ELLE'S POV
Nasa loob na 'ko nang classroom pagkatapos ng lahat ng nangyari sa labas. Sa kabila non, napagalitan ako dahil 30 minutes late na 'ko, dahil lang sa nangyari.
Tss. Nalate tuloy ako. Pero 'yon kaya 'yung kinukwento ni bakla? Gwapo ah, mukha rin mabait. Pero ba't parang familliar siya. Nakinig nalang ako sa discussion namin, pero sa kabila non lumilipad ang isip ko 'kung saan-saan. Iniisip ang mga nangyari kanina.
Maya-maya natapos na ang first subject 'di pa rin dumadating si Aldrin. Alam 'kong kating-kati na ang dila ni bakla, lalo na sila Claire. Hindi nila ako matanong, marami kasi kaming ginagawa, sobrang haba na quiz at discussion ang binibigay sa 'kin. Kaya sigurado ako sa lunch tatadtarin ako ng tanong.
Hanggang sa matapos na lahat ng sub hindi pa rin sila bumabalik, ngayon ay papunta na kami sa canteen, 'di nga ako nagkamali, sobrang daming tanong ang binato sa 'kin agad.
ALDRIN'S POV
It's 11:30am. 30 minutes nalang ay lunch break na, andito pa rin kami sa loob ng conference room kasama ang mga coach head committee at 'yung iba pang players. Every school has three representative players. Andito kami para pagusapan ang mangyayari sa interhigh. Kanina ay bahagya akong nagulat sa nadatnan ko...
Lumuhod ito kay Elle at parang nagpapacute pa.
"Hey miss, are you okay?"
'Di ako pinapadaan ng mga tao at talagang pinapaligiran pa 'ko lalo.
Tch. I need to do this.
"Tabe!" Sigaw ko. Nakita 'kong napatingin si Elle sa gawi ko. Napatingin ako dito at lumapit dito, sabay luhod. Napataas ako nang kilay dahil sa kanilang dalawa, na animo'y dalawang nagliligawan sa harap ng klase.
"What happened?" Taas kilay pa ring tanong ko.
Napansin ko na nakatitig lang si Elle don kay Clark.
Nagpalipat lipat ako ng tingin sa dalawang ito. Lalo na kay Clark, tinignan ko ito bago magsalita.
"What are you doing?"
"Just asking if she's okay."
"She looks okay. So go now to conference room, i'll handle this thing."
"No. Ikaw na pumunta sa conference room. Ako na bahala sa kaniya,"
"Mukhang okay naman siya, kaya ako na," sa sandaling 'to unti-unti nang nagiinit ulo ko sa kakulitan nito.
"I said ako na." Pangungulit ni Clark.
"Okay lang ako, Aldrin." sabat ni Elle na hanggang ngayon nakaupo pa rin sa sahig
"See, okay siya? So you can leave now." Ani Clark.
"What?" Napataas kilay ko sa sabat niya. "Really? You dare to command me? In my own teritory?"
"Okay lang, Aldrin. Alis ka na."
dO_Ob
P-pinapaalis niya ba 'ko??
Tumingin ako kay Clark na ngayon ay nakangisi na. Wala na 'kong nagawa 'kung hindi tumayo nalang at ayusin ang uniform ko.
"Tch, edi kayo na magsama." Sabay layas ko.
Andito pa rin ako habang nagmemeeting 'yung buong commitee of sports, 'di ko alam 'kung bakit ako nandito, wala naman ako ambag dito. Ilang discussions pa ang nangyari bago maglagay ng date tungkol sa interhigh.
YOU ARE READING
THE GALAXY BETWEEN US SEASON 1
Science FictionAldrin Gonzales is a handsome, smart, kind, so much rich and so talented teenager. In his Campus that his family own, they have a nickname to him the 'Campus Heartthrob' of the whole campus. He is team captain and the varsity of his team, 'Blaze Dra...