Single No. 1

47 0 0
                                    

NO BOYFRIEND/GIRLFRIEND SINCE BIRTH

ITAAS NATIN ANG ATING BANDILA! WOHOO!

Hindi ko ipagkakailang ganito ang estado ko ngayon at proud ako. Bakit ba? Maganda nga ang ganito lang eh. Walang sakit sa ulo. Ika nga, 'no boyfriend, no problem', 'no girlfriend, no problem'.

Pero guys, aminin na natin. Kapag may nakita tayong nag-sweet-sweet-an sa tabi at mga nag-HHWW dyan sa kalasada malapit sa inyo, nagiging ampalaya tayo sa pagka-bitter. Kapag may nababasa tayong stories na ung bidang lalaki at ung bidang babae ay sweet to each other, naiinggit tayo. Huwag niyo nang ipagkaila. Liers go to hell.

As much as possible, ayokong magbasa ng mga romance stories at teen fiction kasi pramis, umaabot ako sa point na sasabihin ko sa sarili ko na "sana may ganyan din ako" at kung minsan naman, bababa ang self-esteem ko kasi wala pa kong nobyo samantalang ung kaibigan ko, naka-tatlo na.

Pero on the other side, napakaraming benefits ng pagiging single sa totoo lang.

YOU'RE FREE AND INDEPENDENT. Lahat ng bagay, pwede mong gawin without any restriction depende na lang kung pinagbabawal sa'yo ng Mama mo. (Oy!) Pwede kang magkaroon ng fling and the great thing is wala kang commitment na pinanghahawakan. Landi all you can. And also, wala kang ibang naiisip na masasaktan kaya okay pa sa alright!

NO HEADACHES AND HEARTACHES. Aminin po natin, iniisip pa lang natin na magkaroon tayo ng ganito, mahirap na. Paano pa kaya kung meron na?

BAWAS GASTOS. Applicable 'to sa mga lalaki. Malamang, sila ang dapat gumastos sa mga date lalo na kapag sila ang nagyaya. Ipang-do-DOTA mo na lang, mapupunta pa sa pang-load ng syota mo dahil nag-demand siya ng load sa'yo.

NO DISTRACTIONS. Super! Ang sarap kaya sa feeling ng walang nanggugulo sa'yo, depende na lang kung baby ang peg mo, nangangailangan ng aruga't pagmamahal.

~•~
Pinaglalaban ko po dito:

Masaya maging single, sobra. As in wooh! Ang saya! Kaya ikaw, maging single ka na, tara!

~•~

©Makibaka

Maki Rosedale ♥

Single's POVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon