Chapter 26: Really Beautiful

57 10 0
                                    

Humugot ako ng malalim na hininga at dahan-dahan na tumayo mula sa aking kama. Muli akong napangiwi nang mapagmasdan ang itsura ng binti kong puro pasa na, siguro ay mahigit nasa lima sila.

Tatlong araw na lang ay biyernes na naman, sana ay hindi ito mapansin nila kuya pag-uwi ko, magsusuot na lang ako ng mahahabang pants.

"Ba naman 'tong tao na 'to, ang lakas maghilik," pabulong na reklamo ko kay Yandiel na natutulog sa sahig.

Naroon nga ang paperbag na may laman na pandesal, yung malunggay pandesal na paborito ko. Sa tabi nito ay may bagong timplang kape. Napangisi ako. My goodness.

Sa kalagitnaan ng paghahalungkat ko sa lamesa ay biglang may kumatok sa aking pinto. Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang boses. Si Donielle lang.

"Bora, ako 'to!"

Nanlaki ang mga mata at marahas na napalingon sa pinto. Hala, si Don!

Bigla akong nag-panic at hindi ko na alam kung ano ang gagawin, kung itatago ba sa ilalim ng kama si Yandiel o tatakpan ang mga pasa ko. Tuluyan nang bumukas ang pinto at pumasok si Don nang bahagya sa silid ko.

Marahan akong napasinghap. Ang unang tingin nito ay sa aking higaan hanggang sa malipat ang atensyon niya kay Yandiel na nakahiga sa sahig. Nakaawang pa rin ang bibig ko nang nagkatinginan kami.

I was too hesitant to speak, I'm scared of what he'll say or do. Indeed, my cousin is the most frightening creature when he's mad.

"D-Deborah, ano 'to?" Unti-unti niya akong nilingon. "Ba't nandito 'tong tao na 'to?"

"Naki-tulog lang siya, Don," mabilis kong sagot. "Ngayong umaga lang, kakatulog niya lang."

Lord, hindi po magagalit si Don, ano?

"Sorry, ah? Baka bumagsak daw kasi siya kahit anong oras kasi wala raw siyang tulog magdamag. Magmamaneho pa. Hinayaan ko na..."

Naningkit ang kanyang mga mata at marahang sinipa ang binti ni Yandiel na ang sarap pa rin ng tulog. Napapitlag ako nang lumakas ang sipa niya.

"Hoy, gising. Doon ka matulog sa inyo," walang emosyong sabi sa kanya ni Don. Umungol lang ito. "Pambihira," bulong pa ni Don at tiningnan ito nang mabuti na mas nagpasimangot sa kanya. Para siyang naggigising ng pulubi sa gilid ng kalsada.

"HOY!"

"Ano ba?"

Napatalon ako sa kinauupuan. Ba naman 'tong dalawang 'to.

Unti-unting dumilat si Yandiel para lamang bigyan ito ng masamang tingin. Hindi nagsalita si Don at pinanood lang itong bumangon mula sa pagkakahiga.

Hinarap siya ni Yandiel habang naghihikab pa rin. "Ano bang problema mo?"

"Aba't." Sarkastikong natawa naman ang pinsan ko.

Patago ako uminom ng kape dahil sinisikmura na ako. Nakatayo na ako sa harap ng mesa at tahimik. Ang ikinakabahala ko ay baka dito pa sila magsuntukan. Eh, wala nang tao rito.

"Ang lakas naman ng loob mo. Dorm ng babae, 'to."

Tiningnan lang siya ni Yandiel. "Hindi ko naman aanuhin 'yan pinsan mo. Kaysa naman maaksidente ako sa highway, ikamatay ko pa."

Kumagat ako sa pandesal at muling sumimsim ng kape.

"Hindi ka pa rin dapat nakikitulog dito. Nililigawan mo ba yung pinsan ko, ha?"

Pareho kaming natigilan ni Yandiel, hindi ko na rin nagawang lunukin ang nginunguya ko. Anong connect no'n?

"Kailangan bang manligaw muna bago maki-tulog?" walang emosyon na sambit ni Yandiel, hindi ko alam kung sarkastiko ba ito o ano.

Covenant in the WildernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon