Y/N POV
Sinundan ko si Ferdinand pag labas niya. Ano bang problema nun?
"Ano yun?" galit kong tanong sa kanya
"Ikaw?! Ano ba yun?" pabalik na galit ni Ferdinand
"Alin?"
"Talaga ba? Kailangan ko pang sabihin lahat ng nakita ko? Uulitin ko pa?"
"Ano bang problema mo, Ferdinand?"
"Makikipaglandian ka man lang, sa harap ko pa? Sa harap namin ni Paco?"
"Pokpok ka ba?" nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko alam paano niyang nasisikmurang sabihin ito sa akin
Sinampal ko siya
"Bago ka lang nakunan Y/N. Bago lang tayo nawalan ng anak tapos ulit kang makikipagtalik kung sino-sino?" dagdag ni Ferdinand habang turo turo sa loob ng bahay
"Hindi siya kung sino-sino Ferdinand. Nobyo ko siya"
"Hindi kita maintindihan, Y/N... Ano ba?"
Wala na akong masabi. Hindi naman siguro tamang magalit pa siya.
Wala na akong obligasyon kay Ferdinand at sa kung ano man ang nararamdaman niya
"Why did you turn down my marriage proposal?" bigla niyang bungad. Nagulat ako ulit sa tanong nito
"Ano?"
"Why did you turn down my marriage proposal?" inulit niyang tinanong
"Dahil dito? Nagkaka ganyan ka?"
"Sagutin mo Y/N!"
"Ang tagal na nun, Ferdinand. Why do you have to bring this up again?"
"Kasi di ko maintindihan simula noon kung ba't ka tumanggi. May iba ba?"
"Wala! Bakit ba? May asawa't anak ka na, iyan pa rin ba tinatakbo ng utak mo?"
"Oo!" sigaw nito
"Alam mo bakit?" mahinahon kong sinabi habang papatulo na ang aking mga luha
"Kasi takot ako! Takot akong mawalan ng asawa. Nung nalaman ko Ferdinand na aalis ka para maging sundalo, para makipag giyera, natakot ako. Ayokong magpakasal isang araw tapos mamatayan sa susunod na araw. Hindi ko kaya iyon Ferdinand. Hindi ko kayang mawala ka" dagdag ko habang umiiyak na
Nilapitan niya ako
"Pero bumalik naman ako" sabi nito nang mahinahon
"At ano? Pagbalik ko galing ibang bansa, kasal ka na Ferdinand. Anong gusto mong gawin ko? Agawin ka? Maging kirida? Ganyan ba tingin mo sa akin? Kaya kung ako sayo Ferdinand, mabuti ngang umuwi ka na at baka nag aalala na si Imelda sayo" at bumalik na ako sa loob ng bahay
-
"Anong nangyari?" tanong sa akin ni Paco pag pasok ko. Hindi na ako umimik at pumunta na sa kwarto
Narinig kong nagsalita si Luis, "Isabukas niyo nalang ulit iyan"
"Sige, ikaw na bahala kay Y/N. Una na ako Luis" sabi ni Paco
Pumasok si Luis sa loob kwarto at pinatahan ako sa pag-iyak. Hindi na rin ito nagtanong kung ano ang nangyari at pinakalma na lang ako.
"Umuwi ka muna Luis. Gusto kong mapag-isa" sabi ko sa kanya
"Sigurado ka?" tanong nito at tumango lang ako't hinalikan ako sa noo at umalis na din siya
-
Hindi pa rin ako makatulog sa mga nangyari kanina
Sa lahat na mga binitawang salita ni Ferdinand
Napatingin ako sa orasan, alas-2 na pala ng madaling araw nang may kumatok sa pintuan kaya lumabas ako
Sino bang taong gising pa ng ganitong oras? Grabe pa naman ang buhos ng ulan
Pagbukas ko ay si Ferdinand na basang-basa
Bago paman ako makapagsalita ay hinalikan na niya ako
Malalim na halik