Chapter 11

1 0 0
                                    

Hindi na gaanong bumabalik ang magkakapatid na Monteverde sa kanilang bahay na ipinamana sa kanila ng kanilang Lolo dahil doon pala tumutuloy ang mga magulang nila.

Gusto man nilang paalisin ay hindi nila magawa dahil kahit papaano ay magulang pa rin nila ito. Pero pumunta roon si Theo paminsan-minsan dahil nandoon ang ibang kagamitan nito na hindi nila nakuha nang maglayas sila sa bahay. Si Theo na rin ang kumukuha ng ibang gamit ng mga kapatid na kailangan nila na hindi nakuha noon.

Pagnag-pupunta roon si Theo ay pinipilit siyang kausapan ng kanyang ina pero hahalikan lang ito ni Theo sa noo at iiwas. Ni hindi nga nito matignan ang ama at ina sa mga mata dahil naalala nito na nagbabalak itong ipakasal ang mga kapatid para lang sa negosyo.

Pagkatapos magkausap ni Bela at Blythe ay hindi na nagtanong pa si Theo kung anong pinag-usapan nila dahil may tiwala ito sa kapatid. At halata rin naman na ayaw din nitong maikasal kaya kampante siya hindi sila mahihirapan na magkakapatid na maipatigil ang binabalak ng mga magulang.

Habang naghahanda ang magkakapatid sa kanilang pagpasok sa eskwela at trabaho ay may biglang tumunog na cellphone kaya kaniya-kaniya silang tingin sa mga phone nila. Napansin ni Theo at Blythe na walang tumatawag sa kanila kaya napatingin sila sa kanilang kapatid na si Prama at napansin na nakakunot ang noo nito.

"Hello?" Sabi nito pagkasagot ng tawag.

Napansin nila Theo at Blythe na natigilan ang kapatid na pinagtaka nila.

"O-okay. . . thanks." Nauutal na sabi nito at agad na binababa ang tawag.

"Ate? Ano meron?" Nag-aalalang tanong ni Blythe sa kanyang ate.

Seryosong tumingin si Prama sa dalawang kapatid.

"Si Mama. . . nasa shop ko." Sagot ni Prama sa kapatid.

"Ano?" Gulat na ani ng dalawa.

"Ba't nando'n siya?" Tanong ni Theo.

"Gusto raw tayong makausap na. . . tatlo." Mahinang sabi ni Prama sa huling salita na nagpatigil kila Theo at Blythe.

Agad na kinuha nila Blythe ang kanilang mga gamit. Hindi pa nila alam kung sasakay na lang ba sila sa iisang sasakyan o maghihiwalay pero napili nilang maghiwalay ng sasakyan since hindi rin sila sabay ng uuwi mamaya. Sumabay na lang si Blythe sa kapatid na si Theo dahil sasabay ito mamayang uwian sa ate'ng si Prama.

Nang makarating sila sa shop ni Prama ay nakaramdam ng kaba si Blythe pero pinagsawalang-bahala niya ito dahil nasa tabi naman niya ang kanyang mga kapatid. Kaya pagkababa nila sa kanilang mga sasakyan ay sabay-sabay silang pumasok sa loob ng shop.

Sinalubong sila ng isang babae na sa tingin ni Blythe ay secretary ni Prama.

"Nasa loob po siya ng opisina niyo, Miss Prama," Sabi nito at itnuro pa ang opisina ni Prama na ikinatango lang ng huli.

"Salamat," Sabi ni Prama ay binigyan ng maliit na ngiti ang babae.

Agad na pumunta ang magkakapatid sa opisina ng kapatid pero natigil sila ng biglang tumigil si Prama sa harap ng pinto. Nagkatinginan pa silang tatlo kaya napabuntong hininga si Prama at dahan-dahang binuksan ang pinto.

Pagkabukas ay napansin nilang nasa harap ito ng mga shelves kung saan ang pictures nilang magkakapatid. Alam 'yon ng magkakapatid dahil naiku-kwento ni Prama na nilalagyan niya ng pictures nila ang opisina niya. Kahit si Theo ay gano'n din.

Napalingon si Bela ng marinig na bumukas ang pinto at napangiti ng makitang magkakasama ang tatlong anak.

Isa-isa silang pumasok na tatlo. Si Theo pa ang nagsara ng pinto kahit si Blythe ang huling pumasok. Umupo si Bela sa single couch habang ang magkakapatid ay magkakatabi sa mahabang couch na nasa opisina ni Prama.

Uncontrollable: The Hidden OneWhere stories live. Discover now