Chapter 19:

3 0 0
                                    

Chapter 19:

Bumalik ako sa classroom at medjo dumami narin ang mga kaklase ko. nakita ko nalang ang bag ko na nakaupo ng tahimik sa upuan ko. umupo ako at kinandong ko ang bag ko. bat wala kaming teacher? Ilang oras ang lumipas at wala parin kaming teacher. Ay baka free time. Kinalkal ko na lang ang bag ko at bigla ko nalaang nakapa ang cellphone ko. oh my gosh! Dala ko phone ko. sana walang inspection. Binuksan ko ang phone ko at binago ko ang audio setting. At nilagay ko sa bulsa ng pantalon ko.

Ana: uy kanina ka pa namin napapansin na tahimik ah.

Ace: okay lang ako.       

Ana: weh di nga? May problema ka no? si Gio  ba yan?

Ace: hindi. Wag mo nang pansinin. Mag chismax nalang kayo diyan. Wag niyo muna akong guluhin. Please.

Ana: o sige.

Nag isa ako sa buong araw. Hindi ko alam kung sinong lalapitan ko, sinong kakausapin ko. parang gusto kong magisa. Lunch nang magpaiwan ako sa  classroom. Wala akong ganang kumain. Kahit na may pera pa ako. Bigla bigla ba namang pumasok si Dianne. Ngumiti siya sa harap ko.

Dianne: akala ko ba sisirain mo ang mga araw ko dito?

Ace: wag kang magalala. I'm working on it. Pero I just want you to choose. Sisirain ko ang mga araw mo o una kong sisirain ang mukha mo?

Natahimik siya. Talagang hinahamon mo ako no?shit. hindi pwedeng pahintuin ako ni daddy  sa pag aaral. Pag huminto ako pano na magiging kinabukasan ko? ineexpect pa naman ako ni Enzo. Naku. Pano na nga pala si Enzo? Naku ba-bye general manager.  Mataas pa naman sweldo don. WAHHH! Mommy tulungan mo ako.

                                                                            ***

 

Unknown POV

Hindi ko alam kung anong nagawa ko. nang dahil ba sa sobrang depresion, sa sobrang lungkot, sa sobrang pagkalugmok? Hindi ko alam. Nakagawa ako ng desisyon na mas lalong magsasabi sakin na isa akong walang kwentang tao. Ano nang gagawin ko? hindi ko na maibabalik ang oras. Bakit ba kailangan siya pa? siya pa na ngayon pinakamamahal ko. anong gagawin niya sakanya? PUTA! PUTA! PUTA!!! Nagwala ako sa buong bahay. Ipinagbabato ko ang lahat na makuha ng mga kamay ko. ano nang gagawin ko? ilayo ko nalang siya? Hindi pwede makikita at makikita parin niya siya. Anong gagawin ko? ISIP! Nagring ang cellphone ko. tauhan niya to. Sinagot ko ang tawag. "ngayong gabi daw." Sabi niya. PUTA NGAYON PA! "hindi ko ba pwedeng bawiin ang sinabi ko?" pabulong kong sinabi. "pasensya na pre, hindi nagbabawi si boss" malugod niyang sinabi. Ano na? hindi ko na siya makikita pa ulit. "sige pare, kailangan na naming umalis. Pasensiya na. kung ako kasi sayo pare, inisip ko muna yung mga sasabihin ko." sabi niya. Inihagis ko ang cellphone ko sa pader. Nanginginig ako ngayon sa galit. "panginoon, patawarin mo ako sa ginawa ko. hindi ko mapapatawad ang ginawa ko." dasal ko.

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi. Parang ayoko na ngang umuwi dahil ayokong makita si daddy. Ayokong maalala ko ulit yung ginawa sakin ni daddy kaninang umaga. Kaya naglakad lakad ako kung saan saan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. lakad lang ako ng lakad hanggang sa napadpad ako sa isang simbahan. Umupo ako sa upuan at tumahimik.

Kaya ko bang iwanan si Gio? Hindi ko siguro magagawa iyon. Siya yung taong naging napakalapit saakin. Siya yung lalaking minahal ko dahil sa napakaganda ng kanyang ugali at buong pagkatao. Kung kailan naging tayo at mas nakilala kita ay ngayon tayo dumaan sa ganito. Habang palapit ng palapit ako sa buhay mo atsaka may mga bagay na naglalayo satin. Parang nawala ka sa buhay ko. kailan ka babalik? Babalik ka pa ba? nawalan na ako  ng isang nanay. Pati ba naman ikaw mamawala pa?

uuwi ba ako? Kaso pag umuwi ako, baka lasing nanaman si daddy at baka mapatay pa ako nun. Nagtagal ako sa simbahan, iniisip lahat ng magagandang alaala namin ni mommy at ni Gio. Ipinagpapasalamat ko sa diyos na sa konting sandali na nakilala ko si Gio ay naging napakasaya ko. ipinagpapasalamat ko rin na naging nanay ko si mommy. Alam kong minahal ako ni mommy ng buong buo.

Lumipas ang segundo, minuto at oras. Haggang sa hindi ko napansin na palubong na ang araw. Nagulat ako at napatayo agad ako sa kinauupuan ko. naku mas lalong magagalit sakin si daddy. Kinuha ko at isinuot ko ang bag ko sa likod ko at lumabas. Wala na akong pera pamasahe at nagdesisyon nalang akong maglakad. Mapagalitan na o hindi wala na akong pake. Nagsimula na akong maglakad. Naku mag do-dora the explorer na naman ako.

 Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan kumanta. ano bang pwedeng kanta para samin dalawa ni Gio? Alam ko na!

I remember so well the day that you came, into my life. You asked for my name you have the most beautiful smile. My life, started to change, I wake up eache day feeling alright. Will you right by my side, makes me feel things will work out just fine.

#AtHugotSaPusoBiritan

How did you know I needed someone like you in my life? That there was an empty space in my heart. You came in the right time in my life. I never forget that you broke the sun to shine in my life. You took all the worries and fears that I have. That's what I;m really trying to say. It's not everyday that someone like you comes my way. No words can explain. How much.....i love you.

Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako sa daan. Ang drama ko. malapit na ako sa kanto namin nang bigla akong tinamaan ng kaba. Bat ako kinakabahan? Dahil ba malapit na ako sa bahay? Papalapit na ako sa kanto namin at mas lalong lumalakas ang kaba ko. Ace, wag kang kabahan, tatay mo yan. Hindi ka aanuhin niyan. Bumibilis ang takbo ng puso ko. puta! Bat ba ako kinakabahan? Palapit na ako ng palapit sa bahay ng biglang may tumatawag sa pangalan ko.

Daddy: ACE! ACE!

Tumalikod ako at natanaw ko si daddy na pasugod papunta sakin. Nakatayo lang ako ng tuwid sa kinatatayuan ko. hindi ko alam ang gagawin. Naghalo ang kaba at takot sa buong katawan ko. parang gusto kong tumakbo papalayo sa lahat ng tao.

Biglang may lumapit kay daddy na isang lalaki at sinapak si daddy sa mukha. Mabilis na lumapit ang isang lalaki at hinawakan ang dalawang siko ni daddy. Tatakbo sana ako appalapit pero may naramdaman akong matulis na nakatusok ng bahagya sa tagiliran ko.

Lalaki: wag kang sisigaw. O papatayin kita. Sumama ka samin. Ace Hernandez.

If I were to stop loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon