Akala ko, Sigurado na ako

9 2 0
                                    

"Akala ko, Sigurado na ako"

Akala ko, sigurado na ako sa 'ting dalawa

Akala ko kaya ko na,

Pero nang ika'y muling makita

Nagbalik lahat ng ala-ala

Malungkot at masaya

Lahat ng iyon, binigyan ko ng halaga

Pero kitang-kita ko sa 'yong mga mata,

Na lahat ng yun ay wala nang kwenta.

Tuwing nakikita kitang kasama mo siya

Naaalala ko kung pa'no mo rin ako napasaya

Iniisip na hindi bale at ako ang una mong napatawa

Kaso nga lang at hindi na ako umabot sa pangalawa

Mga ngiti mo na dati ay saakin lang nakareserba

Ngayon ay paborito na rin ng iba

Mga mata na agad kong minahal ng una kong makita

Heto ngayon at may tinititigan ng iba

Pagmamahal mo na dati ay sa akin lang pinapadama

Pero ngayon ay pagmamay-ari na niya.

Akala ko, aabot tayo sa walang hanggan

Ngunit hindi pa man tayo nakakarating sa kasalukuyan

Lahat ng pinagsamahan natin, naiwan na agad sa nakaraan

Sana sa susunod na tula, hindi na muling magsisimula sa akala ko,

Hinihiling na sisimulan na ng salitang sigurado na ako.

T U L ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon