Chapter 33

400 18 99
                                    


Y/N POV

Kinaumagahan ay nagising ako at nag-inat inat sa kama nang nasiko ko yung nasa gilid ng kama

Si Ferdinand

Nagising siya at ngumiting kita ang dimples. Nakakahumaling

"Good morning" sabi nito at ngumiti ako

"Good morning" sagot ko at tinitigan niya lang ako

"Nakakailang ka, Andy" sabi ko at tumawa lang ito't hinalikan ako. Bumangon ako nang ikinalabit ni Ferdinand ang kamay ko

"Stay here for a while" sabi niya

"Magtitimpla na ako ng kape Ferdinand, bumangon ka na rin" sagot ko at tuluyan nang lumabas

Paglabas ko papuntang kusina ay nakita ko si mama sa sala na nakaupo at tila mabilis ang pagpapaypay

Naramdaman siguro niyang andito ako kaya lumingon ito sa likod

Nang nakita ako ay tumayo siya't lumapit sa akin at sinampal ako nang malakas

Napalagay yung kamay ko sa pisngi ko sa sobrang sakit at nagtataka

Bago man ako magsalit at sinambat niya ako ulit

"SINONG NAKABUNTIS SAYO?! SINO?" sigaw ni mama. Paano niya ito nalaman?

"Pumunta ako ng hospital sa San Juan para magpa check-up tapos maririnig ko lang sa mga doctor na nakunan ka?! Galing pa talaga sa ibang tao?!" dagdag nito at sinampal ulit ako kaya nadapa ako't nakaupo na sa sahig habang humahagulgol

"Babae ka pinalaki kita nang maayos, hindi ko alam na nagpapabuntis ka lang pala ng kung sino-sino?" patuloy nitong sigaw

Ferdinand POV

Masarap na gising sapagkat si Y/N ang katabi ko sa kama

Nagising lamang ako dahil nasiko ako ni Y/N

"Good morning" malambing kong bati sa kanya

"Good morning" sagot nito at tinitigan ko lang siya. Kay gandang pag masdan.

"Nakakailang ka, Andy" at tumawa lang ako at hinalikan ulit siya

Bumangon lang siya para magtimpla ng kape. Muli kong isinara ang aking mga mata nang may narinig akong sigawan sa baba

Kaya nagsuot ako ng pangtaas, lumabas at dali- daling bumaba

Si Donya Vicenta

Nakita at tinuro ako nito

"IKAW! ITO BA Y/N? ITO BA?! MAY ASAWA'T ANAK NA? HINDI KA BA NAG-IISIP BABAE KA?!" patuloy na sigaw ni Donya

"Mama.." iyak ni Y/N habang lumuluhod sa kanyang inay

Nang pumasok si Pacifico ay inawat niya si Donya Vicenta

"I expected more from you Ferdinand, sisiguraduhin kong malalaman ito ng mama mo" sabi nito bago na tuluyang umalis

Kaya nilapitan ko si Y/N na umiiyak pa sa sahig at pinatayo ito

Niyakap ko nalang siya at pinatahan habang si Pacifico ay kumuha na ng tubig

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon