Chapter 17:
Nagbukas ako ng facebook. Ayun! Online si Gio. Agad agad akong nag-chat.
Gio: okay lang naman ako. Sorry kung ngayon lang ako nakachat. Iba kasi yung oras dito atoras sa pilipinas. Ikaw kamusta ka?
Ito yung reply niya sa huli kong chat.
Ace: Gio! Buti na lang online ka.
Naghintay ako sa reply niya. Biglang may tumunog at nag reply siya kaagad agad.
Gio: hinihintay nga kitang mag-online eh. Kamusta ka na?
Ace: ito! hindi makakain kasi na-mimiss kita! Bakit kasi hindi kita kayang pakawalan?! Iniisip ko lang naman yung kinabukasan mo! Ayaw mo bang magkaasawa at magkaanak?
Gio: uy! Bat ka galit? Ace, kumain ka. nawala lang ako nagkakaganyan ka na. diba, kaya ko nga ayaw umalis kasi ayokong mawala ka sa piling ko. diba babe?
Ace: nakuha mo pang magbiro! Di ko naman kasi ineexpect na ganito pala mangyayare sakin.
Gio: na mimiss din kita. Kung alam mo lang.
Ace: bayaan mo. Sana isang araw magkita tayo.
Gio: sana nga. Marami sana akong ikekwento sayo.
Ace: edi magkwento ka.
Gio: ang laki pala dito! At ang lamig.
Ace: natural.
Napahaba ang usapan namin sa facebook hanggang sa umabot na pala ng gabi ang usapan namin. Ayoko sanang tapusin ang chat pero kailangan. Nabuo ang araw ko na kausap siya. I miss you Gio. Hinding hindi kita makakalimutan.
***
Masaya akong pumasok sa eskwelahan. Pagpasok ko ng classroom ay napansin ko na mag-isa si Coleen. Malungkot.Nangiti ako. May gusto nga siya kay Gio. Ibinaba ko ang bag ko sa upuan ko at umupo katabi niya. Humarap ako sa kanya.
Ace: mahal mo nga siya.
Coleen: sino?
Ace: mahal mo si Gio.
Coleen: hindi ko siya mahal.
Ace: Coleen, salamat sayo. Nagpapasalamat ako sayo dahil kung hindi sayo, siguro hindi makalapit lapit kay Gio.
Coleen: alam ko naman na magkakagusto ka sakanya eh.
Ace: huh?
Ace: huh?
Ano daw? Alam niya? Weh di nga. Pektusan kita pag di totoo yan.
Coleen: mabait siya. First day palang alam ko na.
Bigla biglang may humarap sa harapan ko.
Dianne: umalis ka nga sa trono ko.
Tumayo ako sa kinauupan ko.
Ace: cheap naman ng trono mo. Kahoy lang.
Dianne: FYI, pareparehas lang tayo ng inuupuan.
Ace: no, Dianne. My throne is much better than yours because even if I sit in my throne, I sit there with beauty and poise. What about you? Keri mo nang makasalpak diyan sa dumihin mong upuan?
Dianne: wag mong sirain ang araw ko.
Ace: wag kang mag alala, sira na ang lahat nang saiyo. Kung meron pang maayos, siguro yung araw nalang na ito. huwag ka nang