Chapter 3

1 0 0
                                    

"Bukas na bukas din ay pwede kanang mag simula." saad ng manager.

"Talaga po?" hindi makapaniwalang tanong ko. Ngumiti lamang sya sa'kin at tumango.

"Maraming salamat po Ma'am." pag kalabas ng opisina ay ang naka ngiting si Kaycee ang agad na bumungad sa akin.

"Ano kamusta?" excited na tanong n'ya.

"I'M HIRED!" sabi ko na ikinatili n'ya.

"Shhhhhh!" pabirong saway sa kanya ng mga katrabaho nya  sa loob ng coffeshop.

"Hihi. peace!" parang bata na sabi nya na ikinatawa ko.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko s'ya. Naramdaman ko ang pag ka gulat n'ya sa ginawa ko pero niyakap nya din naman ako pabalik.

"Thankyou, Bitch." madiin kong bigkas sa huling salita na mas lalo nyang ikinatawa.

Narinig ko ang muling pag kalam ng aking sikmura at alam kong narinig din 'yon ni Kaycee.

"Mukhang gutom na ang alaga mo  d'yan ah." saad nya sabay sundot sa tagiliran ng tiyan ko.

"Oo e, hindi pa kasi ako kumakain mula kagabi."

"Gaga ka! uso kumain no! tara, kain tayo libre ko."

"Seryoso?"

"Oo! kaya tara na! kumain na tayo! Bumawi kana lang sakin pag naka sweldo kana!" kasabay ng pag tapik n'ya sa aking braso ay ang aking pagtawa.

Pag kadating namin sa isang Restaurant, agad na umorder si kaycee ng ibat ibang pag kain. Sinabi ko sa kanya na baka maubos ang pera n'ya kakaorder pero tinawanan nya lamang ako kaya hinayaan ko na lang.

Nang nakompleto ang pag kain sa hapag ay tanging ang kalampag ng plato at kubyertos ang makiking sa lamesa namin ni Kaycee.

Pinunasan ko ang pawis sa aking noo at uminom ako ng Juice matapos kong makain ang lahat ng pag kain na binili n'ya para sa'kin. Para kaming nasa isang BOODLE FIGHT at kaming dalawa lang ang contestant na paunahan at padamihan sa pag kain. Para kaming mga hindi babae sa ginagawa namin pero wala kaming pake pareho kung pinag titinginan na kami. Anong magagawa namin eh ang sarap kumain.

Napasandal ako sa upuan ko at hinimas ko ang busog na busog kong tiyan ng mapagawi ang tingin ko sa babaeng kaharap ko.

"Kaycee, bakit ang bait mo sakin e kanina lang naman tayo nag kakilala?." Tinuyo n'ya ang labi n'ya gamit ang kanyang panyo bago humarap sa'kin ng maayos.

"Well, because you are already my friend when you started talking to me earlier." kinindatan nya ako bago bumaling ang kanyang paningin sa labas ng Restaurant.   "at saka wala naman sa tagal ng panahon ang kailangan n'yong pag samahan bago ka maging mabait sa ibang tao. If you feel comfort or not  to the person infront of you, you should always be kind and careful. Walang pinipili ang pagiging mabait. Basta ako, I become kind to every person I've meet. Hindi ko hinihiling na suklian nila ang kabaitan ko. Its their choice, if they we're going to treasure my kindness." biglang lumungkot ang kanyang mga mata sa huli nyang sinabi. May pinanghuhugutan ba ang babaeng ito?

"What if they will?" humarap s'ya sa'kin.

"If they will treasure my kindness then, thankyou."

"If they willn't?"

"Not.my.lost." she said then smirk.

I like this girl.

"2 Latte and 1 Macchiato for you Ma'am. Enjoy your coffee!." magiliw na saad ko sa huling customer na inassist ko bago tumalikod sa counter at hubadin ang apron.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ISSEHARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon