"Ako na lang ang pupunta sa room niyo" sabi ng bestfriend kong si Rhea.
"Sige" sagot ko matapos ay umalis na siya papunta sa kanilang room. Nakakalungkot nga kasi since 1st hanggang 3rd year ay lagi kaming magkaklase, pero ngayong taon ay magkahiwalay na kami.
Pumasok na ako sa room at as usual! First subject namin ay Math, which is ang pinaka HATE kong subject.
Umupo na ako at akmang ire-rest ko na sana yung ulo ko sa desk nang biglang may gumulo sa buhok ko.
"Hi, Ailee" masayang bati niya pero hindi ko na lang pinansin.
Siya nga pala si Nate, ang pinaka-kinaiinisan ko. Paano ba naman kasi e simula noong dumating siya sa buhay ko, lagi niya na lang akong binibigyan ng tanong na about sa Math, e ayoko nga doon.
Oh well! Ibahin na lang natin ang topic dahil baka masira ang araw ko, Valentines Day pa naman ngayon.
"Uy, ano na?" panggugulo na naman niya habang nagsusulat sa board si prof, since magkatabi kami at nasa bandang dulo nakapwesto ay malakas ang loob niyang mag-ingay.
"Anong ano na?" nakakunot noo kong tanong. Bakit kasi sa dami ng kaklase ko ay siya pa ang katabi ko.
Maya-maya pa'y may kinuha siya sa bag niya at ipinakita na naman ang lintek niyang notebook "Yung sagot mo dito, ano na?" turo niya doon sa bwiset na tanong.
"Ano ba? Tigilan mo na nga yan!" medyo nalakasan ko ang boses ko kaya napalingon si prof sa buong klase.
"Keep quiet! Mahuli ko lang talaga kung sinong nag-iingay dyan" banta niya, terror talaga 'tong prof namin kaya kahit na ayoko sa Math ay nakatuon pa rin ang pansin ko sa lesson, pero lumalabas talaga yung sinasabi ni prof sa tenga ko.
Matapos noon ay hindi na nanggulo pa si Nate at lutang ako sa buong oras na yun at hindi ko namalayan na natapos na pala ang klase namin. Pagkadismiss ni prof ay agad akong lumabas at hinila si Rhea patungong canteen, nang makita ko siyang nakasandal sa pader sa labas ng room.
"Oh? Bakit tulala ka?" tanong ko sa kanya nang makaupo na kami. Nanlaki kasi bigla ang mata niya na para bang may nakitang multo sa likuran ko.
"Ah..eh alis muna ako ha! Bili lang ako ng juice, balik lang ako agad." at dali-dali na siyang tumayo, ni hindi man lang ako nakatugon.
Tumingin ako sa aking likuran para alamin kung anong meron pero napakunot noo na lang ulit ako.
"Hi!" Ayan na naman siya! Napaka-feeling close.
"Oh? Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ko at inilabas sa bag ang baon kong kanin na ang ulam ay pritong isda..
"Bibili ng pagkain" sabi niya na may kasamang kindat. Kadiri lang talaga! Inirapan ko na lang siya at nagsimula nang kumain.
"Ang sakit naman! Nakakatampo ka" at umupo siya sa upuan ni Rhea. Aba! Kung makapagsabi naman ng nakakatampo, hindi naman kami close.
"Pake ko?" tugon ko habang may pagkain pa sa bibig ko.
"Sungit mo naman! Libre mo na lang ako." at nag-puppy eyes pa ang kumag, akala mo naman cute...medyo cute nga siya.
"Tumigil ka na nga, naiinis na ako sayo!" medyo napasigaw ako. Sapat na yun para mapatingin ang mga taong malapit sa kinauupuan namin at magtalsikan ang mga pagkain sa bibig ko, kadiri lang.
"Ganito na lang, ako na lang ang manlilibre sa'yo. Alam kong hindi ka tatanggi, libre yun e. Tsaka isa pa Valentines naman, gusto lang naman kitang makasama," at talagang nag-blush pa ang baliw, at ano daw? Gustong makasama? Nagsitaasan tuloy ang balahibo ko.

BINABASA MO ANG
Math "LOVE" Problem [Revised]
KurzgeschichtenAyaw na ayaw na Ailee sa Math, hindi dahil magulo at puro numero ito, kundi dahil sa iisang dahilan lamang. At iyon ay ang....