CHAPTER 16:TRAPPED

3 1 0
                                    

ALDRIN'S POV

Nakababa na kami nang motor. Malayo kami sa guard post, kaya 'di kami napansin nu'ng nakapasok kami.

Unti-unting bumalik sa dati yung motor ko. Ilang segundo ang tinagal no'n, maya-maya tapos na.

Pinaandar ko yung motor ko, pero pagbukas ng headlight nito. May napansin ako, isang anino.

Nanatili lang ako sa gano'ng pwesto. "Ano'ng meron?" Tanong ni Elle na kasalukuyang nasa likod ko.

'Di muna ako nagsalita at pinakiramdaman ang paligid, pumikit lang ako. Nakailang tawag siya at kalabit sa 'kin, pero 'di ko siya pinapansin at parang yung boses niya ay nag eecho lang sa tenga ko. Dumilat ako bigla. "Nasundan nila tayo..." Bigla kong sinabi.

"What?!" Sigaw niya. Tinitigan ko lang yung anino. "'Yan ba?" Turo niya sa anino. "Lumiko ka nalang, dali!" Pagmamadali nito.

Bumigat yung pakiramdam ko at naguumpisahan na 'kong kabahan. "No. Meron din tao sa likod..."

Sigurado akong meron silang cloaking system na ginagamit. Hindi nga ako nagkamali. Maya-maya, isa-isa nang nag de-cloak o nagtanggal ng cloaking system yung mga nasa harap namin.

Sunod naman na nagtanggal yung nasa likod. "Baba." Ani ko.

"W-What? Bakit tayo bababa?"

"Basta! Baba!" Sigaw ko.

Nauna siyang bumaba agad, sumunod naman ako sa kaniya. Isa-isang bumaba yung mga lalaki sa sasakyan at yung mga nakamotor.

"Nahuli ka rin namin." Salita nang isa sa mga lalaki at pinakamalaki sa kanila. Swerte nila at walang bahay kung asa'n kami ngayon.

Nakita ko si Elle na atras lang ng atras. Wala kaming pupuntahan dito. Hinawakan ko siya sa braso at hinila ko agad siya, papunta sa likod ko. "Stay behind my back."

Bilang ko mga nasa sampu o dalawampu ang nandito. Basta madami!

"What? Masiyado ka nanamang mayabang, andami niyan oh. 'Di mo sila kaya."

"I can!" Sigaw ko. "I was trained for this. To protect myself. So shut up, and stay behind me."

"How about me?"

Tumingin ako sakanya at nagtaas nang kilay "What about you?" Masungit kong tanong

Ngumisi nalang siya bigla. "Tss. Kala mo ikaw lang? I trained also. You didn't know it?"

"Tch, babae ka. Besides, 'di halatang nag training ka." Sabi niya na nagpawala sa ngisi ko.

"Bwiset." Mahinang bulong niya.

"Ano? Magbubulungan nalang ba kayo?" Ani ng pinakamalaki sa kanila.  "Mga bata!" Sigaw nito, kasabay no'n isa-isang naglabasan ng mga baseball bat yung mga kasama niya. "Simulan niyo na 'yan. Tignan natin kung makakaabot ka hanggang sa 'kin."

'Please cooperate, gumana ka ngayon. Damn it!'

ELLE'S POV

Kanina pa 'ko nanginginig sa takot. Pero itong lalaking nasa harap ko sobrang bayani, kala mo malakas. Kakayanin ang higit sa labing-limang katao na nasa harap namin. Papalapit na nang papalapit sa 'min sila. Habang si Aldrin nakapwesto na at naghihintay na sumugod sila.

"Tumakbo nalang tayo!" Sigaw ko pero hindi niya 'ko pinansin, kasabay nun sumugod na yung isa papunta sa 'min.

"Dito ka lang!" Sigaw nito sabay iniwan ako do'n at lumapit sa papasugod nang lalaki sa kaniya. Isa-isa na rin tumakbo papunta kay Aldrin yung iba pang kasama niya. Nagtago lang ako sa likod ng puno.

THE GALAXY BETWEEN US SEASON 1Where stories live. Discover now