Chapter 34

382 18 69
                                    

Ferdinand POV

Umuwi na ako bahay matapos nun, pinaubaya ko na kay Paco si Y/N

Bumungad sa akin si Imelda

"Hi sweetheart, Okay ka na ba?" tanong ko sa kanya nang niyakap ko siya

"Oo sweetheart medyo okay na yung pakiramdam ko" sagot nito

"Saan ang mga bata?" tanong ko habang papasok ako sa bahay

"Nasa school. Weekday ngayon sweetheart" sagot naman ni Imelda

Oo nga pala, grabe hindi ko na namamalayan ang araw

"Oo nga pala Ferdinand, tumawag ang mama mo kanina dito naghahanap sa yo" dagdag nito at napadilat yung mata ko. Hindi kaya ay nasabihan na ni Donya Vicenta si mama?

"Ano daw kailangan?" tanong ko

"Hindi ko din alam, hinahanap ka lang at mag-uusap kayo" at matapos itong sabihin ni Imelda ay alam ko na

It's just a matter of time bago din ito malaman ni Imelda. Pero paano kapag hindi? Paano kung hindi iyon ang rason ba't hinahanap ako ni mama? Baka masyado ko lang itong inaabala

Pumasok na ako sa kwarto at naligo na rin

Paglabas ko ay nakabihis si Imelda

"Saan ka?" tanong ko

"Mamamalengke lang ako sweetheart, madali lang to. Babalik rin ako" sabi nito

"Balik ka talaga sweetheart ha?" biro ko naman at tumawa siya

"Oo, baliw!" at umalis na nga

Matapos ang ilang mga minuto ay may kumatok sa pintuan. Ang bilis naman pala talaga mamalengke.

Pagbukas ko ay si mama

"Mama!" bati ko at lumapit ako para magmano nang inunahan ako ng sampal

"I did not raise you to be this tarantado, Ferdinand" galit niyang sabi

"Alam na ito ni Imelda?" dagdag nitong tanong at nilingon ko lang ang aking ulo na hindi

"And I'd appreciate if you didn't tell her" sabi ko. Tinitigan lang ako ni mama na may galit sa kaniyang mga mata

"Pananagutan ko parin naman yung bata, mama" paliwanag ko

"Well, you should! Pero hindi iyan ang problema dito Ferdinand. May kabit ka!"

"Minsan lang iyon nangyari mama. Isang gabi lang"

"Isang gabi? Isang gabi?! Ba't andun ka sa bahay nila Y/N nung pumunta si Donya Vicenta?" sabi ni mama at hindi na ako umimik. Sinabi nga lahat ni Donya ang lahat kay mama

Napatingin lang ako sa sahig at natulala

"Hindi ka naming pinag-aral ng iyong mama para lumaki kang ganito ka bobo. Hindi ka na ba nag-isip sa mga anak mo man lang?" patuloy nitong paggalit sa akin

At tumagal pa ito ng maraming minuto hanggang huminahon si mama at ako'y humingi ng patawad at dispecha sa kabila ni Y/N

Wala akong masabi sa kanya kasi alam ko naman talagang mali iyon pero hindi ko na mababalik ang panahon

Lumipas ang ilang minuto ay umuwi na din si Imelda galing sa pamamalengke

"Mama, andito pala kayo. Anong ginagawa niyo ire?" tanong ni Imelda matapos mag mano

"Binibisita ko lang kayo at ang aking mga apo ngunit parang nasa eskwelehan pa ata" sabi ni mama. Akala ko ay sasabihan niya si Imelda pero hindi. Nabigla ako

"Talaga ho ba? Dadating din yun maya-maya, ihahatid ng school bus nila. Dito na rin kayo maghapunan mama" alok ni Imelda ay hindi naman tumanggi si mama

Kaya nagluto si Imelda ng hapunan, hinintay ang mga bata, binihisan sila't pinahanda at kumain na kami

Matapos naming kumain ay nagligpit na din kami sa lamesa. Dito na rin lang nagpalipas ng gabi si mama



--

A/N: grabe 3 updates sa isang araw; sa nagrequest na sana paggalitan si fem ni donya josefa, ito na po WISH GRANTED

Gusto ko rin po sana ipaalam na grabe yung mga underage dito sa wattpad na nagrereklamo na sinesexualize sina fem at mama meldy na sana wag nalang kayong magbasa kung di niyo gusto yung nakikita niyo, kaya nga fan fiction tawag dun diba? Fiction kasi kathang isip lang

ENDLESS LOVE at WILD HEART fan ako kaya nahurt ako nung nag post ng announcement yung authors na iibahin na nila story nila eh, less jabolan scenes na daw :(( eh love ko pa naman yung mga ungol wild scenes nila hahahahaha

So yun lang naman, gawa kayo ng ibang story kung na ooffend kayo sa mga wild stories nila fem at mama meldy CHE

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon