CHAPTER XLII

6K 131 8
                                    

SHEENA'S POV

Kinagabihan ng aming unang araw na pag oout of town ay sabay-sabay kaming nag dinner kasama ng mga Arceta. Nakilala na rin ni Mommy Amanda si Colet at nalaman na rin niyang piloto ito kaya makahinga hinga na rin ako ng maluwag kahit papaano ng ngitian niya ito.

Alam kong hindi rin madali para kay Aiah ang sitwasyon na meron sila pero mali pa rin na bigla na lang siyang hindi magpaparamdam sa nobya niya na parang wala lang sa kaniya.

"Matagal na namin kilala yang si Colet, mabait na bata yan pati na rin yung iba pa nilang kaibigan. Actually, dalawa sila niyang piloto sa kanilang magkakaibigan, sobrang bait din ng batang yon parang magkapatid na nga sila non" Nakangiting usap ni Daddy kay Mommy Amanda, nanlaki naman ang mata ko at ganon din si Colet, sabay naman kami napalingon ni Colet kay Aiah na tahimik lang na kumakain. Bakit ba kasi alam ng pamilya ko ang relasyon ni Aiah at Mikha? Ang dadaldal.

"Kita ko nga rin na mabait na bata tong si Colet, maswerte si Sheena at kilalang kilala niya tong naging kasintahan niya" Nakangiting usap ni Mommy Amanda, taka naman tumingin sa kaniya si Kuya Akira habang nanatiling sa cellphone lang ang tingin ni Aiah.

"Sana makahanap na rin ang bunso ko ng kasintahan niya, yung kilalang kilala niya sana tsaka hindi piloto" Nakangiti ngunit seryosong usap pa ni Mommy Amanda habang naghihiwa ng steak sa kaniyang plato.

Napatingin naman kami kay Aiah na ngayo'y nakangiti na sa kaniyang mommy.

"E kung tatamaan naman yan bunso niyo sa kahit sino, tatamaan talaga yan, mapa piloto man yan o hindi" Biglang sabat ni Kuya Akira kaya lahat kami ay napatingin din sa kaniya.

"Tama si Akira, sa pag-ibig, pag tinamaan ka, wala ka ng choice, pag tinamaan ka, tinamaan ka" Pang sang ayon pa ng Daddy namin ni Ate Gwen kay Mommy Amanda.

"Kilala ko si Aiah, alam kong hindi niya ako bibiguin tsaka buong buhay niyan si Gelo na kasangga niyan kaya hindi na ako magtataka kung sila ang magkatuluyan dalawa" Nakangiting usap pa ni Mommy Amanda.

"Don't worry mommy, kung may piloto man na lalapit sa akin, ako na ho mismo ang lalayo" Natatawang sabi ni Aiah at agad na binalik na ang tingin sa kaniyang pagkain. Napailing na lang naman si Colet kaya hinawakan ko na ang kamay niya sa ilalim ng mesa.

"Hindi rin madali to para sa kaniya" Bulong ko kay Colet habang nakatingin kay Aiah. "Alam ko" Sagot niya.

"At alam kong hindi rin magiging madali para kay Mikha to" Dagdag pa niya at huminga ng malalim.

—————————

"Okay ka lang?" Biglang tanong ni Akira sa kapatid na tulalang nakaupo mag isa sa tabing dagat. Tumango naman ang dalaga bilang sagot at ngumiti.

"Miss mo na?" Tanong pa ni Akira sa kapatid. "Sobra" Sagot ni Aiah sa kuya niya

"Bakit ayaw mong tawagan? Panigurado akong miss ka na rin ni Mikha" Seryosong usap ni Akira sa kapatid taka naman tumingin sa kaniya si Aiah at napailing.

"Medyo malabo ka roon, Mr. Arceta ah" Napapailing na usap ni Aiah sa kuya niya. "Ginagawa ko 'to para kay Mommy, narinig mo naman sinabi niya kanina, di ba? tsaka yon din naman sinabi mo" Sagot ni Aiah sa kuya niya.

