⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Sexy"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
HINDI na sinagot ni Leland ang text message na nanggaling kay Abner
Nilingon niya si Maribella at Ysa, tahimik na pareho. Nakayuko si Ysa habang nakatitig naman si Maribella sa pinsan. Puno ng tanong ang mga mata nito.
Muntik pang mapaigtad si Leland nang biglang lumingon si Maribella sa kanya na may tinging nananantiya, galit. Galit? Bakit?
"What?" Tanong niya ditong painosente kahit kinakabahan.
Ang Mommy at Ate Brynn niya lang ang nakakapagparamdam sa kanya ng ganito mula sa mga ganyang titig. Pero heto siya ngayon, parang mas takot pa siya sa tinging Maribella kesa sa mga tinging Brielle at Brynn.
"Anong what?" Panimulang tanong nito. "Ano ang alam mo na hindi ko alam?" May katarayang tanong ni Maribella. Napailing siyang natatawa dahil totoo yung kabang nararamdaman niya.
"Honestly, I don't know anything that you do not know." Deretso niyang sagot kahit alam niyang maaaring wala rin itong alam. "Pero itong pinsan mo ay may ipagtatapat yata. Katulad ng sinasabi ni Iggy sa kanya sa transceiver, maaaring ito ang maging dahilan ng paggaan ng lahat para sa kanilang dalawa at baka makapagpabago din ng pag-iisip ng mommy nila." Matalinhaga niyang pahayag.
Katulad kanina, ayaw pa rin niya ang tinging ibinibigay ni Maribella sa kanya, nakakakaba, nakakatunaw, nakakatakot.
Oo, natatakot siya. Para kasing binabasa nito ang isip niya at parang pinag-aapoy din ng mga tingin ni Maribella ang dibdib niya.
"Siguraduhin mo lang na walang kang alam na hindi ko alam dahil kung hindi, Capt. Leland David Scott, ibibitin kita ng patiwarik!" Madiin nitong bigkas na may pagduro pa sa kanya.
Muntik siyang matawa ng pagkalakas-lakas sa sinabi ng kasintahan ngunit sinupil na lang ito dahil hindi niya alam kung ano nga ang kayang gawin sa kanya ng isang maliit na babaeng katulad ni Maribella.
Katulad ni Maribella, maliit din lang ang Mommy niya at ang Ate Brynn niya, at kahit malaki at matangkad ng di hamak ang Daddy at bayaw niya ay takot ang mga ito sa tingin ng dalawang asawa. Ganun din ang Kuya Ethan niya sa kanyang hipag na si Maelee.
Wag ding kalilimutan ang dalawang hipag na si Makai at Madz. Parehong tupi ang dalawang ka-triplets niya sa titig ng dalawang yun. Siya pa kaya?
Like the say, great things comes in small packages. Maliit lang ng bahagya si Maribella, pero hindi pa niya alam kung gaano lakali ang package nito. Tingin at taray pa lang ang natikman niya, medyo atras na siya.
"I'm sure you will." Sabi na lang niya at muli itong kinabig ang dalaga at siniil ng halik para hindi na umalma pa.
Nagulat si Ysa sa nakitang ka-sweet-an nilang dalawa, napangiti siya.
"Kayo na nga bang talaga?" Naguguluhan ngunit nakangiti nitong tanong.
"Sabi ko naman sa iyo kanina, nasabi ko na sa kanya ang nasa loob ko. Nakapagtapat na ako at ganun din siya. Ikaw na lang ang hinihintay ng isang taong kanina pa nasa bingit ng hindi mawaring kung ano ang sarili." Parang walang saysay na pahayag ni Leland, napakunot ng noo si Maribella.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...