I Fell

890 52 4
                                    

"Sweetie, have a safe trip. Enjoy!" masiglang paalam sakin ni mommy.

Bagsak ang balikat kong dumiretso na sa loob ng airport para magcheck in. I'm boarding for Paris. It's my parents' graduation gift for me. I just finished my degree in UP.

And I am really grateful for that. I mean, sinong hindi matutuwa kung trip to Paris ang regalo sa kanya ng parents niya?

Pero, sino naman ang mageenjoy maglibot sa Paris ng mag-isa?

I have been forever bitter sa love life since my ex. Since our break up, hindi na ako naging fan ng mga romantic love na yan.

Tapos nananadya pa talaga ang parents ko. Sa Paris talaga? Pwede namang sa London na lang. Mas tipid pa.

Sa London kasi ang flight ko ngayon bago pa ako lumipad sa Paris. Wala kasing direct flight papunta doon mula Manila eh.

Naging payapa naman ang buong byahe ko. Natulog lang ako throughout. Nang magland kami sa London ay hindi na ako naggala pa dahil two hours rin lang naman ang stay dito which I spent sa café inside the airport.

And when I finally reached Paris, agad akong sumakay sa taxi at sinabi ang pangalan ng hotel na tutuluyan ko.

Pagpasok na pagkapasok ko sa hotel room ko, tumalon agad ako sa kama ng padapa at mabilis na nakatulog. Nakakapagod din namang bumyahe kahit na natulog rin lang naman ako.

I woke up at 8 in the evening at nakaramdam ako ng gutom. I'm sure this hotel serves dinner naman so, nagpalit agad ako into leggings, basic top, boots and a coat.

I went to the floor where the restaurant was at agad naghanap ng two seater table. I wonder kung bakit walang one seater sa restaurant? Nang-aasar talaga sila no?

Nag-order agad ako ng pagkain na sa tingin ko ay mukhang masarp. Hindi din kasi ako familiar sa food nila dito.

While waiting for my food, luminga- linga ako sa paligid. Ang dami ng tao na halos mapuna na ang restaurant. There were businessmen, families, couples...

Nag-iwas ako ng tingin at sa halip ay ibinalik na lang ang atensyon sa table. I played with the fork and knife at tinusok- tusok yung tissue, imagining it was my ex.

At bago ko pa mapatay ang gago kong ex, may naramdaman akong presensya sa tabi ko.

Agad na nagsalubong ang kilay ko sa lalaking mukhang kasing edad ko lang. "Excuse me?"


"Uhm, miss, can I share a table with you?" sabi nito sa isang British accent.

"And why is that?" mataray kong tanong pabalik.

"There's no more vacant table," inosente nitong sagot habang napapakamot sa batok nito.

Napatingin naman ako sa paligid at nakitang tama siya dahil puno na ang restaurant ng hotel na ito.

Pinagmasdan ko muna siya ng maigi dahil baka myembro ng sindikato.

Well, he looks like a fine man. Mukha siyang isang manly school boy na nagbabakasyon.

"Okay," yon na lang ang naging sagot ko at umupo naman agad siya sa tabi ko.

Just on time, dumating na yung order ko and the guy in front of me took the chance para maka-order din siya ng pagkain.

"What's your name?" napatingala ako mula sa pagkain ng marinig na magsalita si British dude.

"Lily," tipid kong sagot bago sumubo ng pasta.

"Oh. Hi, Lily, I'm Luke," he said with a boyish smile na nagpatigil sakin sa pagkain.

I can say he has the looks. Pwede na siya sa Hollywood.

I FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon