CHAPTER 15:CHASE

2 4 0
                                    

ALDRIN'S POV

Tinignan ko lang yung phone habang tumatawag yung lalaking gusto tumapos sa buhay naming lahat. Bumuntong-hininga lang ako at binalik ko kay Elle yung phone niya.

Tinignan niya lang din yung cellphone niya, kinuha niya ito at muling tinignan ako. "Ano'ng gagawin ko?" Kinakabahang tanong nito.

"Answer it." Bigla kong sinabi, walang pakundangan, walang kaba.

"What?"

Iniiwas ko yung tingin ko sa kaniya. "I said, answer it."

"O-okay." Akma niya nang sasagutin yung tawag ng hawakan ko siya sa braso.

Tinignan lang ako nito at kumunot-noo. "What?" Napatingin nalang kaming dalawa sa cellphone niya nung matapos yung tawag.

Napataas no'n ang kilay ko at ngumisi. "Great," ani ko. Nasa gano'n kaming sitwasyon ng may naisip akong idea. "Turn on your bluetooth."

"Bakit?" Nakangiwing ani nito.

Pumikit ako at huminga naman nang malalim, pinipigilan mainis sa tanong niya. "Just turned it on, just do what i said."

"Fine," Wala na siyang nagawa binuksan niya nalang yung bluetooth niya at nagappear 'yon sa salamin. "Now what's next?"

"Wait until he call again." Pagkasabi ko no'n nag-ring ulit ang cellphone niya, sakto lang. Speaking of the devil.

Tumalikod ako kay Elle. "Jaguar, turn on also, the bluetooth of this device, and pair with that device."  Utos ko.

"Wait sir."

Nakita ko naman yung nakalagay na pairing sa taas.

Lumingon ulit ako dito. "Did you see it?" Tanong ko, tinignan niya naman yung phone niya at tumango.

"Good, pindutin mo yung pair."

"I'm done." Totoo ngang tapos na siya. Nakalagay sa taas nang salamin yung word na "paired"

"Good. Sagutin mo na 'yan, do'n muna ako." Turo ko.

'Di niya nalang ako pinansin at sinunod nalang ako. Once kase na mag pair yung dalawang device while on call. Pwede ko marinig, yung kausap niya at makipagusap din.

"Hello?" Sagot niya, rinig ko siya dahil malapit-lapit lang naman ako sa kaniya.

"Elle...'di mo naman sinabi na may kasama ka." Sagot ng nasa kabilang linya, 'di ko ito mabosesan, malaki ang boses nito mukhang may ginamit silang app or some kind of device para makagamit nang gano'n.

Natutulirong tumingin ito sa 'kin, sinenyasan ko lang siya na ituloy. "K-kasama? Sinong kasama? Wala akong kasama, m-magisa lang ako sa kwarto."

Natawa ito, pero halatang naaasar din ito sa pagtawa niya. "Tingin mo sa 'kin, tanga?" Oo. Sagot ko kunwari sa kaniya sa isip ko. "Alam ko na kasama mo si Aldrin, ayos ah. Ano 'yan, date? Late night walks? Or baka naman meeting para sa 'kin, alam mo, Elle. Kahit sa'n ka magpunta, may nakasunod sa 'yo sinasabi ang mga galaw mo, kayong lahat. "

Wala na masagot si Elle, nakatingin nalang sa 'kin at malikot na ang mga kamay. "'Di niya naman siguro kailangan ipaalam. Sabi mo nga lahat alam mo 'di ba?" Bigla akong sumabat sa usapan nila, dahan-dahan akong lumalapit kay Elle. "Hindi ka naman tatay, kahit siguro jowa hindi," hanggang sa makalapit ulit ako sa kaniya.  "Bakit niya pa kailangang sabihin kung may nakasunod naman pala palagi sa 'min."

THE GALAXY BETWEEN US SEASON 1Where stories live. Discover now