"Maraiah. Oo, sinabi kong isipin mo ang mararamdaman ni mommy pero hindi ko sinabing iwan mo na lang basta basta si Mikha. Pwede mo pa rin ipaglaban yang inyo ni Mikha kung gugustuhin mo" Iritang sagot na ni Akira sa bunsong kapatid niya.

"Oh hindi mo lang talaga kayang panindigan at ipaglaban yang nararamdaman mo kaya ganyan yan mga sinasabi mo" Madiin na usap ni Akira na kinabigla ng bunso niyang kapatid.

"Sayong desisyon na yan, Aiah. Ikaw na yan. Labas na diyan yung sinabi ko at sinabi ni Mommy. Nasa sayo na yan kung itutuloy mo at ipaglalaban mo. Nasa sayo na rin yan kung ititigil mo at susukuan mo" Seryosong usap ni Akira sa kapatid niya at tinignan niya ito.

"Masaya akong malaman na masaya ka kay Mikha, kaya huwag mo na pahirapan ang sarili mo. Huwag mo munang problemahin ang bagay na wala pa, sasakit lang ulo mo" Natatawang usap ni Akira at hinalikan ang sentido ng kapatid.

"Kasama niyo ko sa laban niyo, kami ng ate Maloi niyo. Kaya bumawi ka kay Mikha, miss na miss ka na raw non sabi ni Maloi. Pati tuloy ako pinapagalitan non pati ni Jl, akala pinagbawalan kita" Natatawa pang usap ni Akira

"Ang liit talaga ng mundo, hindi ko akalaing kaibigan mo pala ang ate ni Mikha" Napapailing na usap ni Aiah. "Nahuli mo tuloy kami" Natatawang dagdag pa ni Aiah. Napangiti na lang naman si Akira.

"Kuya, miss ko na si Daddy" Nakangusong usap pa ni Aiah. Niyakap naman siya ni Akira atsaka huminga ng malalim. "Masaya na si Daddy roon, mas mataas na rin lipad niya kaysa sa mga eroplano na dati niyang pinapalipad. Kaya ikaw, tanggapin mo na ang nangyari at sana lumawak pa lalo yang pag iisip mo sa pag unawa. Piliin mo rin laging maging masaya kasi panigurado akong ayon din ang gusto ni Daddy para sa panget niyang bunso" Natatawang usap ni Akira sa kapatid kaya pabiro pa siyang hinampas ni Aiah.

"Salamat sa pag unawa, kuya" Biglang usap ni Aiah at niyakap ang kuya nito.

"Basta kayo ni Mikha, walang problema" Sagot ni Akira sa kapatid kaya natawa naman ito.

"Hmm, lakas ni Mikha sayo ah" Natatawang usap ni Aiah sa kapatid.

"Attorney kapatid e" Biro pa ni Akira sa kapatid kaya natawa na lang silang dalawa.

"Paano si Gelo? Boto ka ron di ba?" Pabiro pang tanong ni Aiah sa kapatid

"Bakit may gusto ka ba kay Gelo?" Takang tanong ni Akira sa kapatid

"Wala" Simpleng sagot ni Aiah. Tumango naman si Akira

"Wala pala e, edi hayaan mo lang siya haha" Natatawang sagot ni Akira kaya natawa na lang din si Aiah sa kalokohan ng kuya niya.

"Pag isipan mo mabuti ang mga desisyon mo, Aiah. Dahil minsan kahit gustuhin man natin ibalik ang masasayang araw na kasama ang mga taong mahal natin, minsan hindi na rin talaga maaari. Dahil minsan mananatili na lang iyon alaala, alaala na maaring manatili o alaala na maari na hindi na rin kayang alalahanin" Dagdag pa ni Akira, huminga naman ng malalim si Aiah at umiling

"Hindi ko na alam kuya, hindi ko alam" Nasagot na lang ng dalaga.

Linggit naman sa kaalaman ng dalawang magkapatid ay kanina pa sila pinagmamasdan sa malayo ng kanilang magulang at nakangiting tumingala sa mga bituin tsaka pumikit.


"Mario, bigyan mo ko ng lakas ng loob para harapin ang lahat para sa anak natin, para kay Aiah" Nangiyak ngiyak na usap ni Amanda sa mga bituin bago tuluyan maglakad palayo sa kaniyang mga anak.

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon