CHAPTER 13

4 4 0
                                    

DIANE'S POV

Kanina ko pa itong napapansing tuliro. Pansin ko rin ang kaba ni Aldrin sa mukha at boses niya kanina habang kausap ko siya. Bumibilis din ng bahagya ang takbo nang sasakyan.

"He--! Mabilis masiyado!"

"Ayos lang 'yan, para makarating tayo agad."

"Makakarating tayo Aldrin! Wala naman nagmamadali sa 'tin, mamaya maaksidente pa tayo! Ikalma mo nga sarili mo!"

"Fine! Sa susunod kase 'wag ka sumakay 'kung ayaw mo nang mabilis!" Singhal niya. Pagtapos no'n, unti unti nang bumaba ang bilis namin, tapos tinigil niya ang sasakyan.

"Why did you stop?" Tanong ko. 'Di ako nito pinansin at tinanggal ang seatbelt niya at bumaba na ng sasakyan.

"Hey! Where are you going?"

"Stop asking just move."

"Wait wha-damn it." Sinarado na nito ang pintuan nang sasakyan niya, ngayon ko lang napansin na nasa tapat na pala kami nang bahay namin

Bwisit.

Bumaba na 'ko at hinabol ko si Aldrin.

"What's wrong with you?" Tanong ko habang papasok nang bahay.

"Can you please, ate? Stop asking things and shut down your mouth, it's too loud."  Madaming nakatingin sa 'min 'Yung mga guards at mga maids ng bahay. Pagpasok pa lang namin kasi nang bahay, nagbabangayan agad kami.

"Where are they?" Tanong nito sa isa sa mga katulong namin, sigurado sila mom at dad ang hinahanap niya.

"Umalis sila, sir. May emergency meeting daw po."

"Emergency meeting, saan?" Sabat ko.

"Sa Cebu daw po."

"Sa Cebu? Tch, ngayon pa talaga nila napiling umalis." Dinig 'kong bulong ni Aldrin.

"What do you mean?" Nawiwirduhan 'kong tanong dito.

"Nothing, don't mind it."

"Come on, say it."

"I said don't mind it!" Sigaw nito.

Kanina pa 'to ah!

"Halika nga!" Hila ko sa kaniya papunta sa kwarto niya.

"Sa'n mo naman ako dadalhin?"

"Sa kwarto mo! Do'n tayo maguusap, kung ayaw mo sa maraming tao."

Hinila ko lang ito, hanggang sa makarating kami nang kwarto.

"You're weird, Aldrin. Kanina ka pa mukhang kinakabahan, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?!" Singhal ko agad sa kaniya pag pasok.

"Me? Tch, ano ba nangyayari sa 'kin?" Sarkastikong ani niya habang turo niya pa sa sarili niya.

"You're crazy. Sobrang bilis nang takbo natin kanina, you're insane, God!" Pagtataray ko dito

"And so? Gusto ko lang umuwi nang maaga."

"Umuwi nang maaga?! Bakit?! Ano ba'ng gagawin mo?!"

"Wala!" Sigaw nito.

"You're weird, super weird. Bakit gusto mo 'ko sa maraming tao?"

"Masama ba? Claustrophobic ka ba?" Sagot nito.

"No. It's just, pwede mo 'ko sunduin kahit sa walang tao. Can you explain, what's happening?"

Hindi ito nagsalita, nakatitig lang ito sa 'kin. Sa mukha niya palang mababasa mo na may kinatatakutan siya at sigurado ako, 'yon 'yung dahilan ng pagiging kabado niya. Huminga lang siya nang malalim, gano'n din ang ginawa ko, para naman mabawasan ang mga init nang ulo namin. Maya-maya tumayo ito at may kinuha sa bag niya, isang papel. Tinaasan ko lang siya nang kilay do'n. Tinaas niya lang 'yung papel.

THE GALAXY BETWEEN US SEASON 1Where stories live. Discover now