lumabas si Chad at sumunod din ako.
"A-Ano'ng pag-uusapan natin? At bakit kelangang dalawa lang tayo?"
"I just to clarify things Belle."
"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong. Anong gusto naman niyang malaman? Sila ni kambal diba? Bakit pa niya ako bubulabugin. Nasa stage of moving on na ako eh.
"Just answer my question first. At gusto kong magpakatotoo ka sa sagot mo." Tiningnan ko lang siya sa mata. "Do you love me?"
Parang nakaramdam ako ng baso na nabasag sa loob ko. Anong tanong niya?
"Answer me please. Do you love me?"
Napayuko ako. Do I need to answer that? Sasabihin ko ba ang totoo?
"Why bother Chad? Ano namang magagawa ng sagot ko sa tanong mo?"
"Please Belle. Do you....love me?" Hinawakan niya yung kamay ko...ng mahigpit. Don't go.
"NO." Matigas kong sagot. Naramdaman kong unti-unting bumibitaw yung kamay niya sa kamay ko.
Ewan. Naiiyak ako sa nangyayari. Mabuti na din siguro ito baka ako pa ang makagulo sa relasyon nila ng kapatid ko.
Nabigla ako sa sumunod niyang ginawa. Niyakap niya ako...ng sobrang higpit.
"Nakakaramdam ka ba ha, Belle? Can't you feel? I love you! Matagal na!"
Napafreeze ako sa mga katagang binitiwan niya. "Y-You what?" Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at he cupped my face.
"Totoo lahat ng narinig mo. Mahal kita, at matagal na." pinunasan niya ung luhang pumatak sa pisngi ko. "At hindi mo na kailangang ikaila pa."
Namuo uli ng tubig sa gilid ng mata ko. Napayuko ako.
"Nakakaasar ka. naghihintayan lang pala tayo sa wala." Tumawa siya at tsaka ako niyakap.
"Utang ko ito kay Kai."
Anong ibig mong sabihin?"
"Kung hindi ko pa siya pinaamin kanina tungkol sa nararamdaman niya sayo, hindi ko malalaman na mahal mo ako."
Hindi ko malalaman na mahal mo ako.
Kinilig ako. Haha. Tae.
"Nagkausap kayo kanina?"
"Oo. Haha. Bang klase yung taong yun."
Bigla uli nya akong niyakap. Nakakarami na ito ha? Pasalamat siya at mahal ko siya.
Napansin kong parang may dugo sa kwelyo niya. "Anong nangyari dito?"
"Wala yan. Nagnose bleed lang."
"Ha? Bakit? Okay ka na ba?"
"Okay na ako hangga't nandito ka sa tabi ko."
Kinilig uli ako. :"> Ang sweet. Eesh.
-------------------------------------------------------------------------
After 1 year
"Dali! O, ito ha? Wacky tayo. Say cheeeeeeze!"
*Click*
"Tama na muna yan. Kumain na muna tayo." Sigaw ni mama di kalayuan sa pwesto namin kung saan kami nagpapahangin.
Nandito kami ngayon na Sitio Avila. Sitio nina Kai, para magbakasyon.
"Tara na Mako." Hinawakan ni Chad yung kamay ko at naglakad kami papunta kina mama.
"Wow. Ang sarap naman ng ulam natin. Nagutom tuloy ako." Kumuha ako ng plato at nagsimula ng sumandok ng pagkain.
"Asan si Kai at si hardToFind?" Tanong ni Ate Lory.
"Baka nagdadate. Alam mo naman yung mga yun diba? Masyadong matago." Sagot naman ni Chad.
"Hahaha! Sinabi mo pa. Hayaan na muna natin sila. Gusto lang sulitin ni Kai ang kapatid ko." Agad ko namang sagot.
Magiging busy na kasi ito sa trabaho si kambal as writer sa isang publishing company kaya sinusulot ni Kai ang bawat araw niya dito kasama si kambal.
At oo. Sila ang nagkatuluyan. Engaged na din silang dalawa.
Nakakasar na nakakatawa dahil nagpalit lang kami ng lalaking mamahalin ng kapatid. Ang alam ko nung una, magagalita sa akin ang kapatid ko pero, nagulat ako dahil okay lang sa kanya yun. Dahil iba daw naman talaga ang mahal niya. Yun ay si Kai. Kaya pumayag syang maging sila ni Chad para kahit papaano ay mawaglit sa isipan niya si Kai at ibaling na lang ito kay Chad.
Pero dahil sa aminan portion ay nabago ito.
"Mako...." Tawag sa akin ni Chad.
"Po?"
"Pakiss ako. Napaso yung labi ko. Kelangan niya ng mabisang gamot."
Feeling ko tuloy ay pulang-pula yung mukha ko sa kilig. Si Ate Lory naman at tukso ng tukso kahit paalis na.
"Sige na mako." 'Mako', short for Mahal Ko. :"> Amin yan! Walang gayahan! >3<
Sympre alangang aaarte pa ako diba? Matiis mo ba yung mahal mo?
"Ayan. Magaling na." Kiniss niya ako sa noo ko.
"Mako. Gusto mong magic?"
"Sige nga. Pakitaan mo ako."
"Sige ba. Halika dito." Inalalayan niya ako sa gilid ng dagat. "Pikit ka." Pumikit naman ako at hinawakan niya yung kamay ko.
"Ready ka na?" Naexcite naman ako kaya masaya akong sumagot ng oo.
"Open your eyes."
Minulat ko yung mata ko.
Napatakip ako ng mukha dahil sa nakita ko sa ulap. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.
"Yes Chad! Yes! I will marry you." He then kissed me.
BINABASA MO ANG
Diary ng Panget (Diary ni Belle) FanFic
FanfictionNOT A PLAGIARIZED STORY. THIS IS THE CONTINUATION OF (DNP) DIARY NI BELLE FANFIC BY QeshleeBB :) Read :>